Chapter 29 ( Unexpected REVELATION )

4 1 0
                                    

                                  Ally POV



Simula ng makabalik ng kaharian sina Lice at Lucas ay ako na lang ang mag isa dito sa mansion. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagnakaw sa laman ng box. Marahil yun ang sagot sa lahat ng katanungan namin. Lalabas na sana ako sa mansion ng biglang tumunog ang telephone ng mansion. Kaya dali dali ko itong nilapitan at sinagot.

" Hello" tanong ko.

" Ally ikaw ba yan ? " tanong nito sa akin.

" Ako nga sino toh?" takang tanong ko.

" Ako si Lorraine, ang anak ni mama Lourdes" pakilala nito.

" Ouh Lorraine? Kapatid ka ba ni Lissa? " tanong ko sa kaniya.

" Oo kapatid niya ako, ngunit may dapat kang malaman tungkol sa totoong nangyari " seryoso na wika nito na ikinagulat ko.

" Anong totoo? " tanong ko.

" Nah ang tunay na pumatay kay Trish at kay mama ay iisa " saad niya sa akin. na ikinalaki ng mata ko.

" Ano? Sino? magkita tayo "wika ko sa kaniya.

" Sige eh sesend ko sayo ang address. Magkita tayo ngayon na "saad nito na ikinatango ko.

" Sige mag iingat ka "paalala ko dito.

" Ikaw rin mag ingat ka "wika nito sa akin.

Kaya ng mamatay ang tawag ay napatingin na lang ako sa phone ko ng may matanggap ako na text. Kaya agad na akong nagmadaling umalis sa mansion. Ngunit nag iwan muna ako ng isang palatandaan para pag hanapin ako ni lice ay matatagpuan niya ako. Wala na akong inaksayang panahon. Dahil kunti na lang talaga ang oras na pamamalagi ko dito.

  


                                 Dave POV


Arghh ilang araw na ako rito ngunit. Wala pa rin akong balita kung may nakakaalam ba sa akin kung nasan ako.

" Ouh, hi mahal ko alam ko na nababagot ka na" nakangite na wika nito sa akin.

" Tss pakawalan mo na ako rito. Pwede ba kung gusto mo akong patayin gawin muna " saad ko dito.

" Hmm wala naman akong plano na ganun, hinayaan nga kitang mabuhay tapos papatayin kita? No way mahal ko  "wika nito sa akin sa malambing na boses.

Kaya pala pamilyar siya sa akin yun pala siya si Patricia. Ang kapatid ng babaeng minahal ko. Ibinaling ko na lang sa iba ang tingin ko ng akmang lalapit siya sa akin.

" Ano pa ba ang pakulo mo huh? Wala ka na bang natitirang awa sa puso mo? "tanong ko dito.

" Awa? tinatanong mo sa akin ang salitang yan? "tanong nito sa akin.

" Oo kasi yun lang ang alam ko na sana kahit papaano meron ka pa " saad ko dito.

" Hahaha, alam mo nakakatawa ka Dave. Awa? Kayo ba naawa sa akin? Naawa ba kayo sa akin nong hiniling ko na sana ako na lang? na sana ako na lang ang pinili mo at di yung walang kwenta kung kapatid! " natatawa na wika nito.

" Hindi walang kwenta si Trisha dahil kung tutuusin mas may kwenta pa siya kaysa sayo. Ikaw ang makasarili kung sana, sana hinayaan mo na lang na mabuhay ang batang nasa sinapupunan mo edi sana buhay pa sana ang kapatid ko "sigaw ko dito sa inis.

" Wag mo sa akin ibuntong ang kasalanan niyo Dave? Hindi ko kasalanan kung ang kapatid mo ang nag desisiyon nang bagay na yun. Akala mo ba madali sa akin ang patayin ang batang iniingatan ko? Ako ang ina kaya mas alam ko kung gaano kasakit ang lahat. Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka ng totoo. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito alam mo yan. Ngunit anong ginawa mo? Pinagkaisahan niyo ako ng kapatid ko! "galit na sigaw nito sa akin at pinagbabato ang mga gamit.

  " Corazones Curativos " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon