Chapter 19

4.3K 161 15
                                    

Chapter 19

"Hmmm... Naghanap ka na naman ng thrill sa buhay mo?" nakangising wika ni Ms. Stella habang ginagamot 'yung palad ko. Napangisi na lang din ako.

Thrill sa buhay at deadly adventures? Parang dati lang, hinahanap-hanap ko 'yang mga 'yan. Pero ngayon, aba nga naman at ako na ang hinahabol. Bigla ko tuloy naisip 'yung buhay ko dati. 'Yung naghahanap pa lang ako ng thrill sa buhay tapos kapag nahuli ako ni Mr. Ibarra or kung sinuman sa mga tauhan ni Tanda at isinumbong nila ako sa amo nila, aba'y panibagong World War ang magaganap. Napangiti na lang ako nang maalala ko ang mga iyon.

Nagpaalam na rin ako kay Ms. Stella matapos niya akong gamutin saka nagpasalamat. Dahil oras na rin naman ng susunod kong klase, dumiretso na ako sa room ko. Gumamit na lang ako ng elevator dahil nasa tuktok pa 'yon. Oo, may elevator na sa RAK U. Ang tagal na palang may elevator dito, ngayon ko lang nalaman. Nagtiis pa naman akong maghagdan noong injured ako. Pisti.

Mabilis din naman kaming dinismiss ng mga prof namin dahil test na lang naman ang hinihintay namin saka naipasa na namin 'yung mga dapat ipasa. Nang magtanghalian, dumiretso na ako sa cafeteria kung saan natagpuan kong magkasama si Yeon at Tasha na siyang ikinalaki ng mga mata ko. Dali-dali akong lumapit sa kanila at sabay na hinampas 'yung likuran nila.

"Aba! Bati na sila! Naglalandian pa ah. Kayo na?" pang-aasar ko.

Paano, naabutan kong nagsusubuan ang dalawa. Ngumuso naman si Tasha na parang nagpipigil ng ngisi at kilig habang si Yeon ay mayabang na nakangiti sa akin. Doon ko nakumpirmang sila na nga. Kinurot ko naman ang ilong ng dalawa.

"Malalandi! Tingnan mo nga naman! Nagpakipot-kipot pa, magiging kayo rin pala," sabi ko kay Tasha saka umupo sa harap nilang dalawa.

"Hindi ba pwede, Bestie? Maranasan ko lang namang magpaka-choosy minsan." Tinignan ko na lang siya saka umiling. Binaling ko naman ang atensyon ko kay Yeon.

"Hoy, ikaw naman. Nako, Yeye ayusin mo 'yang buhay mo ah. Magseryoso na kayong dalawa diyan. Tama na ang pagiging playboy at playgirl. Lalo ka na, Yeye. Kung hindi, sasapakin kita ha," pangaral - este panakot ko sa kanya.

"Oo na, noona. Nagbago na kaya ako." Tinawanan ko na lang siya. Isusubo ko na sana 'yung fries na binili nila nang mapatingin ulit ako sa mga kasama ko at biglang napabilang.

"Nasaan si Shawin?" naitanong ko nang mapagtantong wala siya. Nagkibit-balikat naman si Tasha kaya napatingin naman ako kay Yeon na ngayon ay nakangisi.

"Naks naman! Nami-miss niya," pang-aasar nito sa akin kaya nakatikim ito ng kutos.

"Aray ha! Aba, malay ko ro'n. Absent 'yon ng ilang araw na kaya. Palibhasa lagi kang cutting nitong mga nakaraang araw."

Bigla naman akong napaisip. Ilang araw na nga akong nagka-cutting dahil sa mga pinapagawa sa akin ni Mr. Peds at buti na nga lang hindi ako nahuhuli ni Tanda. Wala rin naman kasi si Axel na spy para isumbong ako. Pero nasaan na kaya 'yung feeling nerd na 'yon? Mamaya tinanan na pala 'yon ni Talia. Haha.

May bigla namang naglapag ng isang tray na punung-puno ng pagkain sa harap ko tapos bigla rin itong umupo sa tabi ko habang bitbit din ang sarili niyang tray na may pagkain. Napatingin naman ako kung sino 'tong nilalang na 'to at bigla na lang akong nandiri nang mapagtanto kung sino ito.

"Anong trip mo, Sixto?" Ngumisi naman siya sa akin.

"Sasabayan kang kumain. Binilhan na rin kita para 'di ka nang-aagaw," nakangising niyang sambit. Napataas naman 'yung kilay ko.

"Okay pa sa aking malibre ng pagkain pero ayokong makasabay ka," diretso kong sabi habang nakatingin sa kanya. Natawa naman siya na ikinataas na naman ng kilay ko.

The Stupendous Badass' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon