Chapter 14

208 27 5
                                    


IT was Sunday morning when the light of dawn seeped into Regina's room. She rubbed her bleary eyes and walked to the window.

"Good morning Seoul! Ang ganda ganda naman ng araw ngayon!" Sabi nito at lumakad papunta sa salamin. She was smiling the entire minute while looking at her gorgeous face. Rumampa ito na parang modelo at nagpose. "Taray! Kung hindi ka lang kinulang sa height siguro pwede ka ng pagtiisan sa miss universe!" Komento nito sa sarili na natatawa.

Maya-maya ay nakaramdam na ito ng gutom kaya mabilis siyang lumabas ng kwarto upang sana ay magluto, but she was surprised to see sets of meal prepared for her. There was even a note on the table saying, "Eatwell, baby." Pagkabasa nito ay naghihiyaw itong napatalon sa kanyang kinatatayuan. Hindi nito maitago ang kilig na nararamdaman kaya agad niyang inilabas ang cellphone at nag message sa binata.

"I just woke up. Thank you for the meal."

Nakailang ulit ito ng type pero naisipan niyang simplihan nalang ang mensahe. Isa pa ay baka busy ang binata at marami rin silang activities sa araw na iyon. Pagkatapos kumain at maglinis ay napaupo muli ang dalaga sa sala. She was bored. Wala siyang ganang lumabas dahil wala siyang kasama kaya naisipan niyang tawagan si Jazzy. Mula ng bumalik kasi itong pilipinas ay hindi pa ito nagpaparamdam sa kanya.

"Ay, bakit di manlang sumagot?" Nakasimangot nitong ibinaba ang cellphone. Nag-aalala ito kung napaano na ang kaibigan, kahit kasi ang supervisor nila ay hindi pa siya nito tinatawagan upang ipaalam ang sitwasyon. Naisip niyang mas makakabuti kung maglakad-lakad nalang muna siya sa labas, tutal ay maganda naman ang panahon.

Hindi na ito nag-aksaya pa ng oras, pagkatapos maligo ay naghanap na agad ito ng isusuot. Naisip niyang suotin ang blush pink plaid lace-up backless mini dress, at dahil alam niyang pagtitinginan siya ng mga matatanda ay pinatungan niya ito ng beige knitted crop jacket with matching white sneakers. Konting make-up and she's good to go. Masayang naglalakad ito palabas ng bahay habang nakangiting kumuha ng sariling litrato.

"Now what do I have on my list?" Tinignan ni Regina ang listahan ng mga lugar na balak niyang puntahan. Una sa listahan ay ang Leeum Samsung Museum of Art. Inilibot ng dalaga ang kanyang mga mata. It amazed her how the place blends Korean history with modern art and works in between. It has great exhibits and a fantastic campus with killer architecture that satisfies your Instagram feed. She took another photo of herself and posted it in her ig account and continued walking. Pagkatapos ng halos bente minutos ay nakaramdam ito ng uhaw kaya naman pumasok ito sa isang nearby cafe at umorder.

Muli nitong tinignan ang cellphone, hoping someone's name would pop up in her message box, but she was dismayed. Ni 'ha' ni 'ho' ay wala. Napasandal na lang ito sa kanyang upuan.

"Hay, is this how you feel if you're dating an idol?" Mahinang sabi nito sa sarili. She scrolls her feed up and down hanggang sa mapagod ito. Nakaramdm ang dalaga ng lungkot dahil namimiss niya si Jace kahit magkasama naman sila magdamag nung isang araw. "Miss kaya ako nun?" She pouted like a kid habang umiinom ng inorder nitong iced coffee. Asa malayo ang tingin ng dalaga ng maya-maya ay may isang lalaking naka black shirt, denim jacket, black cap at naka suot ng shades ang umupo sa bakanteng upuan na asa kanyang harapan. She was shocked kaya hindi man niya kita ang mukha ng binata ay inirapan niya ito at tumayo paalis sa lugar.

Pansin ng dalaga na nakasunod pa rin sa kanya ang lalaki at mukhang gusto siyang kausapin. She then noticed that the guy was wearing acid wash jeans and chelsea boots. Gustuhin man niyang titigan ito ay di niya magawa kaya hindi niya manlang mamukhaan ito.

Sinadya niyang magpaikot ikot at pumasok sa girls' restroom. Dito ay sinubukan niyang tawagan si Jace, but his number couldn't be reached. Lalo itong nakaramdam ng inis sa lalaki kaya naisipan nitong lumabas nalang. Slowly, sumilip ito sa kaliwa at sa kanan, maaliwalas na naman ang mukha ng dalaga ng mapansin na wala na ang lalaking kanina pa'y nakasunod sa kanya.

LSS: CLOSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon