Chapter 32
Iniwan ko silang lahat doon matapos ang pangyayaring iyon. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko dahil sa galit na nararamdaman ko.
Alam kong walang kasalanan si Shawin sa lahat ng nangyari sa mga magulang ko pero hindi mo rin ako masisisi. Tatay niya ang may kagagawan ng mga 'yon. Siguro'y nilalamon lang ako ng galit kaya pati taong wala naman talagang sala ay nadadamay ko.
Kanina pa ring nang ring ang cellphone ko pero hindi ko sinasagot. Anong oras na at nandito ako ngayon sa bar at umiinom ng alak. Hindi naman ako nagpapakalunod, gusto ko lang uminom habang nag-iisip ng plano.
Ngunit hanggang ngayon, wala pa rin akong maisip na plano. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para maligtas si Tanda. Susugod na lang ba ako agad sa Orcus gaya nung ginawa ko nung niligtas ko si Axel? Pero kung hindi naman dahil kay Mickael, hindi kami maliligtas no'n dahil na-korner na kami no'n.
Tinignan ko ang orasan ko, alas otso na pala ng gabi samantalang kanina pa akong hapong nakaupo rito sa kinauupuan ko.
May sumigaw ng pangalan ko kaya bigla akong napalingon at nakita ko si Tasha at Yeon na magkasama. Nakalimutan kong gabi-gabi nga palang nasa bar ang dalawang ito. Gusto ko sana silang iwasan ngunit huli na dahil yakap-yakap na ako ng magkasintahan.
"Grabe ka, Bestie! Nagpapa-miss ka ba? Ilang linggo ka na naming hindi nakikita ah! At saan ka tumutuloy ngayon ha? Alam mo bang pinaghahanap ka namin nung sinabi mong naglayas ka na naman," parang bala nang baril na inasinta sa akin ni Tasha ang lahat ng iyan nang hindi pa yata humihinga.
Napailing na lang ako sa kadaldalan nito. Nakaka-miss din pala sila 'no?
"Oo nga, noona. Inabandona mo na lang kami nang basta-basta!" pagtatampo ni Yeon.
Itinulak ko naman sila upang lubayan ako kasi para na kaming tanga sa loob ng bar kahit na alam ko namang walang mangingialam at titingin sa amin dahil halos lahat ay nasa dancefloor na.
"Tigil-tigilan niyo ako sa ka-dramahan niyo, " masungit kong sabi.
Sabay namang ngumuso ang dalawa. Bagay na bagay nga talaga sila.
Sabay-sabay naman kaming napatinging tatlo sa cellphone kong nasa ibabaw ng lamesa na ngayo'y nagwawala na dahil ring nang ring. Tinignan naman ako ng dalawa nang nagtataka dahil hindi ko ito sinasagot. Sinilip nila kung sino ang tumatawag at nakita nilang si Mickael ito kaya naman takang-taka sila. Dahil alam kong magtatanong ang dalawang ito kung bakit hindi ko sinasagot, kinuha ko na lang ang cellphone ko at sinagot ito.
"Bakit ngayon ka lang sumagot? Kanina pa kita tinatawagan! Nasaan ka ba?"
"Himala, hindi mo alam kung nasaan ako?"
"Malamang. Wala naman ako sa Manila e, kung nasa Manila ako baka nariyan na ako sa bar na pinagtatambayan mo kanina pang hapon," inis na sabi ni Mickael.
Nagulat naman ako sa sinagot niya. Malamang, alam talaga nito kung nasaan ako.
"Kaysa magpakalunod ka sa alak diyan, nais ko lang ipaalam sa 'yo na dinakip na rin ng Orcus si Mr. Ibarra at hindi na alam ng prince charming mong si Axel ang gagawin niya."
Bigla akong napatayo sa pinaalam ni Mickael sa akin at biglang napamura. Nagtatakang nakatingin sa akin sila Yeon at Tasha.
"Dala mo ba ang sasakyan mo?" tanong ko kay Yeon.
Nagtataka naman siyang tumango.
"Give me your keys," agaran kong sabi.
"What? Why?" nagtatakang tanong ni Yeon pero inaabot na rin ang susi ng kotse niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Stupendous Badass' Tale
AçãoPAALALA: Hindi pa po ito na-e-edit. Maraming mga mali lalo na sa grammar. Ang plot ay hindi pa ganoon kaayos. *** Si Briella Cabrera A.K.A Bree, isang babae na mahilig maghanap ng thrill sa buhay. Handa siyang makipagbasag ulo once na tawagin mo siy...