Chapter 13

4.9K 176 7
                                    

Chapter 13

Rinig na rinig ko ang pag-uusap ni Manang Carlota at Tanda sa dining room habang pababa ako ng hagdan. Huminto muna ako dahil sa mga naririnig ko.

“Gabriel, hayaan mo na si Briella. Pakawalan mo na siya. Hindi na siya bata at alam naman nating dalawa na kaya niyang protektahan ang sarili niya,” sabi ni Manang Carlota. Napakunot-noo naman ako. Kailan pa tinawag ni Manang si Tanda ng Gabriel?

Huminga naman ng malalim si Tanda.

“Natakot ako kagabi sa pagtataas mo na naman ng boses sa kanya. Hindi ‘yon nakabubuti sa ‘yo. Baka atakihin ka,” nag-aalalang wika ulit ni Manang. I smell something fishy sa dalawang ito. Naramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan hudyat na ako’y gutom na kaya nagpakita na ako sa kanila saka dumiretso sa dining kung saan nag-aalmusal na si Tanda.

Kumuha ako ng pagkain ko at nilagay sa platong nakahanda na sa tapat ko. Nakarinig naman ako ng pag-ubo. Hindi na ako nag-angat ng tingin dahil alam kong kay Tanda iyon galing. Umirap ako saka nagsalita.

“Err... G-good morning,” wika ko saka kumain. Binilisan ko ang pagkain ko para makaalis na. Hindi na naman ako pinakialaman ni Tanda dahil sanay na rin siyang nagmamadali ako. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako at binitbit ko ang pinagkainan ko at saka tumayo at nilagay ito sa lababo habang inuubos ko ang aking juice.

Nang nadaanan ko si Tanda, sumulyap siya sa akin kaya nagpaalam ulit ako na aalis na ako. Ayoko nang mapagalitan na naman niya ako dahil sawang-sawa na ako. Paglabas ko, naka-ready na ang sasakyan at nakalahad na ang kamay ni Mr. Ibarra sa akin. Umirap ako at hindi ito tinanggap saka sumakay ng magarang sasakyan ni Tanda.

Si Sixto agad ang bumungad sa akin pagpasok ko ng RAK U. Naka-ngiting aso siya sa akin pero inirapan ko lang siya. Bubwisitin na naman yata ako ng isang ‘to. Nang palapit na siya sa akin, narinig ko ang tawag ni Shawin kaya nilingon ko siya na tumatakbo patungo sa akin habang hinahabol ng mga goons. Naalala ko tuloy ‘yung nangyari kagabi. Napangisi tuloy ako.

Nang nakita ako ng mga goons, hindi na nila hinabol si Shawin at biglang lumiko dahil sa takot. Hinihingal si Shawin nang makalapit sa akin kaya natawa ako. Siguro ay kanina pa siya hinahabol ng mga goons ni Talia. Nakita kong papalapit pa rin si Sixto sa akin kahit na nakita niyang nasa tabi ko na si Shawin kaya agad kong inakbayan si Shawin at mabilis na naglakad para malagpasan si Sixto. Pinagtaasan naman niya ako ng kilay habang gulat na gulat naman si Shawin sa ginawa ko. Wala akong panahong harapin si Sixto dahil makikipag-gaguhan lang ako sa kanya at wala ako sa mood. Nai-stress pa rin kasi ako sa unipormeng bigay ni Mr. Peds sa akin.

“B-bree,” nauutal na wika ni Shawin. Humalakhak naman ako dahil namumula na ang kanyang mukha kaya hindi ko na siya inakbayan. Naglakad na lang kami ng normal. Kung si Yeon ang inakbayan ko, parang wala lang ‘yun sa kanya pero itong si Shawin, malisosyo.

“Anong nangyari sa inyo kagabi?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. Sinimangutan naman niya ako. Ang cute niya. Ito ang dahilan kung bakit nahumaling sa kanya si Talia. Cute siya. Mukha siyang tuta. Hahaha.

“Iniwan mo ako. Buti na lang dumating ‘yung mga goons niya. Muntik niya na akong rape-in,” parang batang nagsusumbong na wika ni Shawin. Tinawanan ko lang siya. Naghiwalay na rin kaming dalawa dahil magkaiba ang aming klase. Pagkapasok ko sa room namin, kaming dalawa pa lang ni Axel ang nasa loob. Napatingin ako sa cellphone ko at tinignan ang oras. Maaga pa pala. Luminga-linga ako dahil hindi ko alam kung saan ako uupo. Nang maalala ko ang sabi ni Axel sa akin noon, dahan-dahan na lang akong pumunta sa katabi niyang upuan kung saan ako laging umuupo at pinapaupo habang mahigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

The Stupendous Badass' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon