Chapter 33 ( Road TO FINALE )

4 2 0
                                    

                        Ally POV


Ilang araw na rin pala ang nagdaan magmula ng nilisan ko ang mundo ng mga tao. Wala pa ring nagbago ganun pa rin, maalikabok pa rin ang Maynila. Hehehhe.

" Hoy, anong iniisip mo? "tanong nito sabay kalabit sa likod ko.

" Wala, inaalala ko lang kung may nagbago ba sa maikling panahon na wala na ako dito. Alam mo naman na 1 week sa atin ay isang taon na dito "wika ko dito habang nililibot ang paningin ko sa paligid.

" Hahahha, wala pa naman insan. Try mo baguhin "saad niya sa akin.

" Ewan ko sayo Liam, yan ba ang epekto ng nagparaya? "tanong ko dito.

" Hahaha, oo siguro atahaka ako ang pinasama nina tita at tito para bantayan ka "wika niya sa akin.

" Hayss, di na ako bata Liam "nakapuot na wika ko dito.

" Ngunit, ikaw ang reyna at kailangan na may magbabantay sayo "saad niya sa akin.

" Oo na, lika na pasok na tayo sa bahay nagugutom na ako. Ipagluluto mo ako. Ok? "tanong ko dito.

" Hahahha naku. Kung di lang kita mahal baka umalis na ako "saad nito sa akin.

" Hahaha alam ko, kaya nga mahal kita insan eh "natatawa na wika ko.

" Oo na "napakamot na lang ito sa ulo niya at nauna na pumasok sa loob.

Natawa na lang akong sumunod dito papasok.



                            Dave POV


Kasalukuyan akong nasa ospital ng at kalalabas ko lang galing sa room ng isang pasyente na tinitingnan ko ng makasalubong ako ng magulang ng bata.

" Doc, kumusta na ang anak ko? "bungad na tanong sa akin ng ina ng bata.

" Misis, alam ko na mahirap para sa inyo na bitawan ang anak niyo ngunit, di po namin hawak ang takbo ng buhay ng tao "wika ko dito na nalulungkot din para sa kanila.

" Alam ko yun Doc ngunit umaasa pa rin ako na pagagalingin ng Ama ang anak ko. Sana tulungan niyo siya Doc "wika nito sa akin.

" Gagawin po namin ang makakaya namin misis. Magtiwala lang po kayo sa Maykapal "saad ko dito.

" Salamat "wika nito kaya nagpaalam na lang ako dito.


Diane calling


" Hello Dia? "tanong ko dito.

" Kuya nasan ka? "balik na tanong niya.

" Ahm nasa ospital ako, bakit? "wika ko dito.

" Hihiramin ko sana muna si ate Trish pupunta kami sa resort niya. Pwede ba? "tanong nito.

" Oo naman, alam ko na namimiss ng ate mo ang resort. Ashaka baka don ko na din gawin "nakangite na wika ko dito.

" Sige bye "paalam nito.

" Bye mag ingat kayo "habilin ko sa kapatid ko.

" Opo kuya love you "wika niya na ikinangite ko.

" Love you too" tugon ko dito.

Namatay naman ang tawag at bumungad sa akin ang wallpaper ng phone ko na, kaming dalawa ni Hon. Masaya ako na buhay siya na binigyan pa ako ng Ama na muling makasama ang taong mahal ko. Kaya this time, di ko ako bibitaw pa muli ko na lang ibinulsa ang phone ko at naglakad patungo sa office ko.





  " Corazones Curativos " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon