Chapter 34
"HAYOP KA TALAGA, MR. PEDS!"
Inapakan ko ang paa ng dalawang may hawak sa akin ng buong lakas upang makawala ako. Siniko ko rin ang sikmura nila dahil hindi sapat ang pag-apak ko sa paa nila at nang makawala ako, lumapit ako kay Edwin.
"Edwin," tawag ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at nanatili lang siyang nakapikit. Tinawag ko ulit siya pero hindi siya dumidilat. Inangat ko ang tingin ko at tinignan ng masama si Mr. Peds.
"May lason ang balang ginamit ko sa kanya, kaya paniguradong patay na siya," nakangising sambit niya sa akin.
"Napakawalang hiya mo!"
Susugod na sana ako sa kanya ngunit agad akong hinawakan ng mga tauhan niya. Pero mas nagulat kami sa sunod-sunod na putok ng baril at sa isang iglap, bumagsak na ang mga tauhan ni Mr. Peds.
Gulat na gulat siya sa nangyari. Biglang pumasok ang lima niya pang tauhan na nagbabantay sa labas dahil do'n.
"Boss, papalapit na po ang Kurosawa Clan! Nauubos na po nila ang mga tauhan!" wika nang isa pagkapasok na pagkapasok niya.
"Paano ba 'yan, Mr. Peds. Mukhang katapusan mo na," wika ko at mabilis siyang sinuntok.
Dahil do'n, sumugod din ang lima niyang tauhan sa akin. Kinuha ko ang dalawa kong baril at binaril ang isang pahugot na ng kanyang armas. Sinipa ko naman ang nasa harapan kong balak sana akong suntukin at nang mapaluhod siya sa harapan ko ay pinalo ko ang batok niya ng baril.
Nakipagpalitan ako ng kamao sa tatlo pang natitira. Natanaw kong patakas na si Mr. Peds kaya napamura ako pero may biglang tumalon galing sa taas at nakita ko si Aria na nakangisi kay Mr. Peds.
Napabagsak ko ang tatlong kalaban ko at mabilis na lumapit kay Aria.
"It's been a long time, Mr. Peds," nakangising wika ni Aria.
"A-Ariella?"
Biglang namutla si Mr. Peds at parang nakakita ng multo.
"Ariella? Hindi ba matagal mo na siyang pinatay? I'm Aria. Ariella's clone. She invented me to kill you," sambit ni Aria at masamang tinignan si Mr. Peds.
Kita ko ang gulat sa mukha ni Mr. Peds nang itapat sa kanya ni Aria ang baril nito. Pipigilan ko sana si Aria ngunit may biglang pumasok.
"NO!"
Nilingon ko ang nakabukas na pinto at nakita si Shawin na may mga luhang tumutulo na galing sa kanyang mga mata.
"Please, no."
Pumunta siya sa harap ng ama niya upang cover-an ito.
"Dad, please, sumuko ka na," nagmamakaawang sambit ni Shawin sa ama niya habang nakaharap sa amin.
"No way," pagkasabing-pagkasabi no'n ni Mr. Peds ay pinulupot niya ang braso niya sa leeg ni Shawin at tinutukan ito ng baril sa ulo.
"D-dad!"
Humakbang patalikod si Mr. Peds habang hawak-hawak pa rin si Shawin at may nakatutok na baril dito. Lalong humigpit ang hawak ni Aria sa kanyang baril habang pinagmamasdan ang nakangising si Mr. Peds.
"Papatayin ko ito o hahayaan niyo akong makaalis?" nakangisi nitong wika.
"Anong klase kang ama!" naisigaw ko dahil sa tinuran nito.
BINABASA MO ANG
The Stupendous Badass' Tale
ActionPAALALA: Hindi pa po ito na-e-edit. Maraming mga mali lalo na sa grammar. Ang plot ay hindi pa ganoon kaayos. *** Si Briella Cabrera A.K.A Bree, isang babae na mahilig maghanap ng thrill sa buhay. Handa siyang makipagbasag ulo once na tawagin mo siy...