Chapter 26
Bigla akong napatayo nang maalala ang lahat ng nangyari pero agad na napakunot ang noo ko nang makitang nasa isang kwarto pala ako na hindi ko naman alam kung kanino. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Axel.
"What the hell." Napatingin naman siya sa akin dahil sa sinambit ko.
"Bakit ako nandito?" naguguluhang tanong ko.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa 'yo kung bakit ka nakalupasay doon sa may kanto. Pasalamat ka at ako ang nakakita sa 'yo. Paano na lang kung ibang tao at may gawin pang masama sa 'yo."
Bigla akong napatayo at napahalukipkip at hinarap siya dahil sa tono ng pananalita niya. Aba! Manang-mana kay Tanda kung pagsabihan ako.
"Ay, sorry po. Kailangan ko bang mag-thank you? Utang ko yata ang buong buhay ko sa 'yo," sarkastiko kong sambit sa kanya at kasunod no'n ang pag-irap ko ng wagas dahil sa iritasyon.
"Iuuwi na kita," sabi ni Axel sabay hawak sa braso ko. Agad naman akong nagpumiglas.
"What? NO!"
Ilang mura at sapak ang natanggap sa akin ni Axel pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Kinaladkad niya lang ako palabas ng Pelingero. Nakita ko pa nga si Mickael at nanghingi ng tulong sa kanya pero hindi ako pinansin at kumindat lang sa akin kaya naman namura ko rin siya.
Bakit ba kasi nakalimutan kong may espiya nga pala sa Pelingero si Tanda. Ito namang walang hiyang Axel na 'to, kaya nga ako naglayas dahil ayoko na ro'n tapos ibabalik niya pa ako.
"Bitiwan mo na ako, Axel! Wala pang isang araw ang paglalayas ko, ibabalik mo na ako agad. Patagalin mo naman!" sigaw ko sa kanya.
Huminto naman kami nang nakalabas na kami ng Pelingero at kaming dalawa na lamang ang tao sa paligid.
"Umayos ka nga, Bree! Nag-aalala na 'yung lolo mo sa 'yo. Halos minu-minuto niya akong tinatawagan mula kanina para tanungin kung nasa Pelingero ka ba. Pero wala naman akong masagot dahil wala ka sa Pelingero. Laking pasasalamat ko na lang nang makita kita riyang nakalupasay sa semento na 'yan," huminto siya sa pagsasalita at tinuro kung saan ako nakahiga kanina.
"Pinag-aalala mo ang lolo mo! Pinag-aalala mo ako!" sigaw niya.
"H-huh?" tanging nasambit ko.
Dahan-dahan naman niya akong binitawan nang mapagtanto ang huli niyang sinabi. Nag-aalala siya sa akin? Bakit? Paano?
"Alam mo, Axel, wala na akong panahong magpaliwanag sa 'yo kung bakit gusto kong umalis ng mansyon. Pero sana, hayaan mo na muna ako. Gustung-gusto ko na talagang makawala sa kulungan na 'yon. Gusto kong alamin ang pagkatao ko dahil pakiramdam ko, kinukulong ako ni Tanda para hindi ko malaman ang mga bagay na dapat ay alam ko."
Marami akong mga tanong na gusto kong masagot. Isa na ro'n ay kung bakit ako napadpad sa Pelingero. Bakit sina Tatay Peter at Lola Priscilla ang nagpalaki sa akin at hindi ang tunay kong mga magulang. Ang sabi lang ni Tanda, patay na ang mga magulang ko. Namatay sila sa isang aksidente at kasama nila ako ro'n ngunit nakaligtas daw ako. Eh, paano ako nakaligtas? Ako 'tong sanggol pa lang tapos ako pa ang nakaligtas. Paano 'yon ha?
"Fine."
Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat at inalog siya.
"Talaga?"
"Pero sasabihin ko sa lolo mong nandito ka sa Pelingero," dagdag niya.
Naningkit ang mga mata ko at agad siyang tinulak.
BINABASA MO ANG
The Stupendous Badass' Tale
ActionPAALALA: Hindi pa po ito na-e-edit. Maraming mga mali lalo na sa grammar. Ang plot ay hindi pa ganoon kaayos. *** Si Briella Cabrera A.K.A Bree, isang babae na mahilig maghanap ng thrill sa buhay. Handa siyang makipagbasag ulo once na tawagin mo siy...