Chapter 33
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong umayos ng tayo saka kinuha ang dalawang baril ko at mahigpit itong hinawakan. Sinipa ko ang pintuan ng laboratory ng Orcus. Gulat na napatingin sa akin ang lalaking naka-lab gown nang itutok ko ang baril ko sa kanila habang si Mr. Peds ay nakataas lang ang kilay sa akin.
"What a pleasant surprise, Briella," bati nito sa akin ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Akalain mo nga naman, ikaw na mismo ang lumalapit sa amin," nakangising saad niya.
"Hayup ka, Mr. Peds! Anong ginawa mo sa nanay ko!"
Mas lalo namang lumawak ang ngiti ni Mr. Peds na siyang mas lalong nakapagpainis sa akin.
"Oh... Kilala mo na pala ang magulang mo. Ito ang unang beses na makikita mo siya nang buo na ang isip mo, right? Briella, meet Ariella, your mother."
Halata sa boses nito ang pang-aasar kaya napahigpit lalo ang hawak ko sa baril. Pinipigilan ko lang ang sarili ko pero kanina ko pa siya gustong barilin.
"Anong klase kang tao para gawin 'to. Demonyo ka! Papatayin kita!" mura ko sa kanya.
"'Yun ay kung mauunahan mo ako."
Nagulat ako nang may dalawang lalaking malalaki ang katawan at biglang humawak sa akin. Hindi ko magawang pumiglas dahil masyado silang malakas. Kapag nanlalaban ako, sumasakit lang ang braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak nila.
Lumapit ang nakangising si Mr. Peds sa akin at sinalubong ang nanlilisik kong mga mata.
"Nasa'n ang Infinito?"
Hindi ko siya sinagot at sinamaan lang siya ng tingin. Umalis siya sa harapan ko at lumapit sa containment tube kung nasaan ang ina ko. Bigla akong nanlambot nang makita ko ang aking ina. Wala na siyang buhay pero pinage-eksperimentuhan pa rin nila. Mga hayop sila.
"Gusto mo bang mabuhay ulit ang mommy mo?"
Nalipat ang tingin ko kay Mr. Peds at pinangunutan siya ng noo.
"Kung ilalabas mo ang Infinito, magagawa naming ibalik ang buhay ng mommy mo. Gusto mo bang makasama ang mommy mo?" nakangising alok nito sa akin.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako kay Mr. Peds o hindi. Pero naalala ko ang sinabi sa akin ni Aria tungkol sa Infinito kaya maaaring totoo nga ang mga sinasabi nito. Pero hindi ako papayag sa gusto niya. Oo, gusto kong makasama ang nanay ko pero hindi sa ganitong paraan. Wala na ang nanay ko. Patay na siya at hindi na maaaring buhayin pa ang patay. Ibinuwis niya ang buhay niya para sa akin at desisyon niya 'yon. Kaya naman kahit na gustong-gusto ko ang alok ni Mr. Peds, hindi 'to pwede. Hindi ito tama. Nananahimik na ang nanay ko sa kabilang buhay at alam kong ligtas na siya roon. Hindi ko na siya ibabalik pa sa magulong mundong aming ginagalawan. Tapos na ang oras niya at hindi ko na siya gagambalain pa.
"Gusto kong makasama ang mga magulang ko pero hindi ako tanga para kumagat diyan sa plano mo. Utang na loob, Mr. Peds. Pagpahingahin mo na siya!" singhal ko.
Tumawa naman nang tumawa si Mr. Peds.
"As expected, hindi ka nga papayag. Para kang nanay mo, walang kwenta."
Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa pang-iinsulto niya sa nanay ko. Sisigawan ko na sana siya ulit ngunit may biglang pumalo sa batok ko at nawalan na ako ng malay.
***
Nagising ako dahil sa ingay ng makina. Hindi ko maidilat ang aking mga mata dahil sa sakit ng ulo at batok ko. Nanatili akong nakapikit hanggang sa narinig ko si Mr. Peds at ilang mga tao na nag-uusap.
BINABASA MO ANG
The Stupendous Badass' Tale
AcciónPAALALA: Hindi pa po ito na-e-edit. Maraming mga mali lalo na sa grammar. Ang plot ay hindi pa ganoon kaayos. *** Si Briella Cabrera A.K.A Bree, isang babae na mahilig maghanap ng thrill sa buhay. Handa siyang makipagbasag ulo once na tawagin mo siy...