Chapter 21

62 12 6
                                    


MADALING nahanap ng binata ang Cafe na sinabing kapatid. Pagkapasok nito ay agad n'yang nakita si Justin at kinausap.

"What happened?" he asked with a worried face. Pero hindi ito nakarinig ng sagot. Instead, he was given a death stare. Nagtitigan ang dalawang binata na para bang nagbabangayan sa kanilang sariling mga isip. "Ya, don't look at me like I'm not your older brother." Sabi nito sa kanilang pangunahing lenggwahe.

Hindi inalis ng nakababatang kapatid ang pagkakatitig nito at humigop sa tasa ng kapeng nasa kanyang harapan. "Bakit hindi mo siya pinuntahan nung araw na inaantay ka niya? Didn't you know she waited for hours before her flight?" Titig na tanong nito sa kapatid.

"What? Nag-antay siya saan?" takang tanong nito. Alam niyang wala silang naging usapan ng dalaga, isa pa ay nag-antay din ito sa airport, yun nga lang ay sa maling lugar.

"See? Hindi ko kayo maintindihan," Justin breathed a sigh of frustration. "She waited at Daechon beach for you and I was there. He thought I was you. He even gave me a back hug." Sinasadya nitong sabihin ang huling linya para makita ang reaksyon ng kaharap, and he wasn't wrong. Alam n'yang panlalakihan s'ya ng mata nito.

"She what? Why did she do that?" His forehead creased. Kita n'yang napakamot sa batok si Justin tsaka s'ya muling nagsalita.

"Kasi nga akala niya ako ay ikaw," his brother said with annoyance.

Napasandal sa upuan si Jace at napahawi sa kanyang buhok. He didn't bother to tell his side of the story because it didn't even matter. What's done is done. "So what's the plan?" Jace looked at his brother, ngunit matalim na tingin ang ibinalik nito sakanya.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong n'yan sayo? What's your plan?"

"I'm going to see her because we need to talk. Even if she doesn't want to, she would have to face me. Ipipilit ko ang sarili ko." Pagkatapos ay tumayo ito at umalis. Tinignan lang ito ni Justin palayo at nagkibit-balikat.

Sa labas ng gate ay hindi mapakali si Jace dahil hindi n'ya alam kung paano papalabasin si Regina. Pasilip-silip ito sa loob na para bang myembro ng isang akyat bahay gang at pinagaaralan ang lokasyon. Nagulat nalang ito dahil sa isang boses ng bata.

"Pst kuya, anong ginagawa mo r'yan?" sitsit sa kanya ng isang batang lalakeng malusog.

Gulat na napalingon ang binata at pinagmasdan ang batang kyut habang kumakain ng icecream. Inayos nito ang suot na sumbrero atsaka muling tinignan ang bata.

"Ah, wala. Tinitignan ko lang kung nasa loob 'yung girlfriend ko," pagpapaliwanag nito tsaka umakto na para bang inaantay nito ang paglabas ng dalaga.

The kid gave him a doubting look while he took a bite to his ice cream cone. "Bakit hindi n'yo po gamitin 'yung doorbell? Kanina pa po kayo pasilip-silip d'yan. Baka po pagkamalahan ka na magnanakaw," seryosong sabi nito.

Napaangat ang kaliwang kilay ni Jace dahil may punto nga naman ang bata. He shifted his gaze to the doorbell, then nodded as he pursed his lips, forming into a pout. 'Oo nga naman. Why don't I just use it?' Agad n'yang nilingon ang bata, nang bigyan s'ya nito ng sarkastikong ngiti. He immediately pressed the doorbell and after a minute, a lady in a beautiful peach dress came out.

Jace faced the stone walls and was still composing his thoughts when he heard the gate opened.

"Ate Regina! Kanina pa po may sumisilip sa bahay n'yo," sigaw ng batang lalaki at agad tinuro ang binata. "Ayan po oh, sabi n'ya girlfriend ka daw n'ya. Totoo po ba 'yun ate?" Sabay turo nito sa binata na nahihiyang nakatayo sa gilid ng gate habang pinanglalakihan s'ya ng mata.

The woman's forehead wrinkled to what she heard and turned to her right. "What are you doing here?"

"We need to talk," the guy quickly answered. Akala n'ya ay paalisin s'ya ng babae pero tahimik s'ya nitong pinagbuksan ng gate at pinapasok sa loob. "Thank you," he whispered.

LSS: CLOSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon