Chapter 12

184 30 10
                                    


JAZY woke up early in the morning because of a phone call. Akala n'ya ay may babati lang sa kanya, but she was wrong.

"Jasmine, you need to report. Asap."

"Po? What's the problem Mrs. Silca? Bukas pa po flight ko pabalik ng pilipinas."

"No. Book a flight on this day. We have an urgent meeting tomorrow afternoon and you need to be there."

"I don't understand."

"You made a big problem, Ms. Perez, and you know what I'm talking about. How could you do that to Ms. Alterro?"

Pagka-rinig nito ay para bang nanlamig ang kanyang katawan. Bigla itong nakaramdam ng panghihina. Pagkatapos ng maikli nilang pag-uusap ay nagmadali s'yang lumabas sa tinutuluyan. Gusto n'yang mapag-isa, gusto n'yang makapag-isip.

She sat on the ground at nakatingin lang ito sa malayo na 'tila ba napaka lalim ng iniisip. Nakita niya ang dalawang dalaga na nakaupo at masayang nagkukwentuhan sa damuhan. For a moment, she smiled. But this made her cry, too. Ganun na ganun kasi sila ni Regina, naalala niya lahat kung paano naging mabuting kaibigan ito.

Nagpupunas s'ya ng luha nang lapitan siya ng isang lalaki. Ini-angat ng dalaga ang kanyang mukha at gulat na nagsalita. "Jace? What are you doing here?"

"I know what happened," he said and sat beside the girl. Hindi na nagulat si Jazy sa sinabi nito. Alam n'yang malalaman at malalaman din ang ginawa niya pero hindi niya lang inaasahan na mapapaaga. She admits she was happy at first, but then she felt guilty.

"I was badly hurt. That hurt led me to do these things to my friend. God, I can't imagine what I've done." She covered her face with her hands and cried.

Walang ginawa ang binata kundi panoorin na lang ito dahil hindi siya magaling mag-comfort ng tao. Pinagmasdan niya lang ang dalaga at nakikinig sa sinasabi nito.

"Well, we do things we don't want to because we think it's the right choice. But I'm sure she'll understand you. After all, she's a good friend, right?"

Tumango naman ang dalaga sa narinig at pilit na ngumiti. Jace then thought about Regina. She wanted to see her. Ilang gabi din n'yang nasa isip ito at hindi mapakali kapag hindi niya ito nakikita.

"I have to go. Be back, I'm sure she'll be looking for you. By the way, Happy Birthday." Kinawayan ito ng binata at naglakad palayo sa lugar.

Naiwan namang mag-isa si Jazy at nakatanaw ito sa binatang naglalakad. "He's right. She might look for me. 'Panigurado may surpresa na naman siya,' she said in her mind and smiled. Nagpasya itong magpalipas muna ng ilang mga oras pa dahil hindi niya alam kung anong mukhang ihaharap n'ya sa kaibigan. Inilabas nito ang kanyang cellphone at halos si Regina ang laman ng inbox nito. She opened the latest message she received from her.

'Friend, asan ka? I wanted to wish and greet you with a Blessed birthday! Thank you so much for being a good friend! I love you always! See ya later!'Napangiti muli ito habang binabasa nang paulit-ulit ang mensahe ng kaibigan. Taon-taon ay hindi sumasablay ito sa pagbati mapa personal o sa text man. Pagkalipas ng ilang oras ay naisip niyang umuwi na para makausap ang kaibigan, aaminin nito ang kanyang ginawa at hihingi ng tawad. Alam niyang masasaktan niya ito pag nalaman niya ginawa nito pero kung ano man ang kahahantungan ay handa siya sa kung ano ang mangyayari.

Dumaan muna ito sa isang bakeshop para bumili ng chocolate cake para kay Regina, alam niya kasing paborito niya 'yun. Pagkadating sa pintuan ng kanilang villa ay nagtataka itong napatingin sa mga pares ng sapatos na naka linya.

LSS: CLOSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon