PAGKALAPAG ng eroplano sa airport ay dinig n'ya ang sigaw ng kaibigang si Jazy habang kumakaway ito na nakatingin sa kanya. Hindi niya akalaing sasalubungin s'ya nito sa terminal 3, kaya naman tuwang-tuwa niya itong yinakap.
"How are you? Sinong kasama mo?" Regina asked her. May kasama kasi ang kaibigan na lalaking mukhang artistahin. Agad niyang kinurot ang tagiliran ng kaibigan dahil ngingiti-ngiti itong kinikilig.
"This is Andre, boyfriend ko. Andre, meet Regina." Pagpapakilala nito sa dalawa. S'ya yung sinasabi kong kaibigan ko." Nginitian naman ito ng dalaga at nakipag kamay. Pansin n'yang masaya at mas maaliwalas ang mukha ni Jazy kumpara noong huli silang magkita. Nang mga oras na iyon ay dumiretso sila sa bahay ni Regina sa Makati, pagkatapos ihatid ay nagpaalam din muna si Andre sa dalawa para naman makapag bonding ang mga ito.
"Teka, ano na nga palang lagay n'yo ni Jace? Have you guys talked?" Tanong ni Jazzy habang nagtitimpla ng juice at linapitan ang kaibigan na tila malalim ang iniisip.
"Hindi e, hindi kami nakapag-usap. Hindi ko na nga alam kung paano s'ya makakausap, miss ko na yung lalaking 'yun," she said in a dismayed voice. Ang katawan niya ay nasa Pilipinas pero ang isip nito'y naiwan sa Seoul. Ni hindi niya alam kung makakapag concentrate ba ito ng maayos sa trabaho. S'ya pamandin 'yung taong madaling madistract. Lumunok ito at liningon ang kaibigan.
"Oh, wag mo akong tingnan ng ganyan. Sinabihan na kita, matagal na." Panlalaki ng mata ni Jazzy rito. Magsasalita pa sana si Regina pero alam niyang wala din namang mangyayari kaya ininom na lang nito ang juice. Inilabas niya ang cellphone at napunta sa gallery, habang tinitignan ang mga kuha ng binata ay isang litrato ang pumukaw sa kanyang attensyon. Bigla itong napatigil at napatingin sa malayo.
"What's your ideal wedding?" he asked her. Nakahiga ang binata sa paanan ng dalaga habang nakatitig sa kanya na nakangiti.
"Mmm, I want a romantic oceanfront setting, beach wedding! Isn't it nice while the wind and waves sing their praises over our union?" Kilig na sagot n'ya. Agad itong tumayo at inaya ang binata na sumayaw.
Kahit natatawa ay tumayo si Jace at nakisayaw naman sa kanya. Kahit walang musika ay nagsasayaw ang mga ito na parang walang iniisip na problema. They suddenly stopped dancing as he gazed down at her with a solemn expression and pure adoration.
"You're so beautiful," he uttered.
Biglang nagbalik tanaw ang dalaga habang inaaalala ang mga nakaraan kasama ang binata. Her tears burned her eyes.
"Girl, taha na. Umiiyak ka nanaman." wala itong nagawa kundi bigyan nalang ng isang mahigpit na yakap ang kaibigan. Regina wiped her tears and once again gazed at their photo.
"Bakit parang wala lang sa kanya lahat? One day we were happy, the next day we were strangers," she couldn't believe it.
Magsasalita pa sana s'ya nang mag-vibrate ang cellphone nito. She just received a message from an unknown number. Napaangat ang kaliwang kilay ng dalaga ngunit agad din itong napangiti ng mabasa ang mensahe. Si Jazy naman ay pasimpleng sumisilip sa cellphone ng kaibigan at nagtaka sa reaksyon nito. Ang kanina kasing malungkot nitong mukha ay biglang umaliwalas.
"Who is Justin?" Malakas na boses na tanong ni Jazy. Kamuntikan pa itong natumba sa sofa dahil sa kakatitig n'ya cellphone ng katabi.
Agad namang napatayo sa kaba si Regina dahil rito. Nagulat kasi s'ya sa biglang nagsalita malapit sa kanya, kaya agad na binalik nito ang tingin sa hawak na phone bago nagsalita.
"Hindi ko pa nga pala nakwento sayo. I mistook him as Jace when I was waiting for him at Daechon," she said sadly.
Nakangiting hinila ni Jazzy ang kamay ng kaibigan upang makaupo sa sofa. Para itong isang marites na matagal na hindi nakasagap ng chikka kaya naman excited itong nakinig sa kwento ng dalaga.
BINABASA MO ANG
LSS: CLOSE
RomanceHe couldn't hold back tears as he read aloud, 'If I had to choose again, I'd still choose our journey together. I'd still choose you.' During his travels in the Philippines, Jace Park, a famous K-pop idol, unexpectedly found himself on a tropical is...