Chapter 14

5.3K 177 10
                                    

Chapter 14

Dalawang buwan na rin ang lumipas simula nung nangyari kay Yeon at Tasha. Hanggang ngayon, hindi ko pinapansin si Yeon dahil nabu-bwisit pa rin ako sa kanya kaya siya na rin ang mismong umiiwas. Hindi na nga rin namin siya nakakasabay kapag break time e. Pumaparty pa rin si Tasha sa bar gaya ng nakagawian niya dahil mahirap naman ‘yon alisin sa kanya pero pansin kong hindi na siya lumalandi.

Minsan nga nung magkakasama kami nila Shawin mag-bar at nakita ko siyang sumasayaw sa dance floor bigla siyang tumigil nang may lalaking nakisayaw sa kanya. Mukhang ang lakas ng tama ng isang ‘to kay Yeon. Habang ‘yung lalaking ‘yon naman ay hindi ko alam kung saan nagpupunta. Hindi ko na rin kasi siya nakikita sa bar kapag gigimik kami nila Tasha.

Si Shawin naman ay ayun, sumbong pa rin nang sumbong sa akin ng kung ano-anong ginagawa sa kanya ni Talia. Isang beses nga nilapitan ako ni Talia at humingi ng tulong sa akin e.

 

“Bree.” Nagulat ako nang may tumawag sa akin. Nilingon ko siya at mas nagulat ako nang makitang si Talia pala ito. Walang kupas ang kanyang ganda at napakaganda pa rin ng kanyang katawan. Nginitian ko siya kahit na nakabusangot ang mukha niya.

“Anong maipaglilingkod ko sa isang Talia Mercado?”

“I want Shawin. Akin na lang siya, please.” seryoso niyang sabi. Natawa naman ako. Tinitigan niya lang ako at mukhang asar na asar na dahil hindi niya mawari kung bakit ko siya tinatawanan. Pinagtaasan niya ako ng kilay at nag-abang sa sasabihin ko sa kanya. Huminahon muna ako bago siya hinarap ngunit hindi matanggal ang nakakalokong ngisi sa aking labi.

“If you want him, court him,” utas ko.

“But he’s in love with you! Ikaw ang first love niya!” Natawa na naman ako. Tindi mo, Talia! Napailing ako nang makita ang mukha niyang desperada. Seryoso, hinihingi niya talaga sa akin si Shawin? What the! Talia, nasaan ang pinagmamalaki mong alindog na lubhang makamandag?

“And you are his first kiss,” I said and winked at her. Natulala naman siya.

“Court him if you want him. And please don’t ask me again. I’m not the fairy godmother nor the antagonist of your love story. I’m the stupendous bad ass of this tale for heaven’s sake.” Iniwan ko naman siyang nakatunganga do’n.

Napakaswerte, Shawin! Siya pa ang liligawan. Napailing na lang ako habang naglalakad patungo sa susunod kong klase.

Sinunod naman ni Talia ang payo ko sa kanya. Nililigawan niya si Shawin at nagpapadala pa nga ng cake o kung anumang pagkain kay Shawin kapag break time o kaya naman sa loob ng locker nito na mismong si Talia ang gumawa pero ang feeling nerd naman na ito, napaka-arte! Kesyo ako raw ang gusto niya at hindi si Talia. Alam ko namang hindi talaga ako gusto ng isang ‘to. Humanga lang siya sa akin dahil ilang beses ko na siyang niligtas. Dahil do’n, hindi kinakain ni Shawin ang kung anumang binibigay ni Talia. Kaya kami ni Tasha ang lumalapang ng mga pagkain. Pinapakain naman namin siya kahit isang subo lang kasi tinatakot ko siyang sasapakin ko siya. Yeah, bullying. Eh, nakakaawa naman kasi si Talia. Bumait na nga ang gaga pati na ‘yung mga goons no’n dahil sa kanya e.

Maaga akong gumising ngayong araw para magluto ng agahan. Takang-taka pa nga si Manang Carlota nang makita akong nagluluto sa kusina. Nginitian ko na lang siya at pinanood na lang niya ako sa ginagawa ko. Nag-prito ako ng dalawang sunny side up na itlog at isang bacon. Matapos ay inayos ko ‘to sa plato at ginawang hugis bibig na nakangiti ‘yung bacon habang mata naman niya ang dalawang itlog. Naglagay ako ng sinangag sa isang plato saka nagtimpla ng orange juice. Pagkatapos ay nilagay ko na ‘to sa lamesa at saka nagpaalam kay Manang Carlota.

The Stupendous Badass' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon