Chapter 29
Kahit na takang-taka ako sa bilis ng paghahanap ni Mickael kay Axel ay ipinagsawalang bahala ko na lang ito. Ang creepy talaga ng babaeng 'yon.
Pinaglalaruan ko ang dalawa niyang aso habang hinihintay siyang dumating. Pinapunta niya kasi ako sa bahay niya sa Pelingero pero pagdating ko, may note siyang iniwan na nagsasabing hintayin ko na lang siyang dumating dahil may pinuntahan lang siya.
Lumundag ang isang golden retriever at tumakbo sa harap ng pinto habang ang asong pug naman ni Mickael ay biglang umangat ang tamad na tamad na ulo at ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mickael na nakangisi nang malawak. Hinimas niya ang aso niyang nakaabang sa kanya at saka pumunta sa harapan ko at inihagis ang isang susi.
"Saan ka ba galing?" masungit kong tanong.
"Pinatawag lang ako ni Tita. Nagdrama na naman e. Oh, ayan na 'yung susi ng motorbike ko na hihiramin mo. Buti at pinatawag din ako kaya nakuha ko sa mansyon 'yung susi," sabi niya sabay upo sa sofa.
Tatayo na sana ako para umalis at pumunta na sa base ng Orcus ngunit may hinagis na naman siya sa akin at agad ko naman itong sinalo.
Napataas naman ang kilay ko nang makita kung ano ba ito. Isa itong kwintas na may pendant na puzzle piece na may maliit na bilog sa gitna.
"If you want to use another lifeline, just press the tiny button in the middle of that puzzle piece pendant," sabi niya habang nakaturo sa hawak kong kwintas sabay kindat.
Napailing na lang ako.
***
Pinatay ko ang makina ng motorbike ni Mickael nang matunton ko ang base ng Orcus Mafia kung nasaan si Axel. Lahat ng sinabi ni Mickael sa akin tungkol sa base sa Orcus ay tamang-tama.
Maraming tauhan ang nakapalibot sa labas ng isang gusali na may apat na palapag na nakatirik sa isang liblib na lugar kung saan mukhang wala ni isang tao ang nakatira dahil wala namang bahay na nakatayo nang iginala ko ang aking mga mata. Siguro ay pribadong lupain ito ni Mr. Peds. Nakapagtatakang hindi ito nasisilip ng mga tao.
Natanaw ko ang isang babaeng papasok ng gusali na may suot ng kaparehong uniporme ko noong delivery girl pa lang ako. Tama nga si Tasha, sa base ng Orcus naghahatid ang mga delivery girl at tanging ako lang ang naiiba sapagkat pinahahatid ito ni Mr. Peds sa hotel kung saan niya ako laging pinapupunta.
Bumaba ako ng motorbike at kinuha ang mga armas na ibinigay sa akin ni Tita Carmen.
Sinunod ko ang mga ipinayo ni Mickael na mga daan kung saan ako maaaring dumaan para matunton si Axel. Ang sabi niya nasa isang silid daw si Axel at doon ikinulong. Kailangan ko raw dumaan sa lumang fire exit ng gusali sapagkat hindi gaanong nagagawi ang mga tauhan do'n.
Kinuha ko ang laser na ibinigay sa akin ni Mickael kanina at may mga kasama pa nga itong mga bola pero kapag hinagis mo ay magiging pulbo ito na makakapagpabulag sa isang tao sa loob ng isang minuto. Dahil naka-lock ang pinto sa fire exit, ginamit ko ang laser upang sirain ang door knob nito sapagkat hindi na ito kayang buksan gamit ang hairpin dahil sa kalawang nitong namuo sa loob na naging dahilan kung bakit hindi na ito mabuksan pa.
Nang masira ko ito, tumingin ako sa paligid at saka pumasok. Kinuha ko ang aking baril at ikinabit ang silencer nito bago maglakad upang libutin ang gusali para mahanap si Axel.
Nag-umpisa na akong maglakad ngunit naging alerto ako. Bigla akong napahinto nang paliko na sana ako dahil nakarinig ako ng dalawang taong nagkukwentuhan. Sumandal ako sa pader at hinintay silang lumiko at pagliko nila, binulaga ko na sila.
BINABASA MO ANG
The Stupendous Badass' Tale
AkčníPAALALA: Hindi pa po ito na-e-edit. Maraming mga mali lalo na sa grammar. Ang plot ay hindi pa ganoon kaayos. *** Si Briella Cabrera A.K.A Bree, isang babae na mahilig maghanap ng thrill sa buhay. Handa siyang makipagbasag ulo once na tawagin mo siy...