Chapter 17

4.1K 167 7
                                    

Chapter 17

Nang maihatid na ako ng tauhan ni Mr. Peds may bigla siyang inabot na earpiece sa akin. Tinignan ko naman siya nang may nagtatakang mga mata.

"Isuot mo raw 'yan sabi ni boss," sabi niya. Nagkibit-balikat na lang ako saka ito isinuot. Ano na naman kayang pakulo ng silahis na 'yun?

Namangha ako pagkarating ko sa ibinigay na address sa akin ni Mr. Peds dahil sa napakalaking gate nito. Biglang nagbukas 'yung gate matapos kong makipag-usap doon sa speaker at sinabi ko kung sino ang aking sadya. Hindi ko akalaing may mas gaganda pa sa mansyon ni Tanda gaya ng mansyong natatanaw ko ngayon mula sa malayo. Mas malaki nga ang mansyon ni Tanda rito pero 'di hamak na mas maganda ito dahil simple lang naman ang taste ni Tanda. Para itong kastilyo kung iyong titignan dahil sa nakapalibot na gintong mga pigurin sa bawat sulok.

Kapag naman pumasok ka na ng tuluyan at tinahak mo ang mahabang daan patungo sa mansyon, puro mga gintong pigurin din ang sasalubong sa 'yo. Laglag panga ka talaga sa mga makikita mo at mapapaisip ka na lang kung ano kayang presyo ng bawat isang pigurin na iyon. Pero mas mainam sigurong h'wag na lang alamin dahil mapapamura ka lang siguro ng bonggang-bongga.

Bumaba ako ng motorbike nang makarating ako sa mansyon at puro mga lalaking naka-itim na suit ang sumalubong sa akin. Kinuha ko sa bag na dala ko 'yung attaché case saka lumapit sa mga ito. Nilahad sa akin ng isang lalaking naka-itim na suit din ang isang attaché case na sa tingin ko'y naglalaman ng limpak-limpak na pera kaya inabot ko ito kasabay ng paglahad ko sa kanya ng attaché case naman na ide-deliver ko. Sabay kaming dalawa sa pagkuha at pagbigay para walang lamangang magaganap.

Pagkakuha at pagkabigay ko, natanaw ko naman ang isang lalaking nababalot ng ginto na sa tingin ko'y ang lider ng mga ito ang papalapit sa lalaking may hawak ng binigay ko. Sinenyasan naman na akong umalis nung isa pang lalaki kaya umalis na ako. Bago pa ako tumalikod nakita kong hawak na nung lider 'yung attaché case at bubuksan na nila kaya sumakay na ako sa motorbike.

"WHAT THE?! PIGILAN NIYO SIYA!" Biglang umalingawngaw ang boses nung lider pagka-start ko pa lang nung motorbike kaya napalingon ako sa kanila.

Ano na naman kayang nilagay o ginawa ni Mr. Peds doon? Kulang na naman siguro 'yung nilagay niyang drugs do'n o kung anuman. Gano'n 'yon lagi e. Kaya ako napapahamak. Napakatuso at daya ng Mr. Peds na iyon e, porket walang laban sa kanya 'yung ibang groups dahil isa sila sa malalakas na mafia sa bansa, nandadaya na. Napaka talaga no'n! Ako tuloy ang napapahamak.

Pero iba ngayon. Hindi kulang ang nilagay ni Mr. Peds. Bigla akong nanlambot sa nakita ko. Isang supot na may lamang ulo ng tao ang hawak-hawak ngayon nung lider. Piping-pipi pa nga ito na parang pinagkasya talaga doon sa attaché case. What the fuck. ULO NG TAO ANG LAMAN NG DALA KONG ATTACHE CASE?

Natauhan ako sa pagkabigla nang pasugod na sa akin 'yung mga lalaking naka-suit kaya bigla kong napatakbo ng matulin 'yung motorbike ko dahil sa kaba. Ang dami-dami kaya nila.

"Fight. Don't run. Or else, you'll die."

Biglang may nagsalita sa earpiece na suot ko. Batay sa boses niya, sigurado akong si Mr. Peds iyon kaya napamura akong malakas.

"Tang ina ka, Mr. Peds! Anong kagaguhan 'to?!" sigaw ko kahit nakamask ako dahil sa galit at inis habang matulin pa ring nagmamaneho.

"Haha. Expected ko na 'yang reaksyon mo. Ikaw din. Kung hindi ka lalaban diyan, hindi sila mababawasan. 'Pag dating mo sa gate, may nakaabang na sa 'yo kaya paniguradong corner ka diyan. Iliko mo 'yang motorbike at labanan silang lahat. You're a bad ass - a stupendous bad ass, you can do it!"

WALANG HIYA KA, MR. PEDS!

Wala na akong nagawa at lumiko na ako dahil natanaw ko ring may mga nakaabang nga. Sinalubong ko 'yung mga naghahabol sa akin na may dala-dalang baril at inaasinta ako. Mabilis kong kinuha 'yung bago kong baril na nasa loob ng leather jacket na suot ko dahil may lalagyanan doon ng baril at shurikens at agad na pinindot 'yung nasa likod ng trigger para magdagdagan ng dalawa 'yung butas na lalabasan ng bala at agad na inasinta 'yung mga naghahabol sa akin.

The Stupendous Badass' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon