Chapter 15

5K 192 5
                                    

Chapter 15

Nag-iwas ako ng tingin kay Axel nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa table ni Tanda na may kasamang mga taong sa tingin ko ay mga mahahalagang tao na parte ng kanyang negosyo. Siguro ay mga investors ang mga ito. Bigla tuloy akong napailing at napabuga ng hangin. Napalingon ulit ako sa kinatatayuan ni Axel at hanggang ngayon ay pinagmamasdan niya pa rin ako. Tinaasan ko siya ng kilay saka bumaling sa table nila Tanda. Mamaya ka sa akin, Axel. Kailangan ko ng paliwanag mo kung bakit ka naririto.

Bumungad sa akin ang wagas na ngiti ni Tanda. Kumikislap ang kanyang mga mata nang ako'y kanyang masilayan. Tila ba namangha siya sa akin. Ngumiti na lang ako dahil wala naman akong balak na ipahiya siya sa harap ng mga naglalakihang tao na ito at higit sa lahat, kaarawan niya ngayon kaya kailangan, pa-good girl ako.

"Magandang gabi," bati ni Mr. Ibarra. Tumango naman ang mga bisita na nasa table ni Tanda at siya rin mismo. Tumingin naman sila sa akin kaya ngumiti rin ako.

"Good evening po," bati ko naman. Tumayo si Tanda at lumapit sa akin.

"Siya nga pala ang aking apo na si Briella." Pagpapakilala sa akin ni Tanda.

"Bree," singit ko.

"Maaari niyo rin siyang tawaging Bree," dugtong ni Tanda. Ngumiti naman ako. Hindi kasi ako sanay na buong pangalan ko ang itawag sa akin e. Isa-isa akong pinakilala ni Tanda sa mga tao doon sa table at napag-alaman ko ngang mga investor ito ni Tanda sa kanyang kompanya. Hindi ko na nasundan kung sino-sino sila dahil tango lang naman ako nang tango at ngiti nang ngiti. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganito.

Ang daming pinakilala sa akin ni Tanda at halos isa-isahin pa nga namin ang mga table dito at pinakilala niya ako bilang apo niya. Ang sakit na nga ng paa ko kakalakad pati na ang panga ko kakangiti sa kanila kaso itong si Tanda, hindi yata napapagod. Nang pabalik na kami sa aming table, biglang lumapit si Mr. Ibarra kay Tanda.

"Sir, dumating na po si Madam Ortaleza," sabi ni Mr. Ibarra sa kanya. Tumango naman si Tanda. Napakunot-noo naman ako. Sino 'yon?

Sinalubong ni Tanda ang isang babaeng papasok pa lang ng hotel habang ako ay naiwan kay Mr. Ibarra. Ang sakit na kasi ng paa ko kaya hindi na ako sumunod sa kanya. Hihintayin ko na lang na makalapit sila sa table namin dahil do'n din naman yata papaupuin 'yun ni Tanda dahil dalawa ang bakanteng upuan na nakita ko doon kanina. Isa ang para sa akin at sa tingin ko ay isa para sa Madam Ortaleza na iyon.

"Si Madam Ortaleza ang nililigawan ngayon ng iyong abuelo," biglang wika ni Mr. Ibarra na nasa kanan ko. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Mr. Ibarra.

"N-no! Iba ang ibig kong sabihin. Si Madam Ortaleza ay isa sa mga successful na businesswoman sa Pilipinas gaya ng iyong abuelo. Halos mapantayan na nga niya ang iyong abuelo pero alam mo namang tuso ito at gustong laging nasa tuktok." Tumango-tango naman ako sa sinabi ni Mr. Ibarra. Tama. Ayaw ni Tanda na may mas nakatataas sa kanya. Maliban na lang sa mga Klark na hindi niya talaga matalo-talo. Dahil mas malawak at mas marami ang kompanya ng mga Klark na may-ari rin ng RAK U. Sa tagal ba naman ng mga Klark sa industriyang ito, talagang malawak na talaga ang negosyo ng mga ito.

"Magkalapit ang kanilang negosyo kaya kapag naging mag-business partner o magsanib ang dalawa, magiging mas malawak ang kompanya nila at halos mapantayan na rin ang mga Klark," ani Mr. Ibarra. Hindi na ako sumagot at tumango na lang.

Nais ni Tanda na maging business partner si Madam Ortaleza sa kadahilanang may posibilidad na mapantayan niya ang mga Klark. Ano pa nga ba ang bago kay Tanda? Uhaw ito sa spotlight kaya gagawin niya ito. Gusto niyang maging number 1 kahit na sikat na sikat at sobrang yaman na niya. Hindi niya lang kailangan ng yaman. Gusto niyang makilala siya bilang numero uno sa larangan ng business.

The Stupendous Badass' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon