Chapter 27

3.6K 142 7
                                    

Chapter 27

"What're you doing here?" Tinaasan naman ako ng kilay ni Mickael.

"Excuse me, ako ang may-ari nitong apartment na 'to," mayabang niyang sagot. Inirapan ko naman siya.

"Hindi e. Iba 'yang ngisi mo e," sabi ko.

Umupo naman si Axel sa sofa niya at nagbukas ng TV. Mukhang walang pakialam sa pagdating ni Mickael.

"Mamaya ko na sasabihin. Harapin mo muna 'yung nilalang na naghahanap sa 'yo sa labas," nakangising sabi ni Mickael. Napataas naman ang kilay ko.

"What? Who?"

"Sixto Ferrer."

Napamulagat naman ako nang marinig ito. Ano namang ginagawa ng walang hiyang 'to rito?

Nakabusangot akong lumabas at paglabas ko ay bumungad na sa akin ang maamong mukha ni Sixto. Aba, parang tuta naman yata ang hitsura nito ngayon. Nagpapaawa? Pwe.

"What the hell are you doing here?" bungad ko sa kanya.

Mukhang inaasahan na niya ang bati ko sa kanya kaya napayuko na lang siya. Lumapit siya sa akin at dahan-dahan akong tinignan sa mukha.

"Bree, I'm really sorry. Hindi ko gustong gamitin ka and trust me, lahat ng mga sinabi ko sa 'yo, totoo 'yon. I like you - no. Mahal kita, Bree."

Tinignan ko siya sa mata ng seryoso.

"I don't care," mahina kong sambit at tinalikuran siya. Bigla naman niyang hinawakan ang braso ko nang papasok na ako sa apartment ni Axel.

"I'm sorry! I'm really sorry. Please, give me another chance," nagmamakaawa niyang sabi. I rolled my eyes.

"Madali lang naman akong magpatawad, Sixto. Pero hindi madaling makuha ang tiwala ko. Sorry, I can't give you another chance. And sorry because the feeling is not mutual."

Ramdam ko ang panghihina ni Sixto sa sinabi ko. Sabihin niyo nang masyadong prangka pero ito ang totoo. Sweet si Sixo at ito ang napatunayan ko noong nagde-date kami. Maraming babae ang mahuhulog sa kanya dahil sa mga banat at galaw niya. Kaya nga siguro maraming nahuhumaling sa kanya maliban sa akin.

Naramdaman ko na noon na totoo ang mga ipinapakita sa akin ni Sixto pero nang dahil sa mga clues na binibigay ni Mickael sa akin noon, mas nangingibabaw ang paniniwala kong may hidden agenda ito. Dahil magaling akong magpanggap na manhid, binalewala ko ang lahat ng ipinaparamdam niya sa akin sapagkat hindi ako pwedeng mahulog. Sabihin na nating totoo ang mga ipinapakita niya ngunit isa rin itong patibong na kapag kinapitan ko, malalaglag ako kahit na anong pag-iingat ang gawin ni Sixto huwag ko lang malaman ang totoo.

"Nako, Sebastian! Mukhang mauunahan ka na ni Ferrer. Wala ka bang moves na gagawin diyan?" rinig kong sabi ni Mickael kay Axel.

Nasa kusina ang dalawa kaya hindi nila nakitang nasa loob na ako.

"What if patawarin ni Ate Bree si Sixto tapos binigyan niya 'to ng second chance? Boom! Paano ka na ngayon, loverboy? Wala ka bang gagawin at magiging forever alone ka na lang dito sa apartment ko? Ay, hindi pala. Kasama mo naman si Shin kaso sa pasukan pa balik no'n dito e," mapang-asar na wika ni Mickael kay Axel.

Napahalukipkip naman ako. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi ni Mickael. Basta ang alam ko lang, tungkol 'yon sa akin.

"Will you shut up!" rinig kong sigaw ni Axel. Tumawa lang naman si Mickael.

Naunang lumabas ng kusina si Mickael at napangisi ng malawak nang madatnan akong nakatingin sa kanya na may tinging nagtatanong.

Kasunod niya naman ay si Axel na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin habang hawak-hawak ang isang bowl ng popcorn. Napataas naman ang kilay ko.

The Stupendous Badass' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon