Chapter 3

244 41 22
                                    


Sa loob ng hotel ay hindi maalis ng dalaga sa isipan ang gwapong mukha ng binata. Pilit n'yang ibinabaling sa ibang bagay ang kanyang atensyon ngunit hindi n'ya maiwasang isipin ito. For a moment, she looked confused, but she approached her friend to tell what was bothering her.

"Jazzy, naalala mo yung nangyari sa kapatid ko? Yung lalaki na pinuntahan natin sa event, and the guy at the cafe, siya yung nag-ahon kay Marga." she said as her eyes expresses astonishment. "It was him."

Gulat na napatitig ang kaibigan sa dalaga at inaya itong umupo sa dulo ng kanilang malambot na higaan. "What? You mean that gorgeous hot guy named Jace?" nakangiting tanong nito.

Regina nodded in reply. "I just feel bad because I wasn't able to see him after what happened. Kahit papaano sana nakapag-pasalamat ako.

Jazy pouted back as she lied down the bed with her hands rested at the back of her neck. "Yeah, 'diba nga muntik na daw s'yang matangay ng alon?" She looked at her friend, who again nodded. "Isn't it strange? Death anniversary ni Marga ngayon tapos nagkita din kayo this same date?"

Napaisip ito sa sinabi ng katabi bago sumagot, "Nagkataon lang siguro lahat."

Hindi na nagsalita pa ang kaibigan dahil nakapikit na pala ito. Both of them were tired since after landing from their last flight ay dumiretso agad sila sa event. Hindi namalayan ni Jazy na nakatulog na pala ito dahil sa pagod.

Umayos naman ng higa si Regina at muling napaisip, 'Nagkataon nga lang ba?' Sa kakaisip ay nakatulog na 'din ito. That night, a flash of a dream went through her mind.

Regina jumped into the water and wandered into the sea. Nang mamatay ang kapatid ay taon taon itong bumabalik sa Coron to unwind, isa pa ay lagi syang sumisisid para hanapin ang isang bagay na nawala ng kanyang kapatid. It was a key necklace that was given to her sister by their late mother, nawala ito ng kapatid bago mangyari ang insidente. She knows it's not possible for her to find it pero nagbabakasakali ito.

Nawala sa isip ng dalaga ang hinahanap ng mabunggo ang isang lalaki, hindi man nito makita ng buo ang mukha ay alam nyang gwapo ito. Nagbalik ang tingin nito sa mga isda at nang mapansin nito na dapat kanina pa s'ya naka-ahon. Lalangoy na sana s'ya paitaas nang biglang may isang lalaki ang tumalon mula sa isang yate at lumangoy papunta sa kanya.

This time, mas natitigan nya ng malapitan ang mukha nito. Sinenyasan s'ya ng lalaki na lumangoy paitaas kaya agad na lang itong sumunod, ngunit sa hindi inaasahan ay biglang may pating na sumunggab sa lalaki.

Regina woke up from her dream and was shaky. Pakiramdam nya ay nasa tabi-tabi lang ang malaking hayop na sa anumang oras ay pwede s'yang kainin.

'Why do I keep dreaming of that scene?' Bumaliktad ito ng pwesto at agad namang n'yang nakuha muli ang tulog.

Kung gaano kahimbing ang tulog ng dalaga ay siya namang hindi makatulog ang binata. Jace was wide awake while holding a key necklace in his hand.


'Oppa, can I tell you something?'

'Sure, what is it?'

'Do you have a girlfriend? If you don't , can you marry my sister? '

'Marry her? Why?'

'She's cold, but she's nice. She can't cook, but she can eat well. If you bump into my sister, date her.'


Bigla muli naalala ng binata ang sinabi ng batang dalaga ng lapitan s'ya nito upang makahingi ng litrato. He saw the necklace fell from the young girl as she left the place in a hurry. Hindi na n'ya ito nahabol dahil biglang nagsalita ang staff na kailangan na nilang bumalik sa hotel.

LSS: CLOSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon