Ally POV
7 years later
Pitong taon na ang nakakalipas, at marami na rin ang nagbago. Natutunan ko na maging isang reyna sa nasasakupan ko sa Heartia at maging asawa sa aking hari lalo na ang maging isang ina sa aming munting Prinsepe. Yes, hindi kayo nagkakamali. Mayroon nang isang munting prinsepe ang aming kaharian. His name is Heallx Dave, since sinunod namin sa pangalan ko at ni Dave. Sa pitong taon na yun, masasabi ko na namuhay kami ng payapa. Naging masagana ang mundo ng mga tao at mundo namin. Si Axon at Ena ay may anak na, si Alice naman at si Lucas ay masaya na sa buhay nila mag asawa. Meron na rin silang isang prinsesa. Pinili ni Axon na mamuhay sa lupa at iwasan na ang dugong nananalantay sa kaniya. Ninais kung ibigay sa kaniya ang kanilang kaharian ngunit ayaw niya. Gusto niya munang manirahan ng payapa kasama ang anak at asawa nito.
" Kamahalan, nawawala po ang prinsepe" wika ng tagabantay ng aking anak.
" Ano? Hindi ba pinapabantayan ko siya sa inyo?" nag aalala na tanong ko dito.
" Patawad kamahalan, parusahan niyo po ako sa kapangahasan kung pabayaan ang prinsepe" nakayuko na wika nito.
" Ang mabuti pa ay hanapin na lang natin siya. Tawagin ang ibang mga kawal upang tulungan tayo na hanapin ang anak ko" utos ko dito.
" Masusunod kamahalan " yumuko muna ito bago ito lumisan.
Heallx POV
Paraiso
Hindi ko maiwasang di mamangha sa nakikita kung mga tanawin. Ang ganda pala talaga ng paraiso, hmmm. Maglalakad na sana ako malapit sa ilog ng may mapansin akong umiilaw dahilan para maingganyo akong lapitan ito. Iiwan ko na sana ito ng bigla na lang itong lumipad sa mga palad ko dahilan para magulat ako.
" Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala?" gulat naman akong napalingon sa likod ko at nakita si Ina na nakakunot ang noo.
Napakamot na lang ako sa ulo ko.
" Patawad ina, naisip ko kasi na maglibot libot na muna habang tinatakasan ko ang mga kawal, patawad po Ina " nakayuko na wika ko.
" Naku, pag nalaman ito ng ama mo panigurado di ka isasama papunta sa lupa" saad nito.
" Naku, wag naman ina. Nais ko na dalawin sina kuya Alex doon at si Shone " wika ko dito.
" Hayy naku, sige na umuwi na tayo. At panigurado pinagod mo ang mga kawal sa paghahanap sayo. Kasing kulit ka din pala sa akin " wika nito na natatawa.
" Hehehe, siyangapala Ina may nakita po pala ako, heto ouh " ipinakita ko naman ito sa kaniya.
Nakita ko ang gulat nito at agad din na napangite at piningot ako.
" Hahaha, mukhang may kailangan kang gawin anak. Hindi ko inaakala na maaga pala siyang dumating" saad nito habang nakangite " Ingatan mo yan anak, mahalaga yan " saad nito sa akin.
Naiwan naman akong nagtataka sa sinabi nito. Nauna naman na naglakad si Ina kaya agad na akong sumunod. Isinukbit ko na lang sa bulsa ko ang nakita kung Shell.
" Halika na anak " tawag sa akin ni Ina.
" Andiyan na po" tugon ko dito.
Lane POV
Habang abala ako sa pagluluto ng makakain namin ng bigla na lang may yumakap sa akin patalikod.
BINABASA MO ANG
" Corazones Curativos "
AcakAng storya na siyang magpapakilig, magpapatibok sa natutulog niyong puso, magpapakaba, iyakan at tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Ang isang storya na magdadala sa inyo sa mundo ng puno ng kathang isip . Isang comedy fantasy story, na sa panagin...