Chapter 20

4.2K 174 7
                                    

Chapter 20

Dalawang buwan na rin siguro ang nakalipas magmula nung fake mission slash training na binigay sa akin ni Mr. Peds. At sa nagdaang buwan, binibigyan niya pa rin ako ng training sa 'di ko malamang dahilan at alam ko sa sarili kong nag-iimprove ako ng sobra-sobra. Hanggang ngayon din, inaalok niya pa rin sa akin ang pagiging mafia reaper nila pero inuulan lang siya ng mura sa akin na siyang kinakataka ko dahil nginingisian lang niya ako at hindi man lang nagagalit.

Nandito ako sa cafeteria kasama ang dalawang mag-syota. Kararating ko lang at isang malagkit na landian na agad ang bumungad sa akin. Napairap na lang ako.

"Wala na naman si Shawin?" naitanong ko bigla. Napatingin naman 'yung dalawa sa akin.

"Oo. Madalas na siyang absent ngayon.'Di ko alam kung bakit," sagot ni Yeon. Silang dalawa kasi ang magkaklase sa dalawa o isa yatang subject.

"Ano na bang nangyari do'n? Baka mamaya, inuwi na 'yon ni Talia sa condo niya," sabi ni Tasha. Umiling naman ako.

"'Di. Umiiyak nga sa akin si Talia nung nakaraan e. Hindi pa raw niya kasi nakikita si Shawin," sagot ko. Speaking of Talia, nakita ko naman siyang tumatanaw sa table namin at parang may hinahanap pero bakas ang pagkabigo sa mukha niya nang hindi niya nahanap ang hinahanap niya.

"Lakas ng tama nun do'n, ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yeon. Natawa naman ako.

"Why? Cute naman si Shawin ah," biglang sabi ni Tasha. Napalingon naman bigla si Yeon sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"What? You're jealous? Oh, my God!" Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Iniwan ko 'yung bag ko saka tumayo para bumili ng pagkain ko. Nabwisit naman ako bigla dahil ang haba ng pila. Tae naman oh.

"Babe, hindi mo na kailangang pumila. Binilhan na nga kita oh." Bigla naman akong napamura nang may sumulpot na nilalang na may hawak na dalawang tray na punung-puno ng pagkain sa gilid ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Isa pang panggugulat mo, Sixto sasapakin na talaga kita!" singhal ko. Kinindatan naman niya ako. Dahil sa sobrang bwisit ko, umalis na ako sa pila at bumalik sa table namin. Nakikain na lang ako sa pagkain nila Tasha dahil marami naman silang pagkain. Bukod kasi sa baon ni Tasha, bumili pa si Yeon ng marami. Nasanay na siyang nakikikain kasi ako sa kanila.

"Akala ko bibili ka?" nakangising tanong ni Yeon. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Alam ko namang nang-aasar lang ang isang 'to e.

Magmula nang mag-confess si Sixto sa akin, tinotoo niya talaga 'yung sinabi niyang manliligaw siya. Kaya ito ako ngayon at bwisit na bwisit dahil sa mga 'da moves' niyang wala namang epek sa akin maliban sa pandidiri rito. Nakakairita na talaga 'yung lalaking iyon. Nagulat naman ako nang may biglang bumulagang bulaklak sa harap ko habang kumakain ako. Bigla naman akong napabahing dahil sa hindi ko nagustuhan ang amoy nito. Tinignan ko naman ng masama kung sino ang may hawak nito.

"Hindi ka ba talaga titigil, Sixto? Babangasan na talaga kita. Ilayo mo nga sa akin 'yan! Pisti!" Nawala naman ang ngisi niya at bigla namang napanguso na parang nagpapacute. Napasigaw naman ako sa inis. Rinig ko naman ang pagtawa ng dalawa kong kasama kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Bree." Nagulat naman ako nang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko naman kung sino 'yon at mas lalo naman akong nagulat nang makilala kung sino 'to.

"Problema mo?" tanong ko kay Axel na ngayon ay masama ang tingin pero hindi sa akin. Napalingon naman ako kay Sixto na nasa gilid ko na masama ang tingin kay Axel. So, magtitinginan lang silang dalawa diyan? Tumayo na lang ako at hinarangan si Sixto para ako ang makaharap ni Axel.

"Haba ng hair. Pinag-aagawan pa yata," rinig kong bulong ni Tasha kay Yeon kaya mabilis ko siyang sinamaan ng tingin saka bumaling ulit kay Axel. Medyo awkward nga lang.

The Stupendous Badass' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon