Chapter 11
Mag-isa akong kumakain sa cafeteria dahil hindi ko naman nakita sila Tasha at Yeon. Hindi na nga nagpapakita sa akin si Yeon simula nung nasapak ko e. Ewan ko ba do’n sa lalaking ‘yon. Absent pa siya doon sa isang subject na magkaklase kami. Mukhang nagtatago sa akin. Natakot siguro. Si Tasha naman, siguro lumalandi ang isang ‘yon kaya hindi nagpapakita sa akin. Mabuti na ito kaysa naman bwisitin pa nila ako. Mas mainam kung mag-isa na lang ako. Pero sandaling panahon lang pala ang pagiging mag-isa at tahimik ng buhay ko dahil sa sigaw ni Shawin na bumalot sa buong cafeteria.
“BREE!” Dahil sa sigaw na ito, lahat ng tao ay napalingon sa akin. Napamura na lang ako at napayuko. Ano namang problema ng feeling nerd na ito? Masaya na akong tahimik ang buhay ko at wala sila Tasha at Yeon sa paligid ko pero nakalimutan kong dumagdag nga pala ang isang ‘to sa mga taong nambubwisit sa akin sa araw-araw.
Hindi ko siya nilingon dahil alam kong alam na niya kung nasaan ako dahil lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko dahil kailangan ko ng lakas para mamaya. Mabilis siyang nakapunta sa table ko at umupo sa harapan ko. Dahil sa taranta niya sa pag-upo, yumugyog ‘yung lamesa at muntik nang matapon ‘yung pagkain ko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nag-peace sign lang siya at alanganing ngumiti. Teka, may iba sa isang ‘to e.
“Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ko sa kanya. Paano, gulo-gulo ‘yung buhok niya tapos ‘yung polo niya, parang hahabulin siya ng plantsa dahil gusot na gusot. Tapos ‘yung ray ban wayfarer eyeglasses niya e, nakatabingi na tapos mukhang sira na rin. Mukha siyang na-rape.
“Pinagsamantalahan ako!” sigaw niya tapos biglang humagulgol sa harapan ko. Nagtaas naman ako ng kilay. Parang bakla naman ‘to.
“Buti nga at may nagtangka pa sa ‘yo e! Sino ba ‘yan?” pabiro kong sabi. Natatawa na kasi ako dahil umiiyak talaga siya.
“T-talia,” sagot niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
Seriously? Patay na patay talaga si Talia sa kanya? Bakit naman sa dinarami-rami ng mga naggagwapuhang lalaki sa RAK U ay dito pa sa baduy na feeling nerd na ito nahumaling? Sobrang ganda ni Talia kahit na bitch at masama ang ugali no’n. Pinagkakaguluhan siya ng mga lalaki kaya nga napamunuan niya ang mga college goons dahil sa alindog niya at galing sa pakikipaglaban. Ang alam ko kasi, nag-aral siya ng martial arts at ‘yun ang ginawa niyang exercise para ma-achieved ang makalaglag panga niyang katawan.
Hindi naman sa sinasabi kong walang itsura itong si Shawin. Gwapo naman siya pero hindi gaano dahil mas bagay sa kanya ang word na ‘cute’ at hindi naman ganoon kalaki ‘yung katawan niya pero sa tingin ko, maganda naman ang pangangatawan ng isang ‘to at sadyang hindi lang marunong pumorma. Pero bakit ang isang ‘to pa? True love ba, pre? Tss… Corny.
“Hindi ka ba na-attract kay Talia noong nakita mo siya?” tanong ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pag-iyak pero naroon pa rin ‘yung bakas ng kanyang luha sa pisngi niya.
“No,” diretso niyang sagot. Napataas naman ang kilay ko.
“Seriously?!” utas ko.
“Sexy siya. Hot siya. Maganda. Pero yeah, it’s a no. Kahit na akitin niya pa ako gaya ng pang-aakit niya sa akin kanina at muntik niya pang kunin ang virginity ko, no! Never akong maa-attract sa kanya,” galit niyang sagot pero hindi ko mapigilang ngumisi. Kinagat ko na lang ang labi ko dahil natatawa ako sa mga sinabi niya dahil para siyang babae magsalita. Napailing na lang ako.
“Dahil ikaw lang ang gusto ko, Briella,” pahabol niya na may seryosong tono.
Bigla akong natigilan at napatingin sa kanya. Ibang Shawin ang kaharap ko ngayon dahil sa seryoso niyang mga mata na laging nakangiti kapag nakikita ko. Lalaking-lalaki siya ngayon pero cute pa rin siyang tignan. Kaya siguro siya natipuhan ni Talia dahil cute si Shawin at hindi nagkakandarapa sa kanya ang isang ‘to at dahil sa akin baliw na baliw ang isang ‘to. Insecure kasi sa akin ‘yon si Talia e.
BINABASA MO ANG
The Stupendous Badass' Tale
AksiPAALALA: Hindi pa po ito na-e-edit. Maraming mga mali lalo na sa grammar. Ang plot ay hindi pa ganoon kaayos. *** Si Briella Cabrera A.K.A Bree, isang babae na mahilig maghanap ng thrill sa buhay. Handa siyang makipagbasag ulo once na tawagin mo siy...