"Sabihin mo sa 'kin kung nasa saan si Armano Imperial. Sabihin mo!" tanong nito sa isang duguang tauhan ni Armano habang kinukuwelyuhan ang damit nito at nakatutok din ang kaniyang baril sa noo nito. "Nasaan?!""H-Hindi ko sasabihin. W-Wala kang malalaman s-sa 'kin," pagmamatigas naman ng lalaking 'yon. Napadaing na lang din ito nang likuran siya ni Dahlia. Nakita na lang ni Dahlia ang cellphone nito kaya't kinuha niya 'yon at hinanap kung may numero si Armano rito. At sa ilan pang mga sandali nang tinatawagan na niya ito.
[Bakit ka tumatawag? T*r*nt*do ka. Nagpapahinga na ako.]
"Ang lakas naman ng loob mong magpahinga, Armano. Buti at pinapatulog ka pa ng konsensya mo. Pero kung gusto mong magpahinga, sige, itutuloy-ituloy na natin 'yan."
Nanlaki na lang ang mga mata ni Armano nang makarinig ng isang babaeng boses mula sa kabilang linya. [Lintek ka, Dahlia. Buhay ka pa rin pala,] mariing sabi nito sa guro.
"Hindi pa ako mamamatay, Armano. Dahil hindi ko pa oras. Pero tingin ko sa 'yo, baka ito na ang katapusan mo. H'wag mo na akong paglaruan, Armano. Bakit? Naduduwag ka ba sa 'kin?" tanong ni Dahlia na nakapagpainsulto naman sa kaniya.
[Hindi ako duwag! Bakit ako maduduwag?! Who are you, b*tch? Isa ka lang gurong walang alam kundi ang maghiganti kahit alam naman natin na wala ka lang mapapala.]
Napangisi si Dahlia bago nito tugunan si Armano. "Talagang sinadya kong maging guro para maturuan ka lang ng leksyon."
KAAGAD nagtungo si Dahlia sa lugar kung nasa saan si Armano. Iniwan niya ang kaniyang walang buhay na kapatid na si Sonia sa hospital matapos niya itong takpan ng tela. Ngayon, handang-handa na si Dahlia na tapusin ang kanilang laban.
At sa ilang saglit ng kaniyang pagbyahe, bumungad na sa kaniyang harapan ang resort kung nasa saan sila. Pinasok niya ang kaniyang sasakyan at bumaba pagtapos. Ikinasa na rin niya ang kaniyang baril bilang handa sa mangyayaring kaguluhan.
"Armano!" sigaw nito na umalingawngaw sa buong paligid. Nakita na lang niya kalaunan ang paglabas ng mga tauhan ni Armano Imperial at maging ito. Nabigla na lang siya nang makita niya si Bernard na pinahirapan nila nang sobra. Mas lalo siyang naawa nang makita ang kanang mata nito na nagdurugo. "P*t*ng*na mo. Anong ginawa mo sa kaniya?" tanong nito.
"Malamang, pinahirapan ko. Pinalasap ko lang naman sa kaniya yung impyernong sinasabi niya sa 'kin. Pambayad na rin para sa ginawa ninyong pagsunog sa mansyon ko," mariin namang tugon ni Armano. "Ang lakas din ng loob mong sumugod dito na mag-isa. Bakit? Anong ipinagmamalaki mo? Babae ka lang at nag-iisa. Wala ka sa mga bata ko, Dahlia Perez. Pero kung ayaw mong mamatay, ibigay mo sa 'kin ang tape."
"Tss! Hindi ako tanga, Imperial. Ibigay mo sa 'kin si Bernard at ang mga binihag mo. Ibibigay ko sa 'yo 'to," tugon naman ni Dahlia. Natawa habang napapailing na lang si Armano.
"Mautak ka rin, ano? Hmm... Ilabas ang mga lintek," sabi ni Armano. Maya-maya nang bumungad kay Dahlia sina Berina, Semir, MetMet at ang kaniyang kaibigang guro na animo'y pagod na pagod na at hinang-hina. "Nandito na sila. Akin na ang tape."
"Ul*l. Dalhin niyo sila sa gitna at nang masigurado ko," sabi pa ni Dahlia bilang paninigurado.
"P*tang - dalhin niyo na nga 'tong mga 'to. Bilis," naiinis na sabi ni Armano. Dinala naman ng mga tauhan niya ang mga binihag niya. Kabilang si Bernard. Naupo na lang sila sa sahig sa sobrang panghihina. Dali-dali namang lumapit sa kanila si Dahlia at hindi niya alam ang gagawin sa mga ito.
"Barnard. Kayo. Kayo. Ayos lang ba kayo?" buong pag-aalalang tanong niya sa mga malalapit sa buhay niya habang namumuo ang mga luha niya. Samantala, napukaw na lang sa pansin ni Semir ang baril na nakaipit sa suot ni Dahlia. Kinuha niya 'yon kaya't napatingin sa kaniya ang kapatid.
"Hindi p-pa tapos..." mahinang sambit ni Semir sa kaniya.
"Hoy, teacher. Nasaan na ang tape? Bilis!" biglang sabi ni Armano kaya't tinignan siya nito.
"Dito lang kayo," pabulong na sabi ni Dahlia sa mga kaibigan bago siya tumayo. "Ito na ang pinakahihintay mo, Armano," sabi naman nito kay Armano at inilabas ang tape. Hindi batid ni Armano na sira sa gitna ang tape dahil natatakpan ito dahil sa pagkakahawak ni Dahlia. "Oh," sabi pa nito saka hinagis ang tape sa harapan niya.
Nanlaki ang mga mata ni Armano Imperial nang makita ang tape na sira at hati ito sa gitna. "Anak ng - " hindi na natuloy ni Armano ang pagsasalita nang mabilis na nagpaulan ng bala si Dahlia sa kanila. Kaagad umalis sina Semir upang magtago habang ang guro naman ay inalalayan si Bernard. Paatras silang umaatras habang patuloy sa pagbaril sa mga kalaban.
"Aray - " daing ni Bernard nang ilapag siya ni Dahlia. "D-Dahlia, tutulungan kita. B-Bigyan mo 'ko ng baril. Bilis," nauutal habang hingal na hingal na sambit ni Bernard dahil sa sobrang panghihina.
"Bernard, hindi na. Mahinang-mahina ka pa. Tutulungan ako ni Semir. Tumakas na kayo," pagtanggi naman ni Dahlia.
Akmang aalis na ito nang mabilis siyang hinawakan ni Bernard. "Hindi pwede. Sasamahan din kita. Bilis na. Akin na ang baril," tugon pa nito. "Hindi mo tungkulin ang patayin ang g*gong 'yon. G-Guro ka, Dahlia. Propsesyunal. H-Hindi k-katulad kong isang kriminal," nauutal pa nitong sabi nang hawakan niya ang kamay ng dalaga.
"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng lekasyon," mariin namang tugon ni Dahlia sa binata. "At hindi mo pa kaya. Bakit ba mapilit ka?" naiinis pa niyang tanong rito. Nahinto na lang ang dalaga nang tignan siya nito ng mata sa mata ni Bernard at hinaplos nang dahan-dahan ang kaniyang pisngi.
"Pipilitin ko dahil - dahil ayokong m-may mangyaring masama sa 'yo. Mahal kita, D-Dahlia." Hindi makapaniwala ang guro sa narinig niya mula sa bibig ni Bernard. Animo'y nasimentuhan ang buo niyang katawan sa kinaroroonan niya. Ngunit natigilan siya nang tuluyan at nanlaki pa ang kaniyang mga mata nang iabante ni Bernard ang mukha niya sa mukha nito. Hindi makapaniwala si Dahlia na ang unang hahalik sa kaniya ay walang iba kundi si Bernard.
"B-Bernard - "
"Lalaban tayo," mabilis namang sambit ni Bernard at nakita na lang ni Dahlia na nakuha na nito ang baril niya mula sa pagkakaipit sa suot niya. Mabilis silang tumayo at nagsimulang nakipagbakbakan sa mga tauhan ni Armano Imperial. Hindi nila ininda ang gutom, pagod at mga natamo nila mula kay Armano. Ang nais nila ngayon ay matapos na ang buhay nito sa ibabaw ng lupa.
Samantala, itinatakas naman ni Semir sina Berina, MetMet at ang isa pa nilang kaibigan. "Marunong ka magmaneho, hindi ba?" tanong ni Semir kay Berina.
"Ahh - Oo. Bakit?" tanong naman nito.
"Tumakas na kayo. Sige na. Tumawag kayo ng pulis. Tutulungan ko si ate Dahlia," paalam ni Semir. Dahil wala nang ibang choice si Berina, sinunod niya ang sinabi nito. Kaagad silang sumakay sa sasakyan at pinaharurot 'yon paalis. Samantala, kaagad namang bumalik si Semir para tulungan sina Bernard at Dahlia.
BINABASA MO ANG
✔ | Titser Dahlia
Action"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." *** Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang titser Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniya...