Chapter 4
Hindi maalis ang ngisi sa aking labi habang pinagmamasdan ang gate ng Reina Alcalde-Klark University o mas kilalang RAK University. I'm back at wala nang makahahadlang pa kahit na si Tanda dahil naroon na siya ngayon sa loob ng RAK U upang ayusin ang lahat para sa paglipat ko rito. Good mood na good mood ako habang naglalakad papasok ng RAK U. As in, ngiting-ngiti na abot hanggang langit. Sinend na sa akin ni Tanda ang schedule ko sa akin kani-kanina lang at mamaya pang alas nueve ang una kong kaklase kaya pwede pa akong tumambay sa cafeteria dahil alas otso pa lang naman.
May dalawang building ang RAK U, isa sa high school habang isa naman sa college at ang cafeteria ay nasa labas ng dalawang building at pinaggigitnaan nito. Sobrang lawak ng RAK U at lilitaw talaga ang dila mo kung lalakarin mo lang ang pagtawid sa dalawang building. Pero bilib talaga ako sa tatlong babaeng nakikita ko ngayon. Kakaiba talaga ang mga high schoolers na dumadayo pa sa College building para lang i-stalk ang mga crush nila.
Paano ko nalamang mga high schoolers ang mga ito? Simple lang, may uniform ang mga high school habang ang mga college ay wala. Para pa ngang pang-cosplay ang uniform ng RAK U dahil inspired ang design ng uniform nito sa Japan. Checkered na color black and red na palda na above the knee, white blouse uniform na sinamahan pa ng itim na coat at red na necktie ang uniform ng mga babae rito habang ang mga lalaki ay gaya lang din ng ordinaryong uniform pero may coat din itong itim at neck tie na red. Sa pagkakaalam ko kasi, isang sikat na mangaka sa Japan ang founder ng RAK U at ito rin ang nagdisenyo ng uniporme rito. In fairness, na-miss ko ring magsuot ng cute na uniform na 'yan.
Nagulat na lang ako nang biglang magtilian ang tatlong babae. Nilingon ko ang mga ito at napailing na lang ako. Lumabas na pala kasi ang crush nila. Nung nakita ko kung sino ito, aba! Walang pinagbago, si Yeon De Chavez III pa rin ang dinadayo at mabenta sa mga babae. Sa bawat campus, hindi mawawala ang titulong 'Campus Heartthrob' at ang nagma-may ari nito ay walang iba kung hindi si Yeon De Chavez III. Wala bang lumipat na bagong lalaki sa RAK U na makakatalo sa lalaking 'to? Mukhang wala nga dahil siya pa rin ang dinadagsa ngayon nang lumabas siya ng College building.
Naiiling na lang akong lumabas ng College building upang pumunta sa cafeteria. Nagugutom na kasi ako. Hindi kaya ako nag-agahan dahil na-excite ako sa muli kong pagbabalik sa RAK U. Nakalayo na ako nang marinig kong may sumigaw ng pangalan ko. Nilingon ko ito at nakita ko lamang ang gulat na mukha ni Yeon De Chavez III. Oh! He looked like a retard. Look at his face! Pinigilan kong matawa dahil sa itsura niya ngayong nakatitig sa akin habang pinagkakaguluhan siya ng mga babae instead, ngumiti ako sa kanya ng mapang-asar. Dahil do'n, bumalik siya sa reyalidad at kumalas sa mga babaeng pilit siyang pinag-aagawan at hinihila.
"NOONA! YOU'RE BACK!" parang batang sigaw niya habang patakbong pumunta sa akin. 'Noona' is a Korean term for older sister. Yayakapin niya sana ako nang bigla ko siyang sinapak sa mukha. Hindi naman siya ganoon kalakas pero masakit pa rin 'yon kaya napa-atras siya at dumistansya sa akin.
"Noona! Ang sadista mo pa rin," mukhang batang nagta-tantrums na sabi niya sa akin. Kung titignan mo siya ngayon na nakanguso e, hindi mo aakalaing ito ang nagma-may ari ng titulong 'Campus Heartthrob'.
"Tigilan mo nga ako, Yeye! Nandidiri na ako," wika ko sa kanya ngunit ngumuso lang siya.
"Na-miss kita, Noona. Akala ko tuluyan ka nang nilayo ni Lolo Tanda. Akala ko rin magtitino ka na sa Claridad pero anong kabalastugan na naman ang ginawa mo at pinatapon ka pabalik dito?" he asked. Nginisian ko siya at inayang magpunta muna sa cafeteria upang makakain na ako at doon ko na ikwento sa kanya ang mga nangyari.
BINABASA MO ANG
The Stupendous Badass' Tale
ActionPAALALA: Hindi pa po ito na-e-edit. Maraming mga mali lalo na sa grammar. Ang plot ay hindi pa ganoon kaayos. *** Si Briella Cabrera A.K.A Bree, isang babae na mahilig maghanap ng thrill sa buhay. Handa siyang makipagbasag ulo once na tawagin mo siy...