Ally POV
Ospital
Abala ako sa pagdadala ng mga records sa mga patient ni Doc ng may makakabangga pala ako.
" Sorry po "wika nito.
" Ok lang" tiningnan ko naman ito.
" You are Ally right? "tanong nito sa akin.
" Oo "wika ko.
" Hmm, I am Dina ako ang friend ni Dave" pakilala nito sa akin.
" Anong kailangan mo? "tanong ko dito.
" May business plan ako together with him. San ka pala pupunta? "wika niya sa akin.
" Ihahatid ko sana sa kaniya "nguso ko sa mga folders.
" Ouh, ako na lang. Doon din naman ako pupunta eh "nakangite na wika niya.
" Ahh, heto ouh "inabot ko naman sa kaniya ang folder.
" Sige "nakangite naman itong umalis.
Naglakad naman ako papasok. Bat ganun? nong makita ko siya nung una ang sama ng pakiramdam ko? Pero ngayon? Kakaiba.
" Hey " bungad sa akin ni Lane.
Bigla bigla na lang lumilitaw eh.
" Ouhh "tugon ko.
" Bat di mo ko ginising?" nakapuot na wika ni Lane.
" Eh inaantok ka pa eh alangan naman na hilahin kita papunta dito " saad ko sa kaniya.
Tumango tango naman ito.
" Mabuti na lang at di mo ginawa "nakangite na wika niya.
May nakita naman kaming isang magulang na umiiyak.
" Please Doc do everything you could just to saved my daughter "nagmamakaawa na wika ng isang ginang sa Doktor.
" Misis doon ka po muna sa labas "saad naman ng isang nurse dito.
" Please "naawa naman ako sa kalagayan niya.
" Kawawa naman, did my parents also cried for me ng mamatay ako? "tanong ni Lane sa sarili niya.
" Oo naman, walang magulang ang di iiyak kung ganyan ang magiging kalagayan ng mahal nila "saad ko dito.
Naalala ko naman sina Ina at Ama. Kumusta na kaya sila?Naglakad naman ako papalapit sa isang Ina na umiiyak.
" Ahm excuse me po " tawag pansin ko dito.
" Ano yun? "lumingon naman ito sa akin mas lalo ko tuloy naramdaman ang pagmamahal niya sa anak niya.
" Anong nangyari po sa anak niyo? "tanong ko dito.
" Na hit and run siya" mas lalo naman itong umiiyak.
" Misis Ocampo "tawag nong Doktor.
" Ano yun? "tanong naman ng Nanay.
" I am sorry, pero wala na po ang anak niyo "wika ng Doctor.
" No! buhay ang anak ko Doc "naiiyak na wika ng Ina ng bata.
Dahan dahan naman akong pumasok sa loob at nakita ang isang batang babae na nakahiga sa kama. Hinawakan ko naman ito at mainit pa siya. Hinawakan ko na lang ang katawan niya. At hanggang sa umilaw ang mga kamay ko at pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Napansin ko naman na gumalaw na ang mga kamay ng bata. Sakto naman ang pagpasok ng Ina nito.
BINABASA MO ANG
" Corazones Curativos "
DiversosAng storya na siyang magpapakilig, magpapatibok sa natutulog niyong puso, magpapakaba, iyakan at tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Ang isang storya na magdadala sa inyo sa mundo ng puno ng kathang isip . Isang comedy fantasy story, na sa panagin...