Chapter 18 ( Memories )

4 2 0
                                    

                       Ally POV


Morning

Habang pababa ako ng hagdan ng mapansin ko si Lane na nasa garden kaya naisip ko na lang na lapitan siya.

" Lane" tawag ko dito.

" Ouh, ikaw pala " wika niya habang nakatingin sa akin.

" Ahm ang aga mo naman yatang nagmumukmok dito
Hanggang ngayon ba naguguluhan ka pa rin?" tanong ko dito habang tumabi sa kaniya sa pag upo.

" Ahm hehe parang ganun na nga. Pero, masaya ako kasi nalaman ko na kung sino talaga ako. Isa na lang ang hinahanap ko. Ang katarungan sa pagkamatay ko "malungkot na wika niya.

" Lane napuntahan mo na ba si doc Dave? "tanong ko sa kaniya.

Bahagya naman itong natahimik at napabuntunghininga.

" Ahm nakita ko siya sa puntod kung saan ako nakalibing ally  "wika niya sa akin.

" Ouh tapos anong nangyari? "tanong ko ulit.

" Ahm di na din niya naman ako makikita eh. Kaya, wala din siyang maintindihan sa ipapahiwatig ko "malungkot na wika niya.

Nalungkot naman ako para sa kaniya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

" Gusto mong tulungan kita? "suhestiyon ko dito kaya napalingon ito sa akin.

" Talaga?" nakangite na wika niya.

" Oo para saan pa at kaibigan kita  "wika ko dito habang nakangite sa kaniya.

Niyakap na lang ako nito kaya gumanti din ako ng yakap.



                            Dave POV


Nandito ako sa lugar kung saan lagi kaming nagtutungo ni Trisha noon. Namimiss ko na rin ang lugar na ito na kasama siya. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad habang nakatingin sa dagat ng.

" Arayy " daing nang nakabangga ko.

" Pasensya na Miss " hinging paumanhin ko dito.

" Ok lang " wika naman nito kaya napalingon na lang ako dito at.

" Ally " gulat na wika ko.

" Ahm ikaw pala doc Dave" nahihiya na wika nito.

" Anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa kaniya.

" Ahm naisip ko kasi na maglibot libot na muna. Besides nasabi kasi ng kaibigan ko na maganda daw dito na maglakad lakad at tama nga siya "nakangite na wika niya habang nakatingin sa mga alon.

Namimiss ko ang ngite niya. Parang gusto ko siyang yakapin pero ayaw kung lumayo siya sa akin. Kaya pipigilan ko na lang ang pagkamiss ko sa kaniya. She is always be the same Ally na nakilala ko. Ang Ally na minahal ko. Pero alam ko na malayo na siya sa akin ngayon.

" Doc tulala ka, ok ka lang ba? " takang tanong nito sa akin kanina pa pala ako nakatingin sa kaniya.

Kaya napaiwas na lang ako ng tingin.

" Ahm may naalala lang ako " wika ko sa kaniya kaya napatango tango na lang ito.

Naisipan naman namin na umupo muna sa may bench paharap sa mga alon na ang ganda tingnan.

" Ally " tawag pansin ko sa kaniya.

" Hmm? " lumingon naman ito sa akin.

" Ahm wala ka ba talagang maalala tungkol sa amin?" takang tanong ko sa kaniya.

  " Corazones Curativos " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon