Chapter 9
Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ‘yung narinig ko kahapon do’n sa opisina ni Tanda. Dahil biglang nag-ring ‘yung cellphone ko at tumatawag si Tasha, bigla tuloy akong napatakbo sa kwarto ko. Paano na lang kung mahuli ako ni Tanda at makita ako nung mga bisita niya? Ayokong malaman ni Sixto Ferrer na ako ang apo ni Tanda. Ayoko, ayoko! Sana lang nabingi ako noong mga oras na ‘yon at hindi na ito nalaman pa. Alam kong sutil at sakit sa ulong apo kay Tanda pero bakit niya ito ginagawa sa akin? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa niya noon?
Sa kalagitnaan ng aking pagda-drama sa buhay kong madrama, may isang lapastangan na nilalang ang biglang pumalo sa sugat ko sa kanang braso. Tiniis kong h’wag sumigaw sa sakit kaya pumikit na muna ako bago harapin ang gagong nasa kanan ko.
“Ano bang problema mo, Axel?” mahina ngunit galit kong sabi sa kanya. Eh kung hindi naman kasi papansin ‘tong walang hiyang ‘to at hindi na lang makinig sa walang kwentang prof na salita nang salita na parang ‘yung board lang ang kausap e, ako pa ang napag-tripan pati ang sugat ko.
“Kanina ka pa kasi parang tanga na nagme-make face diyan. Nakakaasiwa,” aburido niyang saad. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Epal talaga ‘to.
“Ayos na ba ‘yang braso at binti mo?” bigla niyang tanong. Hinarap ko naman siya at sinimangutan.
“Gago ka ba? Paanong magiging maayos ‘tong braso ko kung pinalo mo kanina?” sarkastiko kong wika sa kanya pero inirapan lang niya ako saka binalik ang atensyon sa prof. Bwisit!
Buong klase, hindi na ako inistorbo pa ni Axel dahil masyadong masipag mag-aral ang isang ‘to at nakinig nang nakinig sa prof habang ako ay ‘yun pa rin ang iniisip. Maglalayas na ba ulit ako? Pero paano kung ulitin niya ang mga nangyari noon? Ay, paking shet! Hindi ko talaga mapapatawad si Tanda!
Natapos ang klase ko sa subject na ‘to na kahit isa ay wala akong naintindihan. Kung Criminology kasi ‘yung course ko, baka sakaling magkaroon pa ako ng tiyaga makinig sa prof. Hinintay ko munang makalabas ang lahat bago ako lumabas kasi ayokong makipagsiksikan sa kanila. Wala lang. Trip ko lang mag-feeling ngayong araw. At kung sinuswerte ka nga naman, paglabas ko si Shawin naman ang bumungad sa harapan ko na may wagas na ngiti.
“Problema mo?” masungit kong tanong sa isang ‘to.
“Anong nangyari sa braso mo?” pag-iiwas nito sa tanong ko. Ayos ha! Nice talking.
“Pakialam mo?” pambabara ko pero nginitian lang niya ako ng wagas. Kaya napailing na lang ako. Pakiramdam ko, mababaliw ako kapag kasama ko ‘to. Pa’no, hindi marunong mainis. Kahit na anong pambabara ang gawin mo, hindi siya maiinis gaya ni Tasha. Kaya ayaw ko sa kanya dahil parehas sila. Nakakairita. Masyado silang masayahin at naaaburido na ako. Nilagpasan ko na lang siya at nag-umpisang maglakad papunta sa susunod kong klase. Hay, nakakatamad pumasok. Pero kapag nag-cutting naman ako, makakarating agad ‘yun kay Tanda. Bad trip na buhay ‘to oh!
Biglang nanginig ang buong kalamnan ko nang mapagtanto kong palapit sa akin ang walang hiyang si Sixto Ferrer. Papunta na sana ako sa cafeteria dahil lunch break na ngunit hindi ko inaasahang makakasalubong ko pa ‘tong manyak na ito. Ang mas nakakairita pa ay ‘yung pagharang niya ngayon sa dinaraanan ko.
“Pwede bang lumayas ka sa daraanan ko kung ayaw mong masapak ko ‘yang mukha mo,” seryosong sabi ko sa kanya. Ang epal naman kasi ng lalaking ‘to e. Gutom na gutom na kaya ako!
Hindi ko akalaing may talento ‘tong Sixto na ‘to sa pang-iinis at nginisian lang ako sabay kindat. Narinig ko namang kinilig ang ibang kababaihan na nakakita sa pagkindat ng isang ‘to.
BINABASA MO ANG
The Stupendous Badass' Tale
AcciónPAALALA: Hindi pa po ito na-e-edit. Maraming mga mali lalo na sa grammar. Ang plot ay hindi pa ganoon kaayos. *** Si Briella Cabrera A.K.A Bree, isang babae na mahilig maghanap ng thrill sa buhay. Handa siyang makipagbasag ulo once na tawagin mo siy...