Chapter 3
Walang ibang tumatakbo sa utak ko ngayon kung hindi ang manalangin na maging mabait sa akin si Mr. Ibarra kahit na ngayon lang. But, heck! Nakita ko siyang ngumisi kanina sa akin nang matanaw ko siya at hindi ko alam kung anong ibig sabihin no’n. Matapos ang nangyari kanina, hindi na ako pumasok sa klase ko. Naglibut-libot na lang ako sa Claridad kasi nawalan na ako ng gana pumasok. Ikaw, gaganahan ka bang pumasok kung walang laman ang tiyan mo? Fuck! I’m so hungry. Wala namang ibang mabibilhan na pagkain dito kung hindi ang cafeteria lang kasi wala namang stall sa loob ng Claridad. Ayoko namang bumalik sa cafeteria kasi, ewan. Ma-pride kasi ako.
Ito ako ngayon, nakaupo sa isang bench habang hawak-hawak ang tiyan kong nagwawala. Ubos na ang energy ko. Kailangan ko nang mag-refill! Gimme some food! Habang nag-iinarte ako rito, bigla ko namang narinig ang pangalan kong sinisigaw ng isang babae. Napamura na lang ako nang mapagtantong si Tasha ‘yon. Bubwisitin na naman niya ang buhay ko. Pakshet.
“Bestie! Kanina pa kita hinahanap. Hindi ka pumasok sa class mo? Pumunta kasi ako dun kanina e,” she said at saka umupo sa tabi ko. Ayan na naman siya sa tawag niya sa akin. Sinimangutan ko na lang siya.
“Obvious ba? Kung pumasok ako do’n, edi sana nakita mo ako,” pambabara ko sa kanya pero tinawanan lang ako. Alam niyo, siya lang ang kaisa-isang babae na tumatawa sa tuwing tina-trash talk ko. Kasi ‘yung iba, nagwo-walk out at naiinis na.
“By the way, nagdala ako ng food para sa’yo dahil alam kong hindi ka pa kumakain,” sabi niya sabay bigay sa akin ng supot na kulay brown na may lamang pagkain. Wala nang hiya-hiya. Wala nang tingin-tingin. Agad kong sinunggaban ang dala niya sa akin pagkain. Walang inom-inom at dire-diretso lang sa pagkain. Nagutom kaya ako dun! Kain lang ako nang kain at hindi siya pinansin habang tinatawanan ako. Alam niyo, may pakinabang din pala minsan ‘tong si Tasha.
Pagkatapos kong kumain, nagtaka ako kasi hindi ko na naririnig ang tawa ni Tasha na akala mo wala nang bukas. I looked at her and found out that she’s staring at me while smiling like an idiot. She really looked like an idiot, I swear. Kung makikita lang siya ng mga lalaking ‘ine-entertain’ niya ngayon, baka ma-turn off na ‘yung mga ‘yun. I looked at her with a frowning face.
“Why the hell are you staring at me? Honestly, you like an idiot. Stop doing that. You’re giving me creeps,” overacting kong sabi sa kanya habang umarte pang nandidiri. Anong magagawa ko e, sa nakakatanga talaga ‘yung itsura niya ngayon. Matapos kong sabihin ‘yun, tumawa lang siya at ngumiti ulit sa akin ng kakaiba. ‘Yung ngiti niya kaninang parang tanga.
“Natasha Marasigan, you really look like an idiot,” I said because she keeps on smiling at me. Umiling na lang ako sa kung anumang trip ng babaeng ito ngayon saka tumayo para umuwi na.
“Bye, thanks for the food. Minsan, may silbi ka pala sa akin,” sabi ko at saka naglakad palayo. Hindi naman siya sumagot. Pustahan tayo, nakangiti pa rin siyang parang tanga. Geez. Anong trip no’n?
***
Naglalakad lang ako ngayon pauwi dahil tinakasan ko si Mr. Ibarra na naghihintay pala sa harapan ng gate ng Claridad kaya sa likod ako dumaan. Ayokong sumakay pa ng magarang kotseng iyon pauwi sa mansyon ni Tanda dahil pakiramdam ko, bilanggo ako -- bilanggong nakakulong sa isang kastilyo. Isa kasi sa mga utos ni Tanda ngayong nag-aaral na ako sa Claridad ay ang pagsundo sa akin upang maiwasang mapa-trouble daw ako at makaperwisyo sa Claridad o sa labas nito. Sa bagay, kanina nga napa-trouble na ako e. Pero ayoko ng ideyang iyon dahil ang ideyang ‘yon ang labis naming pinagtalunan ngunit kahit anong mangyari, siya pa rin ang nanalo. Pakiramdam ko kasi isa akong bata kung susunduin pa. For Pete’s sake, college na ako. Nakakairita.
BINABASA MO ANG
The Stupendous Badass' Tale
ActionPAALALA: Hindi pa po ito na-e-edit. Maraming mga mali lalo na sa grammar. Ang plot ay hindi pa ganoon kaayos. *** Si Briella Cabrera A.K.A Bree, isang babae na mahilig maghanap ng thrill sa buhay. Handa siyang makipagbasag ulo once na tawagin mo siy...