THAT same day was Jazy's last day at the villa. Emosyonal na nag-uusapang magkaibigan."Aalis ka na ba talaga? Hindi ba pwedeng ipagpabukas nalang?" Malungkot na sabi ni Regina sa kaibigan habang pinagmamasdan niya itong nagtutupi ng mga damit.
"I need to be there and face the consequences. I'll be okay. Ikaw ang mag iingat dito ha? Kung pwede nga e patirahin mo nalang muna dito si Jace para may kasama ka." Alam niyang matatakutin ito kaya hindi pwedeng wala s'yang kasama.
"Mandidistorbo pa ako. Mas okay sana kung makauwi na din ako," saad n'ya.
"Ano ka ba, I know you like him and I think he likes you too. Kaya kung isang araw magtapat 'yun sayo, tell him how you feel. You deserve to be happy, too."
Hindi naman siya nagkakamali dahil alam n'ya sa sarili n'yang nagugustuhan na niya din ang binata. Yun nga lang ay parang malabo na magkagusto din ito sa kanya, sa dami ba naman ng magagandang nakapaligid sa industriyang kinatatayuan ng binata ay ano ang laban niya?
Nakasimangot pa rin itong lumapit sa tabi ng kaibigan at niyakap ito. Maya-maya ay tinulungan na niya din ang dalaga na mag tupi ng damit at mag-impake.
"Call me when you get there," bilin ni Regina sa kaibigan.
ALAS-SAIS na ng gabi at handa na ang lahat para sa pag-alis ni Jazzy, pinilit ni Regina na sumama sa airport pero ang kaibigan mismo ang nagsabi na mas mainam kung mag-paiwan muna siya, tutal ay isa sa mga kaibigan ni Jace ang pumayag na ihatid ito.
Maluha-luhang tinanaw ng dalaga ang kaibigan habang pasakay ito ng sasakyan at umalis. Mag-isa nalang siya ngayon, and she feels scared. Hindi padin kasi siya pwede bumalik sa trabaho dahil kailangan pa nilang makausap ang kaibigan tungkol sa nangyari.
Mabilis na lumipas ang oras para sa dalaga, mabilis na nagdilim ang kalangitan at tila isang malakas na bagyo ang paparating. It was ten in the evening and she felt strange.
There was thunder and lightning; the wind blew hard; the rain poured. Eto na nga ba ang kinakatakutan niya, she also hates herself for over-thinking dahil kung ano-anong eksena ang pumapasok sa kanyang imahinasyon na siyang lalo niyang kinakatakot.
Bigla nitong naalala kung nailock ba niya ng mabuti ang pinto kaya kahit may takot ay dali-dali itong lumabas ng kwarto, ngunit lalo itong natakot ng may makita siyang anino na dumaan sa bintana. She closed her eyes and prayed at that moment. Hindi siya santo pero marunong itong magdasal kapag takot.
"Lord. Lord please, bukas niyo nalang po pabalikin yung magnanakaw." Bulong nito sa sarili habang dahan dahan na humakbang papalapit ng pinto. May isang minuto ang lumipas at biglang nawalan ng kuryente kaya napasigaw sa sobrang takot ang dalaga.
She heard a knock on the door, noong una ay mahinang katok lang ito, pero unti-unti itong lumakas kasabay ng malakas na sipol ng hangin na nanggagaling sa labas.
"Gosh, sino ba kasing may sabing tumira kami dito. S-sino yan?" she was really freaking out. Gamit ang ilaw ng cellphone ay kumuha ito ng palayok sa kusina at hinanda ang sarili sa kung anong mangyayari.
Sumilip siya sa bintana ngunit walang tao, but she then again heard a knock. She opened the door at tahimik na pumwesto na parang makikipag bardagulan sa kanto. Ang dalawang kamay nito'y nakataas habang hawak ang palayok at ang mga paa niya ay nakapwesto na pwede ng sumipa anumang oras.
"The door is open. Who is it?" Tapang tapangan niyang sabi.
Madilim man ay kita niya ang isang taong nagbukas ng pintuan. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa suot nitong sombrero. Gagalaw na sana ang dalaga ng bigla siya nitong tutukan ng flashlight sa mukha at sa palayok na hawak nito.
BINABASA MO ANG
LSS: CLOSE
RomanceHe couldn't hold back tears as he read aloud, 'If I had to choose again, I'd still choose our journey together. I'd still choose you.' During his travels in the Philippines, Jace Park, a famous K-pop idol, unexpectedly found himself on a tropical is...