KABANATA 2

25 3 0
                                    


Naglalaba si Dahlia ng kaniyang mga damit ngunit dinig na dinig niya ang halinghing at tawanan ng kaniyang ina at ng kasama nitong lalaki sa loob ng kwarto. Alam niyang masama 'yon para sa kaniya na isang musmos na bata ngunit wala siyang magawa. Mas inintindi na lang nito ang ginagawa nang mapatingin naman siya sa aleng huminto sa unahan niya. "Dahlia, nariyan ba yung nanay mo?" tanong nito sa kaniya.

"Nasa loob po. Busy e," tugon ni Dahlia. Napatango na lang ang ale dahil naintindihan kaagad nito ang ibig sabihin niya.

"Naku! Ano ba 'yang nanay mo. Matagal ng hindi nagbabayad ng utang sa tindahan ko. Mahigit isang libo na. Pakisabi na lang sa kaniya, ha?" pagpapaalala ng ale. Tumango at ngumiti na lang si Dahlia bilang tugon. "Tch! Dapat kasi bayad muna bago landi," Dinig ni Dahlia na sabi ng ale nang makaalis ito. Huminga na lang siya nang malalim at saka muling itinuon ang ginagawa.

Mahigit dalawang oras ang iginugol niya sa paglalaba at sa wakas ay natapos na rin ito. Kasalukuyang nagsasampay ng damit si Dahlia nang makita niya ang kaniyang ina at lalaki nito na lumabas mula sa kwarto. Hindi siya tumingin nang matagal dito dahil ayaw niyang isipin nilang baka nakikinig siya sa kanila.

"Sige na. Babye. Sa susunod ulit!" sabi ni Felina sa lalaki habang naglalakad na ito palayo. Nagbilang na rin ito ng pera dahil binigyan siya ng lalaki. Nakita naman ni Dahlia ang ginagawa ng ina. "Oh anong tinitingin-tingin mo?! Tuunan mo nga 'yang ginagawa mo! Palibhasa wala kang silbi!" biglang sabi ni Felina nang makita niyang nakatingin sa kaniya ang anak.

"Ahmm... 'Nay, sabi po pala nung may-ari ng tindahan sa--"

"Saka na ako magbabayad. Kakasweldo ko lang e. Sabihin mo sa kaniya pagtapos mo r'yan. At ito, gusto kong bumili ka sa palengke ng pampulutan at umutang ka ulit ng alak. May bisita ulit ako mamaya," tugon kaagad ni Felina at saka hinagis ang isang daang piso. Tinignan lang 'yon ni Dahlia bago pa man muling umalis ang kaniyang ina.

Matapos niyang magsampay ng kaniyang mga damit, kaagad siyang naglakad upang magtungo sa palengke. Bumili ng karne at mga pampalasa upang magluto ng pulutan ng kaniyang ina. Pagtapos, pumunta siya sa ibang tindahan at doon ay umutang ng alak para sa kaniyang ina at sa bisita nito. Maraming pinag-utangan ang ina ni Dahlia ngunit hindi binabayaran.

Kinahapunan nang magsimula na siyang magluto at saka inihanda ang pulutan nang maluto na ito. Maghapon ding wala ang kaniyang ina dahil alam niyang nasa iba't ibang lalaki niya ito upang makiinom at manghuthot ng pera. At sa ilan pang lumipas na minuto, dumating na rin ang kaniyang ina kasama ang bago na namang lalaki.

"Dahlia, ipasok mo nga sa kwarto ko yung mga alak tsaka pulutan. Dito kami iinom para mas enjoy," utos ni Felina sa anak. Kaagad namang sumunod si Dahlia at saka siya tinulak ng ina palabas ng bahay pagtapos. "D'yan ka lang. H'wag na h'wag kang papasok," paalala nito bago isara ang pinto.

Naupo na lang sa tapat ng pinto si Dahlia at naghintay ng matagal na oras para lang matapos ang kaniyang ina at ang kasama nito sa ginagawa. Halos hatinggabi na nang matapos sila at nagising na lang bigla si Dahlia mula sa pagkakatulog. Pumasok na siya nang sabihin ng kaniyang ina bago nito isinara ang kanilang pinto.

At kinabukasan sa kaniyang paggising, lumabas siya ng bahay nang makarinig siya ng pamilyar na boses sa labas. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita ang ina na nakikipag-sagutan sa tindera na pinag-utangan nito ng libo.

"Puro ka landi! Hindi ka marunong magbayad! Hindi pa ba nagsasawa sa mga lalaki? Hindi pa ba nawawakwak 'yang puday mo?! Lahat na halos ibigay mo pero utang mo hindi mo mabayaran!" sunod-sunod na putak ng tindera.

"Anong pakialam mo?! Masarap kasi ako! Palibhasa, matanda ka na! Walang pumapatol sa 'yo. Kapag ako nagkapera, ipapalamon ko sa 'yo lahat ng pera! Mukha kang pera!..." sunod-sunod namang putak ni Felina.

✔ | Titser DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon