Chapter 5

8.4K 250 4
                                    

 Chapter 5


Mga sumasayaw na ilaw na nakasisilaw sa mata, tugtog ng musika na siyang nakaririndi sa tainga at amoy ng alak na siyang bumabalot sa buong lugar. Napaka-obvious, nasa bar nga ako—ang lugar na ayaw kong puntahan dahil nakakairita. Masyadong mausok at maingay tapos ang dami pang naglalandian sa tabi-tabi. Nakaririmarim. Anak ng! Napapalalim na naman ang tagalog ko. Hindi naman ako pupunta sa lugar na 'to kung hindi ako tinawagan nang tinawagan ni Yeon para gumimik kahit na may pasok bukas. Celebration daw para sa pagbabalik ko sa RAK U. Hindi naman niya ako tatantanan kaya nandito ako at parang tangang palakad-lakad at palinga-linga para hanapin kung nasaan ba siya. 'Lang 'ya, nasaan na ba 'yon?


Napalingon ako sa kaliwa ko nang may babaeng sumigaw  ng pangalan ko at paglingon ko, si Tasha pala 'yon. Nakasimangot akong lumakad papunta sa table nila. Mukhang sobrang ingay ng gabi ko ngayon dahil kasama ko ang dalawang maingay—si Tasha at Yeon.


"Noona, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Yeon sa akin pagkaupong-pagkaupo ko. Tinignan ko siya at inirapan.


"Kaya nga, Bestie.. Isang oras kang late ha. Hindi tuloy kami maka-order ng drinks ni Yeon dahil baka bagsak na kami pagdating mo," singit ni Tasha sabay inom ng kung anumang tawag sa iniinom niya.


Hindi ako sumagot sa halip tinungga ang in-order nilang inumin sa akin. Naalala ko na naman ang nangyari kanina noong ibinigay sa akin ng lalaki 'yung itim na bag. Hindi ko alam kung bakit pero parang napaka-importante ng bag na 'yun kahit na luma na at mukhang hindi nga maganda ang kalidad. Hindi ko naman tinignan kung anong laman ng bag dahil ayokong maging pakialamera at higit sa lahat, wala rin naman kasi akong pakialam kaya tinago ko na lang siya sa kwarto ko.

"Mukhang wala ka namang balak magsalita dyan, Bestie. Pwes, aalis muna ako ha? May kanina pa ngiti nang ngiti sa akin dun sa kabilang table e," sabi ni Tasha na ngayo'y nakangisi saka ito umalis. Napailing na lang ako. Napatingin naman ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon.


"Alam kong hindi mo na kayang pumirme dyan sa inuupuan mo. Kaya pwede ka nang lumandi," nakangisi kong wika kay Yeon na ngayo'y alanganing nakangiti sa akin saka tumayo. Alam kong mangyayari 'to dahil madalas itong mangyari noon pa. Kahit na yayain nila akong gumimik in the end, mag-isa akong maiiwan sa lamesa dahil isang playgirl at playboy ang kasama ko kaya matic na lumandi sila sa bar at ako ang magda-drive sa kanila pauwi sa mga bahay nila kapag tapos na silang lumandi at lasing na sila. Pero kahit na ganyan 'yang mga 'yan, napapakinabangan ko naman.


Um-order na lang ulit ako ng light drink lang dahil nararamdaman kong magbubuhat ako ng dalawang tao mamaya. Tutunggain ko pa lang ang in-order ko nang may biglang umupo sa harapan ko. Tinitigan ko siya sa mata at hinintay siyang magsalita. Ngunit isang minuto na ang lumipas e, nakatunganga lang siya. Seryoso, hindi ba 'to aalis sa harapan ko?


"Wala ka bang balak umalis sa harapan ko?" prangka kong sabi sa lalaking nasa harapan ko na hindi ko kilala kung sino. Nginisian naman niya ako at mabilis na lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko't dahan-dahang inilalapit sa kanya. Nang matauhan ako, mabilis ko siyang tinulak saka hinawakan ang kwelyo nito at tinuhod ang pinakaiingat-ingatan niya.


"MANYAK!" sigaw ko sa kanya saka naglapitan ang dalawang bouncer sa table namin.


The Stupendous Badass' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon