Chapter 1

20K 430 43
                                    

Chapter 1


Patakbo akong bumaba ng hagdan na sobrang haba na ni isang alikabok e, wala akong makapa. Dahil nakakahingal bumaba ng hagdang 'to, nag-slide na lang ako sa hawakan nito. Ang cool ko, shet.


Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Manang Carlota na nagluluto ng almusal. Hindi ko na siya nabati pa sapagkat agad akong kumuha ng tinapay na may palaman na peanut butter saka sinubo ito ng buong-buo sa bibig ko. Ako na ang PG. Muntik pa nga akong mabulunan kaya inabutan ako ni Manang ng orange juice. Nginitian ko na lang siya.


Mabilis akong kumain na akala mo hindi pinakain ng ilang taon. Hindi ako nagmamadali dahil late na ako bagkus nagmamadali ako upang iligtas ang sarili ko sa nagbabadyang kapahamakan. Yeah! Nariyan na siya. Malapit na siya...


Pinakiramdaman ko ang buong paligid kung nariyan na ba ang nagbabadyang panganib ngunit bigla akong napahinto at napaisip kung bakit napakalalim kong magtagalog ngayon. Pero wala na akong natitira pang segundo para isipin kung bakit ang lalim kong magtagalog. Kailangan ko nang lumisan para sa aking kaligtasan. Oh, rhyme 'yun ah!


I was about to leave when I heard him. What the? 'Di na sana ako lilingon pa pero narinig kong tinawag niya ako. Okay, it's my time to cuss. What the fuck?


"Briella," puno ng awtoridad niyang tawag sa akin. Ang tae naman oh! Hindi pa ba sapat ang bilis na ipinamana sa akin ni Flash para hindi ako maabutan ng tandang 'to? I faced him with a frowning face.


"What's your problem? Male-late na ako. Can't you see? I'm in a hurry," walang galang kong sabi sa kanya. Pinaningkitan naman niya ako ng mata kaya pinaningkitan ko lang din siya. Aba! Hindi yata ako magpapatalo sa kanya. Pero bigla rin siyang nagbawi ng tingin at seryosong tumingin sa akin. Boom! Talo.


"You can't fool me, young lady. Alam ko ang schedule mo at lahat-lahat ng maaari mong gawin sa araw na ito. Mukhang nakalimutan mong alas otso pa ang pasok mo at alas sais pa lang ng umaga." This old man is really pissing me off.  Damn it! Umupo naman siya sa isang upuan sa dining table at sinenyasan si Manang Carlota na ilabas na ang mga pagkain. Mala-hari talaga kung umasta 'tong matandang 'to.


"Maupo ka," bigla niyang sabi. I frowned at him. Ano bang problema niya?


"Hindi ka ba tinuruan sa eskwelahan niyo ng tamang asal? Ang mahal-mahal ng ibinayad ko sa eskwelahang iyon tapos hindi ka naman nila tuturuan ng tamang disiplina. Matuto kang bumati ng 'Magandang umaga' sa lahat ng tao na naririto sa bahay na ito lalong-lalo na sa akin na abuelo mo. Ang pagkain ng agahan ay hindi binibilisan at tinatakasan dahil ayaw mo lang makasabay ang isang nilalang. Matuto kang magpasalamat na ikaw ay muling nabuhay ngayong araw kaya maupo ka rito at kumain ng agahan kasabay ko."


Now you know kung bakit ang lalim ko magtagalog kanina. Damn this old man! Pinaningkitan ko siya ng mata saka padabog na umupo sa upuan at kumuha ng tinidor saka tinusok ang kawawang hotdog. Sorry, hotdog ha? Sa iyo ko muna ibubunton ang inis ko.


Halata sa akin ang pagkainis lalong-lalo na nung kinagat ko ang hotdog. Sinilip ko naman siya at nakita ko siyang ngumisi dahil natalo niya ako ngayong araw.

The Stupendous Badass' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon