Chapter 30 ( Real TRAITOR )

4 1 0
                                    

                          Ally POV

Nagising ako ng marinig ko ang paghampas ng mga alon. Kaya, agad kung idinilat ang mga mata ko at nakita ang sarili na nakaposas sa may railings. Pilit ko naman na hinihila ang mga ito ngunit bigo akong makatakas.

" Ano ang gagawin ko? " tanong ko sa sarili ko.

" Pakawalan niyo ako dito " rinig kung sigaw sa may pinto.

" Sino ka?" tanong ko dito.

" Ally ikaw na ba yan? " tanong nito sa akin.

" Lorraine? Anong ginawa nila sayo?" nag aalala na tanong ko dito.

" Wala, wala pa silang ginagawa. Pero alam ko na may plano si ate" saad nito sa akin.

" Ano na ang gagawin natin?" tanong ko sa kaniya.

" Ally patawad kung nadamay ka sa patibong nang ate " malungkot na wika nito.

" Lorraine wala kang kasalanan ok. Ang ate mo lang ang kalaban ko" pagpapakalma ko dito.

" Hmm mukhang maganda ka nga talaga. Kaya pala iritang irita si madam sa iyo" nakangisi na wika niya.

" Wala akong pakialam pakawalan mo kami rito" saad ko dito.

" Hindi yun maaari miss. Pero kung gusto mo pwede naman tayong mag enjoy" saad niya sa akin.

" Pwede ba! napaka bastos mo eh no? Wala akong panahon sayo kuya kaya sana kahit kunting awa meron ka. Wala ka bang anak na babae o kapatid na babae? "pagpapaguilty ko dito.

" Wala! ulila na ako kaya di ko alam ang pakiramdam na yan" wika nito sa akin.

" Kuya parang awa mo na di ka naman namin idadamay. Kung pakakawalan mo kami "saad ko sa kaniya.

" Kapag ginagawa ko ang bagay na yan ako naman ang mamamatay "wika nito sa akin.

" Kuya kaya ba ng kunsensiya mo ang mangyayari? Alam ko na nadala ka lang ng dahil sa pera, ngunit Kuya di ka ba naaawa sa mga inosenteng babae na nasa harap mo? "pagmamakaawa ko dito.

Ngunit ng akmang kukunin na niya ang susi para palayain ako ng bigla na lang akong nakarinig ng isang putok ng baril. At natamaan si kuya na siyang ikinagulat ko.

" Patawad "huling sambit nito sa akin bago bawian ng buhay.

Napalingon naman ako sa gumawa noon at ganun na lang ang galit ko ng makita ko siya.

" Walangya ka talaga pati yung taong walang kalaban laban pinatay mo. Sana masunog sa imperno ang kaluluwa mo " inis na sisi ko dito.

" Hahaha ganun ba? Well isasama kita don pero, ngayon maglalaro muna tayo bago mag umaga" natatawa na wika nito.

Mag umaga? Napalingon naman ako sa buwan at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng maalala ko na pagsapit ng umaga ay mawawala na kami. Kailangan ko na makatakas sa lugar na ito. Kailangan kung makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Lane.

" Ano? Nag aalala ka ba na di ka na makakaabot ng umaga? "nakangisi na wika nito sa akin.

" Ano ba ang naramdaman mo sa pagpatay mo sa kapatid mo? " tanong ko dito.

" Hmm masaya ofcourse ano, yun talaga ang gusto ko " saad nito sa akin.

" Sa tingin mo naging masaya ka talaga? Nakuha mo talaga ang gusto mo? "tanong ko dito.

Galit naman itong napatingin sa akin. At alam ko na mahigpit ang paghawak niya sa baril niya.

" Bakit di ka makapagsalita? Dahil totoo diba? Hindi ka naging masaya dahil di mo nakuha ang gusto mo  "tanong ko dito na may paghahamon.

  " Corazones Curativos " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon