Chapter 7

207 34 8
                                    

"Good morning villa hannam-dong! Good morning girl!" Bati ni Jazzy na mukhang maganda ang gising. Kunot noong tinignan ni Regina ito habang naka-upo.

"Ganda ng gising natin a? Anong meron?"

"Anong anong meron? Maganda ang gising ko kasi kumpleto ang tulog ko!" Sagot ng kaibigan sabay tawa.

"Oo nga naman, sino ang hindi maganda ang gising pag ang tulog mo ay umabot ng kinse-oras."

Napatingin ang kaibigan sa wall clock at napagtantong mag alas-onse na pala ng umaga. "Grabe, happy lunch na pala dapat. O ikaw, anong meron at nakatunganga ka jan sa pintuan?" Tanong nito kay Regina habang nakapamaywang.

Iling lang ang naging sagot ng dalaga sa sa kanya ngunit maya-maya ay nagsalita din ito, "Nothing," she answered.

"Anong nothing? Teka, don't we have a date today?" Muling tanong ng kaibigan na ngayon ay nakatunganga na din sa harap ng pintuan.

"Date? Saan ba magandang puntahan dito?" Tinatamad talaga akong gumalaw pero sayang naman ang araw kung papalipas lang tayo sa villa." Sagot ni Regina sabay kamot sa kanyang ulo. She wanted to go out, but she felt like kulang siya sa tulog. Nakaramdam nalang siya ng pagkabigla ng biglang magsalita ang kaibigan na ngayon ay nasa kanyang harapan na pala.

"Alam ko na! Stalk kaya natin sila? You know, the oppa's." Jazzy giggled.

Regina rolled her eyes as soon as she heard this. "Gaga ka! Bakit mo sila iistalk. Mamaya mapag-kamalan pa tayong..ano ngang tawag yun? Yung bang parang obsessed ka na sa idol mo. Basta 'yun! Hay nako, hanap nalang tayong ibang mapagkaka-abalahan. Ikaw kasi, dito mo pa napiling mag renta, bukod sa mahal, e mahal pa mga kainan."

Nagpakawala nalang ang dalaga ng isang malalim na hininga. Hindi lang talaga sya mapakali. She's been having weird dreams lately. Wet dreams, to be exact.

PAGBANGON ni Jace ay dumiretso ito sa sala nang mapansin na wala si Ross. They don't have schedules for today, kaya naisip nitong lumagi nalang sa bahay. He felt bored. Kaya naglaro ito ng mobile games, pero maya-maya pa ay parang hindi ito mapakali. Para bang may gusto s'yang makita pero hindi n'ya alam kung sino. Well, he actually knows who he wanted to see. He just doesn't want to admit it.

He searched up her name on twitter, but didn't find her. He tried facebook, but to no luck, he still didn't find her on any of these platforms. 'Does she even use these apps?' he sighed. 'Ah! Maybe she uses Instagram.' Sabi nito sa sarili, and he wasn't wrong. Nahanap nga n'ya ang account nito, but it was set in private. He smirked as he created a new account.

HABANG nag aayos ng sarili ang dalaga ay tumunog ang cellphone nito. It was a notification from her IG account kaya agad nya itong binuksan para tignan. It was a message request from '@xy23hsdlebdkd.'

'Hi!' May kasama pa itong emoji na naka wave. Napakunot noo ang dalaga dahil bukod sa weird and username na halatang newly created account ay hindi pa n'ya ito kilala. She visited the profile, but it was set on a private, ni walang display profile. Hindi na lang n'ya ito pinansin at nagpatuloy sa pag-aayos.Maya-maya ay tumunog muli ang cellphone nito and another message appeared.

'@xy23hsdlebdkd'

'Hello,' with a smile emoji. Hindi lang isang beses ang pagka send ng hello kundi tatlo. Immediately, she blocked this person. 'Aba'y parang ewan.' Hindi nalang magpakilala para matapos na. Nagrereply naman siya sa mga messages pero kung puro 'hi' at 'hello' lang ay di na nya binibigyang pansin ito.

'NO response?' Takang sabi ni Jace sa sarili. Magpapakilala na sana s'ya nang biglang blocked na pala s'ya rito. Hindi makapaniwala ang binata kaya iwinasiwas nito ang kanyang cellphone. 'Why do I even have to send her a message?' He rolled his eyes like a six-year-old kid and frowned.

LSS: CLOSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon