Hindi ko pa ito nababasa ulit kaya hindi ko alam kung may errors o wala. Pasensya. Oo nga pala... limang chapter na lang, epilogue na po. Mabilis ba? Sorry na. Maraming salamat sa suporta.
-CG
***
Chapter 25
"So, tatanggapin mo na ba ang inaalok kong promotion?" tanong ni Mr. Peds sa akin pagkaabot niya ng bag na may lamang pera. I looked at him.
"You knew," sambit ko. Ngumisi lang siya sa akin kaya sinamaan ko na siya ng tingin.
"You knew everything! Pinaglalaruan niyo ba ako? Ba't mo ba ako kinuhang delivery girl ng Orcus Mafia. Dahil ba may koneksyon si Tanda sa underworld at kinakailangan niyo akong gamitin? What the fuck. Bakit ba laging ako na lang ang ginagamit niyo laban sa kanya?"
Dahil sa inis at galit na nararamdaman ko, sumabog na ako. Sa loob ng anim na buwan na kontrata ko sa Orcus, grabe na ang pag-alala ko dahil baka galawin nila si Tanda. Sapagkat noon pa man, alam ko nang hindi nila ako pakakawalan nang walang kapalit. Pero all this time, wala pa lang kwenta ang pag-alalang iyon sapagkat isa si Tanda sa mga taong kinatatakutan kong baka gumalaw sa kanya. Galit ako kay Tanda dahil sa paglalayo niya sa akin sa mga taong kinalakihan ko pero he's still my abuelo and I cared for him. I don't want him to get hurt because of this shit.
"Wanna know why?" Natigilan ako sa tanong ni Mr. Peds.
"Because we need your body." Nagulat ako sa isinagot ni Mr. Peds pero mas nagulat ako nang bigla akong hawakan ng dalawang tauhan ni Mr. Peds.
"What the!" Dahil gulong-gulo ako, tinitigan ko na lang sa mata si Mr. Peds na ngayon ay nakangisi sa akin habang nagpupumiglas ako sa mga tauhan niya.
"Anong ibig mong sabihin?" singhal ko. Ngumisi naman si Mr. Peds.
"Nasa katawan mo ang kemikal na kailangan namin at ang katawan mo ang magandang gawing modelo ng bagong obra ng Orcus Mafia. Kung ayaw mong maging assassin ng Orcus pwes, pipilitin ka namin," aniya.
"What chemical? You fucking kiddin' me?" naguguluhang tanong ko.
Sumenyas siya sa mga tauhan niya saka tumalikod upang umalis na at naramdaman ko na lang na may kung anong itutusok sa leeg ko kaya mabilis akong umiwas at inapakan ang paa ng dalawang may hawak sa akin. Dahil do'n, nakawala ako sa kanila. Mabilis kong kinuha ang shuriken at binato sila nito saka ko sinuntok ang mukha ng dalawang lalaking kaninang may hawak sa akin na ngayo'y iniinda ang sakit ng paa.
Mabilis na nagtago si Mr. Peds sa likod ng kanyang mga tauhan. Nagsilabasan na ang mga ito ng kanilang armas kaya mabilis kong kinuha ang baril ko saka mabilis na pinindot ang button sa likod ng trigger nito upang magkaroon ng dalawang panibagong butas na lalabasan ng bala at pinagbabaril sila. Nang maubos ko ang nasa sampu sigurong tauhan na nasa loob ng hotel room ni Mr. Peds, mabilis na akong lumisan dahil sa pagtawag ni Mr. Peds sa iba niyang tauhang nasa labas pero bago ako tuluyang lumabas ng kanyang bintana, nilingon ko siya at sinamaan ng tingin pero mabilis din akong napangisi dahil sa kaduwagan niya.
Grabeng pagpipigil na tumingin sa baba ang ginawa ko para hindi ako malula. Dikit na dikit na sa pader ang likod ko habang umuusad patagilid para maabot ang kabilang bintana. Pumasok ako sa bintana ng kabilang kwarto na mukhang tulog na ang taong naka-check in. Maingat akong naglakad sa hotel room nito at dahan-dahang binuksan ang pinto saka lumabas. Narinig ko ang boses ni Mr. Peds na minumura ang kanyang mga tauhan kaya mabilis na akong nagtungo sa fire exit.
Hindi ko alam kung sinadya ba ni Mr. Peds na huwag na akong habulin ngunit nakapagtataka lang na hinayaan niya akong makatakas agad-agad e, ang dami-dami niyang tauhan dito sa baba at pwede niya akong paabangan sa labas. Pero walang sumalubong sa aking kahit na isang tauhan niya pagkalabas ko. Isinawalang bahala ko na lang ito at mabilis na sumakay ng aking Ducati at pinaharurot ito.
BINABASA MO ANG
The Stupendous Badass' Tale
ActionPAALALA: Hindi pa po ito na-e-edit. Maraming mga mali lalo na sa grammar. Ang plot ay hindi pa ganoon kaayos. *** Si Briella Cabrera A.K.A Bree, isang babae na mahilig maghanap ng thrill sa buhay. Handa siyang makipagbasag ulo once na tawagin mo siy...