Chapter 27

66 8 0
                                    


Malungkot na tinanaw ni Regina ang nobyo hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Napasinghap nalang ang dalaga at nakasimangot ito na humarap kay Justin. "He already went in," maikling sambit niya at muli ay humakbang.

Agad naman s'yang sinundan ng binata at sinabayan ang lakad nito. "Why didn't you tell him? We both know that he—"

Hindi na pinatapos pa ng dalaga ang sinasabi ng lalaki dahil alam nyang pagsasabihan lang siya nito. Tumigil ito sa paglalakad at sinulyapan ang binata. "Don't worry. I'll tell him after their concert," she said and smiled. "Ayokong dumagdag pa ako sa iisipin n'ya, so I decided to tell him after their concert. It's just a month from now, so I think that would be fine," she added.

Tinapik ng dalaga ang balikat ng kaharap at inaya nalang n'ya itong kumain as she felt hungry again. Nagpakawala nalang si Justin ng isang malalim na hininga tsaka tumango. Makalipas ang ilang oras ay inihatid na ni Justin ang dalaga sa kanyang bahay. Batid ng binata na pagod ito kaya tinanggihan n'ya ang babae sa kanyang alok na magkape muna.

"Are you sure? Hindi ka nga kumain kanina. I can bake, you can stay and have a cup of coffee," Regina told him.

"It's okay. I'm not starving. Better go inside, baka bigla nanamang bumuhos ang ulan," Justin answered.

They both looked at the sky and glanced back at each other. Justin was right. It feels like it's going to rain at any minute.

Nang makapagpaalam na si Regina sa binata ay agad nitong isinara ang gate at pumasok sa loob. She really felt tired, so she immediately changed her clothes, grabbed her phone and went to bed. Napatingin ito sa kanyang orasan at napagtanto na halos apat na oras na pala ang nakalipas simula nang magpaalam ito kay Jace. She pouted her lips as she scanned their photos together that were saved in her gallery. Miss na n'ya agad ito.

'Nakarating na kaya yun?' tanong nito sa sarili. She turned to her left side and after a few seconds, she turned to her right. Agad na napadako ang tingin nito sa kanyang itim na shoulder bag at naalala ang ilang pirasong papel na isiniksik ni Justin para lang hindi makita ni Jace. Bigla nagbalik sa kanyang palaisipan ang naganap noong araw na ipinatawag siya ng doktor.

"Dr. Dominguez, is there anything wrong?" Kaba n'yang tanong sa kaharap. Her hands were on top of her legs, trembling. Hindi n'ya alam kung bakit pero natatakot s'ya sa kung ano mang pwedeng sabihin ng doktor.

"Ako dapat ang pupunta sa'yo, but since you're here, please sit down. How do you feel? You need to take extra care of yourself. I told you for how many times that you should not stress yourself. Iniinom mo ba yung mga nireseta ko sa'yo?"

Pagkarinig nito ay agad na napakunot ang kanyang noo. "Yes, doc. Iniinom ko po yung vitamins at yung mga inireseta niyo."

Inilabas ng doktora ang ilang pirasong papel at tinignan ang panghuling pahina. Dahil may kalabuan na ang mga mata nito ay agad inabas ni Dr. Dominguez ang kanyang salamin at itinuloy ang pagbabasa sa papel. She immediately removed her glasses and looked at Regina with a confused face.

"Then why are you still anaemic? Your red blood cells should've increased by now. Bakit ganito? "Muling nagtatakang tinignan ng doktora ang resulta. "Do you still go to work?"

Napalunok ang dalaga dahil napagsabihan na s'ya na magpahinga muna sa pagtatrabaho ngunit hindi n'ya ito sinunod. Hindi kasi siya sanay na walang ginagawa.

"Yes po doc. But I'm planning to—"

"I told you to not stress yourself. Ang baba ng hemoglobin count mo. This could affect your baby and you as well. Hindi biro ang may anaemia habang nagbubuntis," pagkasabi nito ay naglabas ang kanyang OB ng kapirasong papel at muli ay nagsulat ng kanyang receta. Sinabihan s'ya nitong bilhin agad at inumin ang mga bitamina.

LSS: CLOSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon