Chapter 26

62 5 1
                                    



THE next day, Jace woke up with joy in his heart. Natulog ito sa ospital dahil sinamahan n'ya ang nobya. Sinabihan kasi si Regina ng kanyang doktor na ipagpabukas ang pag-alis dahil may inaantay pa silang karagdagang resulta. He stretched his arms and looked at her woman who's still asleep. Dahan-dahan siyang tumayo at maiging nag-ingat upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Linapitan n'ya ang dalaga at marahang hinalikan ito sa noo.

"Good morning," he whispered.

Bigla s'yang napatingin sa kanyang suot na relo at muli ay bumaling ng tingin sa nobya. Ngayon kasi ang araw ng alis niya pabalik ng Korea. Alas tres ng hapon ay kailangan nasa airport na s'ya dahil alas-kwatro ang flight nito.

He felt pain in his chest, thinking that he needs to leave. Matagal n'ya itong hindi makikita at alam n'ya sa sarili na ayaw nito ng ganoong sitwasyon, pero nangako siya sa dalaga na kahit anong mangyari ay kailangan nilang kayanin at maging matatag para sa isa't isa.

'Just one more year before our contract ends, and I promise that I'll come back with a ring to put on your fourth finger.'

Bago pa magising ang dalaga ay agad na siyang lumabas ng silid para bumili ng makakain. Kahit wala pang ligo ito ay hindi naman halata dahil mukha naman s'yang mabangong tignan. Jace went to his brother's room and saw him still sleeping like a prince, so he immediately closed the door and left.

Sa silid ng dalaga ay unti-unting dumungaw ang araw at nakadirekta ito sa bintana ng kwarto. Mabilis na naramdaman ni Regina ang pagtama ng sinag ng araw sa kanyang magandang mukha kaya marahan itong gumalaw. She slowly opened her eyes, iniangat n'ya ang kanyang kanang kamay at itinakip ang malambot na palad sa kanyang mukha upang makaiwas sa nakakasilaw na sinag ng araw. She looked around and noticed that his man wasn't inside the room.

Agad siyang napatingin sa orasan na nakasabit sa pader ng silid at naisip na baka bumili ang nobyo ng pang-agahan. She searched for her phone, but then realized that it wasn't with her. 'Malamang naiwan ko 'yun sa bahay.'

Laking pasasalamat n'ya dahil sa tuwing nagkakaproblema siya ay sumasakto ito sa araw kung kailan wala s'yang pasok o wala silang flight. Biglang sumagi sa kanyang isipan si Justin kaya naisipan n'yang puntahan ito, pero sa kanyang pagbangon ay bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang doktor at dalawang nurse.

"Ms. Alterro, you're awake. Good morning." Bati sa kanya ng doktor habang ang isang nurse ay nakatayo na tila may sinusulat o binabasa sa hawak nitong papel. Ang isang nurse naman ay may kinakalikot sa kanyang swero.

"Good morning din po doc. Pwede na po ba akong lumabas ngayon?" she asked politely. Gusto nya kasi na sumama sa paghatid sa kanyang nobyo papuntang airport. Tumango naman ang doktor sa kanyang katanungan kaya agad siyang napangiti. Ngunit sinabihan siya nito na kailangan niyang puntahan ang isa pang espesyalista na nag-aantay sa kanya sa isa pang silid. She knew what the doctor was talking about, so she immediately went out of the room.

Hinanap nito ang pangalang Rona E. Dominguez sa ikatlong palapag ng ospital at nang makita ito ay agad siyang kumatok at pumasok sa silid. Buti nalang at wala pang pasyente na nakapila kaya mabilis siyang pinaupo ng taong kanyang hinahanap.

"Hi, Ms. Alterro. Please sit down. We need to talk and you need to listen to me carefully."

Nanginginig na naupo ang dalaga habang nakatingin sa kaharap na nagsasalita. Kahit pa kabado ito ay wala siyang magawa kundi makinig dahil ikakabuti iyon ng katawan niya.

Hindi nagtagal ay nakabalik na si Jace sa ospital. Dahil mas mauuna n'yang malalagpasan ang kwarto ng kapatid ay agad n'ya itong sinilip ngunit nagtaka ito dahil wala ang taong kanyang hinahanap.

LSS: CLOSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon