Chapter 10

196 32 5
                                    


"ZAC? Hoy, Zee Axl Castiglione!!" Sa lakas ng sigaw ni Regina ay sino ba naman ang hindi mapapalingon? Agad na napatingin ang binata sa kanyang direksyon. Pinagmasdan n'ya ito ng saglit at maya-maya ay nakangiti itong lumapit.

"Elia Regina Alejandra Alterro, 'di ka na nga tumangkad pero lunok mo pa rin 'yung speaker!" Tawang sabi nang gwapong binata.

"How are you? Teka, anong ginagawa mo dito?"

"Doin' good. Tagal nating 'di nagkita ah. I'm with Cali, remember her? Classmate natin nung grade school. Sinamahan ko lang, she just met her colleague to congratulate her. By the way, congrats!" Itinaas nito ang kamay upang makipag-appear sa dalaga.

"Thank you! Teka, Cali?" Napamangha ito nang maalala ang tinutukoy ng binata.

"'Yung maganda at mayaman? Yung crush mo dati kaya mo binully?" Sabay tawang hampas ng dalaga sa balikat nito.

"Ssh, your mouth," saway nito at natawa. Regina and Zac became close friends since elementary days dahil best of friends din ang kanilang mga magulang. Kahit pa hindi naging magkaklase ang mga ito noong high-school ay hindi pa rin sila nawalan ng koneksyon at hindi nakakalimutang mag-kamustahan.

"Ay oo nga pala, this is my best friend." Hinarap nito ang kaibigang kanina pang siya'y kinukurot-kurot sa tagiliran at bumubulong na ipakilala sa gwapong kausap nito.

"Hi, Jasmine Zybert Perez, call me Jazy." Nakangiti na inabot nito ang kamay sa binata. Ngunit bago paman maglapat ang kanilang mga palad ay agad na dumating ang nobya nitong si Cali.

She stared at them and gave a bratty look. Napansin ni Regina ito kaya nag-paalam na lang siya sa kanyang kababata.

"We have to go. It was nice to see you again. I'll get you nalang a coffee next time." Sabi nito kay Zac tsaka hinila ang kaibigan paalis sa lugar.

"Grabe naman yung babaeng yun. Nakita mo ba yon? Kung ako sayo tinusok-tusok ko na mata nun. Makikipag-kamay lang e!" Jazy ranted. Naiinis ito dahil sa nobya ni Zac.

"Hindi manlang dumapo kamay mo sa palad niya." Pang-aasar ni Regina.

"Nakakainis talaga. Uy girl, reto mo naman ako sa kanya. Kilala mo naman ako e, sige na."

"Are you crazy?" Sabay palo ng dalaga sa p'wetan ng kaibigan.

"Alam mo namang may girlfriend na yun, anong gusto mo, gulo?" dugtong nito sabay tawa.

"Basta ha? Pagsakaling mag-break sila, sabihan mo ko. I-cocomfort ko agad yun tapos mafafall siya sakin." Kilig na kilig ito habang nagpapantasya. May pahampas pa ito ng kamay at patakip ng unan sa mukha. "Don't forget to tell me if break na sila."

Wala namang nagawa ang dalaga kundi tumango na lang dahil kung hindi ay lalo lang syang nitong kukulitin. Two months after being hired from their current jobs, both ladies went to a club. Aside from traveling, hindi mahilig magclubbing ang mga ito, but they decided to unwind. Minsan lang naman sila magkaroon ng talagang vacation nila so bakit di pa nila sulitin. Pumasok sila sa isang sikat na bar sa Makati and there, they enjoyed themselves. Mataas pareho ang tolerance sa alcohol ng magkaibigan and they know their limits.

They again talked about how fun their night is. Pagkatapos ng kinse minutos ay muling nag-shot ng tequila si Jazzy, pagkainom nito ay natanaw niya sa di kalayuan ang isang binata kaya naningkit ang mga nito at minumukhaan ang lalake. Hey eyes suddenly opened wide as he realizes him.

"Reg! 'diba that's your kababata? Uy, tignan mo!" Yugyog nito sa braso ng kaibigan. Tumango naman ang dalaga nang mapag-tantong si Zac nga ito.

"Zac!" Regina shouted, which he turned and looked at them. Agad niyang sinenyasan ito para lumapit sakanila. Maya-maya pa ay lumapit din ang binata.

"Hey, Era! It's you again." Era ang tawag nito kay Regina, shortcut for her name. Ganun din naman ang dalaga dahil mahaba din ang pangalan ng kababata kaya napag-pasyahan nilang initials nalang ang tawagan nila.

"Hello Jasmine!" Bati din nito at umupo malapit sa tabi ng dalaga. Her friend felt this kilig factor habang tinititigan ang lalaki. "Good to see you both again."

"Yeah. Minsan lang naman to kaya sinusulit na namin." Sabi ng kababata.

"I see. Kaya pa for another round?"

Nanlaki nanaman ang mga mata ni Jazy sa narinig at natawa. Sinaway naman ito ng isang dalaga dahil alam niya kung ano ang iniisip nito.

"Cheers!" At sabay sabay nilang inininom ang laman ng kanilang shot glass. Muli na namang, tumugtog ang musika but this time, it's a sweet song. Isa-isang nag sitayuan ang mga binata para makahanap ng makakaparehang dalaga and Jazy was actually waiting for Zac to ask him for a dance, hindi naman nasayang ang paghihintay nito dahil inaya nga s'ya nitong sumayaw.

"Jazy, right?" Ngiting tumango ang dalaga. Hindi pa man nagsasalita ang binata ay inunahan n'ya ito.

"Yes. Let's go?" Excited na sabi nito. Napangiti din si Zac dahil hindi mahiyain ang kaibigan ng kababata nito.

"Yeah, I was about to ask you if you would be interested in dancing with me. Let's go." Sabay iniabot ang kamay sa dalaga. Para namang bulate na binuhusan ng asin ang dalaga dahil kilig na kilig ito habang nakikipag sweet-dance sa kaharap.

'Hay, Jazzy.' She smiled and laughed at the same time dahil sa itsura ng kaibigan. Ilang oras pa ang lumipas ay nagpasya na ang mga ito na umuwi. Alas-dos na din ng madaling araw at kelangan padin nilang makatulog kahit ilang oras lang. As Jazy and Zac exchanged numbers, tinignan ni Regina ang mga ito ng may halong pagdududa.

"Kayo ha, baka mamaya makarating to kay Cali, ano ang isipin nun."

Hindi naman kumibo ang dalawa at nagpaalam na ang binata sa mga ito. Isang mahinang palo sa pwet ang ibinigay ng dalaga sa kaibigan pagpasok nila sa kanilang tinutuluyan.

"Aray! What is that hampas for?" she laughingly asked.

"Nag-kiss kayo no?"

"Uy, di ah! Wala pa kami dun uy!" Sabay iwas na sagot nito. Isang malalim na tingin naman ang ibinalik ng kaibigan.

"Alam mo naman na kung ano ang tama at mali, so I trust you," she said. Ngiti naman ang isinukli ni Jazy sa kanya.

Months have passed at nasanay na ang dalawang dalaga sa kanilang routine. Gigising ng maaga dahil sa call time, mag-aayos, mag-iimpake, flight and repeat. They are best-of-friends; they share secrets, happiness and sadness, but for Jazy, their friendship ended the moment she found out that Zac has another woman. Except for Cali, because she was told they broke up. But who else could she think of?

That was two years ago. Kinimkim ni Jazy ang sakit na naramdaman n'ya noong nalaman n'yang hindi siya mahal ni Zac. She gave everything, but what did she get? Pain.

Ngumisi si Jazzy habang inaalala ang mga nangyari. It took her two years to plan for a revenge at heto nga, nakahanap na s'ya ng pagkakataon. Pinalabas nitong pariwara ang dalaga dahil alam n'yang nakakaapekto ito sa kanilang trabaho. Hindi lang 'yun, she was also bullied online at alam n'yang para kay Regina ay masakit ito.

"Tawagan mo parin ako ha, atsaka wag mo lagi kalimutan mag-lock ng pinto sa condo. Napaka-forgetful mo pamandin. Alam mo namang andaming masasamang tao ngayon." Paalala ni Regina sa kanya.

Nagbalik tanaw si Jazy at nakaramdam nang kung anong kirot ang dahil sa sinabi n'ya. Napaka maalalahanin kasi nito at ang turing sa kanya ay parang kapatid na din. Kung hindi lang naman nangyari ang mga yun ay hindi ito magtatago ng hinanakit sa kanya.

"Uy! "Tapik ni Regina sa kaibigan ng mapansing hindi ito sumagot.

"Ah, oo naman. I won't forget," she answered, and faked a smile. 'I won't forget how painful it was to be dumped by someone you love. And the worst is, someone caused this pain from the one you trust. I won't forget everything, Regina.' she said in her thoughts.

"Tara, nagluto ako ng sinigang na baboy, my kimchi din dito." Aya ng dalaga sa kaibigan. Pansin nitong may malalim na iniisip ang dalaga, but she didn't dare to ask questions about it. Regina noticed a slight change in their friendship when Jazzy and Zac broke up. Ayaw din naman nitong pag-usapan pa ang kababata kaya naisipan n'yang wag na lang itong tanungin. Only if she knew that her best friend would fall in love with her childhood friend ay nawarningan na sana n'ya ito. 'That playboy!'

LSS: CLOSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon