PAGKALAPAG sa NAIA airport ay lumingon-lingon ang binata habang naglalakad. Baka kasi mamaya ay bigla siyang paligiran ng mga tao pero laking pasasalamat naman nito at hindi iyon nangyari.
He didn't wear something in disguise. Nakasuot lang ito ng simpleng jeans, gray shirt at black leather jacket with his black face mask. Malaya itong nakalabas ng lugar at sumakay sa sasakyan na nagsundo rito.
"Wait for me," sambit ng binata sa kanyang isipan habang iniisip ang dalaga. Nagpasalamat ito at nakakuha siya ng tiempo upang makapag-bakasyon ng limang araw. Yes, he only got five days to fix everything before he goes back to Seoul.
Linabas nito ang isang envelope na ang laman ay tungkol kay Regina. He hired a private investigator to locate her girlfriend kaya heto s'ya ngayon, nasa pilipinas upang hanapin ang dalaga.
"So you live in Makati," Sabi nito habang binabasa ang mga inpormasyong nakalap ng imbestigador. Hindi na ito nagsayang pa ng oras at pinadiretso n'ya ang driver sa tinutuluyan ng nobya.
It was Saturday morning when Regina felt strange. Noong isang araw pa kasi hindi maganda ang pakiramdam n'ya pero pinilit padin nitong pumasok. Buti nalang at wala pa siyang naka schedule na flight kaya pagreport lang muna sa office ang ginagawa n'ya.
Pinilit nitong bumangon sa kama at uminom ng isang tasang gatas galing sa fridge. Medyo nakaramdam naman ito ng ginhawa pero maya-maya ay umiikot nanaman ang kanyang t'yan.
"Hay, ano bang nakain ko?" Sabay haplos nito sa bandang ibaba ng kanyang t'yan. She was about to lay down when she heard a knock on the door. Walang anupama'y pinagbuksan nito ang kumakatok at gulat na tinitigan ang taong nasa kanyang harap.
"Hello, I hope you don't mind me visiting you." Bati sakanya ng binatang nakasuot ng itim na hoodie. Bagay nito ang may pagka-kulot at mejo mahabang buhok na kulay gray.
"Justin? Hi! Tuloy ka." Nahihiya man ay pinatuloy niya ang binata kahit mejo magulo ang bahay nito. Hindi pa kasi siya nakapag-linis ng mabuti dahil sa dinaramdam niya kaya agad siyang humingi ng paumanhin.
"It's fine. I don't mind," nakangiting sagot nito sa babae. Bago umupo ay iniabot nito ang isang basket na may iba't ibang uri ng prutas. Nagpasalamat ito at tinanong kung anong sadya ng binata.
"Ah, I heard from your friend that you're not feeling well. So I went here to check on you," the guy answered. Hindi na nagtaka ang dalaga dahil sino pa nga bang kaibigan n'ya ang binanggit ng lalaki, walang iba kundi si Jasmine Zybert Perez a.k.a Jazy. Pinakilala niya kasi ang binata sa kaibigan noong minsan nagkasalubong sila sa mall ng lalaki.
"Oh, thank you for checking on me. I'm fine. Baka kailangan ko lang magpahinga." Umupo ito sa katabing sofa na inuupuhan ng binata tsaka niya ito tinitigan.
Nakaramdam naman ng hiya si Justin dahil biglang tumahimik ang paligid. The real reason is he wanted to ask her out for a friendly date, pero hindi ito makatyempo dahil alam n'yang hindi maganda ang pakiramdam ng dalaga.
Regina offered her somethingto drink which Justin immediately refused. Since he had just received a message from his friend, he told her he'd better leave for her to get a proper rest. "I have to go. Maybe we can hang out together next time," he said in bunny smile.
Nginitian din naman ito ng dalaga at tumango. Pagkatapos ay sinamahan n'ya ito palabas sa kanilang gate.
"Thank you sa prutas ha, nakakahiya. You take care," she said. Ngunit sa hindi inaasahan sa pagbukas n'ya ng gate, ay may isang taong nakatayo habang naniningkit ang mga mata na nakatingin sakanila.
BINABASA MO ANG
LSS: CLOSE
RomansaHe couldn't hold back tears as he read aloud, 'If I had to choose again, I'd still choose our journey together. I'd still choose you.' During his travels in the Philippines, Jace Park, a famous K-pop idol, unexpectedly found himself on a tropical is...