Chapter 28

3.6K 153 2
                                    

Chapter 28

Ilang beses akong nagpasalamat kay Tita Carmen dahil sa tulong na ibinigay niya sa akin. Kahit na alalang-alala siya at gustong-gusto na niyang ipaalam kay Tanda ang kalagayan ko ngayon, iginalang niya ang desisyon kong harapin itong mag-isa.

Ngunit ilang beses din niya akong kinulit na sa mansyon na lamang niya ako tumuloy pero hindi ko ako pumayag. Sapat na ang mga armas na binigay niya sa akin bilang tulong.

Paglabas ko ng mansyon ni Tita Carmen, laking gulat ko nang bumulaga sa harap ko si Mr. Ibarra at nakatingin sa akin ng seryoso.

"Nandirito ka lang pala, young lady," sambit niya.

"What do you want? Kung pauuwiin mo ako, hindi mo 'yon magagawa. Hinding-hindi na ako aapak sa mansyon na 'yon!" singhal ko.

"Bakit ka ba nagrerebelde sa abuelo mo?" Humalukipkip ako dahil sa tanong niya.

"Huwag ka namang magbulag-bulagan, Mr. Ibarra. Kasama kita noong mga oras na binalewala ako ni Tanda. Nandoon ka no'ng mga oras na pinagbawalan niya akong maging malaya. Saksi ka sa lahat, Mr. Ibarra."

"May rason siya kaya niya 'yon ginawa."

Natawa naman ako sa isinagot ni Mr. Ibarra. Reason? What kind of fucking reason?

Ilang segundo kaming nanahimik. Walang nagsalita o gumalaw nang biglang nag-angat ng tingin si Mr. Ibarra sa akin dahilan upang maputol ang katahimikang namayani.

"Sumakay ka sa sasakyan at ihahatid na kita sa Pelingero."

Bigla akong napatitig kay Mr. Ibarra dahil sa sinabi niya pero mabilis naman siyang pumasok ng sasakyan kaya naman sumunod na lang ako sa gusto niya. Kung hindi naman niya ako ididiretso sa Pelingero, may mga armas ako rito upang takutin siya.

Pero totoong sa Pelingero niya ako dadalhin sapagkat nalagpasan na namin ang daan patungo sa mansyon ni Tanda. Nilingon ko si Mr. Ibarra nang nakakunot ang noo.

"Why are you doing this? Buong buhay mo, sinusunod mo si Tanda. Ngayon ka lang sumuway sa kanya dahil hindi mo ako dinala sa mansyon niya," nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi ko naman sinuway si Mr. Cabrera dahil hindi naman niya ako inutusang ibalik ka. Ang sabi niya lang, ihatid kita ng ligtas dahil alam niyang hindi mo gustong umuwi kaya bibigyan ka niya ng oras. Binibigyan ka niya ng kalayaan."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Mr. Ibarra. Bakit naman ito gagawin ni Tanda? Samantalang noon, halos baligtarin na niya ang buong mundo mahanap lang ako para ikulong ako sa kanyang mansyon.

"Mahal na mahal ka ng abuelo mo, Briella. Kaya nga natiis niya ang ilang taong hindi ka makapiling para lang sa kaligtasan mo. Hinayaan ka niyang lumaki sa pamilya ni Peter dahil mas magiging ligtas ka ro'n. Pero nang mabalitaan niyang namatay si Peter, agad ka niyang kinuha. Walang alinlangan namang ibinigay ka ni Priscilla dahil alam niyang hindi ka na niya kayang pangalagaan."

Nakatitig lang ako kay Mr. Ibarra habang nagsasalita siya. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya ngayon. Wala akong maintindihan kahit na anong gawin kong pag-iisip.

"Hindi ka pa man isinisilang, nasa peligro na ang buhay mo. Dahil may isang grupong nagnanais na makuha ka. Dahil ikaw ang kaisa-isang anak ng kauna-unahan nilang imbensyon."

Napatanga lang ako kay Mr. Ibarra. Wala akong maintindihan!

"Grupo? Ang Orcus Mafia ba ito?" nagtataka kong tanong.

Tumango naman si Mr. Ibarra. Ngunit ang dami ko pa ring tanong na hindi ko alam kung paano ko itatanong.

"Bakit? Anong kailangan nila sa akin at bakit ako?"

The Stupendous Badass' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon