KABANATA 10

12 2 0
                                    


Habang patuloy na umaandar ang gabi, hindi mapigilan ni Sonia ang tignan nang tignan ang maliit na litrato ng kaniyang amang si Gregorio. Bagaman seryoso ang mukha ng dalaga ngunit bakas naman sa mga ito ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. Huminga nang malalim si Sonia dahil para sa kaniya ay isang napakalaking bangungot ang nangyari sa kaniyang ama.

Maya-maya pa, bigla na lang napalingon si Sonia nang may magsalita sa kaniyang likuran. "Hija, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito. Inipit ni Sonia ang litrato ng kaniyang ama at palihim itong tinago sa kaniyang likuran. "Anong ginagawa mo?" tanong pa nito sa kaniya.

"Ahmm... N-Nagpapaantok lang po. Inaayos ko lang po itong mga nasa ibabaw ng mesa ko," pagdadahilan ni Sonia saka ngumiti nang tipid. Tinignan lang siya ni Armano na tila ba'y hindi naniniwala sa sinasabi niya. Ngunit kalaunan, dahan-dahan itong lumalapit sa dalaga. Napatingin na lang sa kaniya si Sonia na parang ayaw niyang lumapit sa kaniya ang ama-amahan.

"Alam mo, Sonia, I missed you so much," sabi ni Armano nang makalapit sa kaniyang anak-anakan. Samantala, umiiwas naman si Sonia sa kaniya dahil naiilang siya rito. "Palagi kitang iniisip noong nasa States ka pa," sabi pa nito sa kaniya. Balak ilapat ni Armano ang kaniyang palad sa pisngi ni Sonia nang mabilis itong lumayo upang umiwas. Tila ba natigilan si Armano dahil sa ginawa ng dalaga.

"Please po, just leave me here alone. Magpapahinga na po ako," sabi ni Sonia at balak na mag-iba ng landas nang harangan siya ng kaniyang ama-amahan. Nahinto, nabigla at marahang nanlaki ang mga mata ni Sonia. Tila ba hindi siya nito tinitigilan.

"Why are you like that? Can't you see, hija? I'm--"

"Please po. With all your respect. You are my stepfather. You are my mom's husband. Please, respect that," sabi namang bigla ni Sonia. Hindi nagsalita pa si Armano at tila napaisip sa sinabi ng dalaga. Maya-maya pa, sabay silang napalingon nang magbukas ang pinto ng kwarto ni Sonia. Both were shocked when Abella enters the room. Hindi nila ipinahalata rito ang kabalbalang ginagawa ni Armano. Samantala, nakatingin naman si Abella sa dalawa. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga ito.

"Armano, nandito ka pala sa room ni Sonia. What's going on here?" tanong ni Abella sa asawa. Naglakad papunta sa kaniya si Armano habang nakapamulsa ang mga kamay nito bago siya tugunan.

"We talked about businesses she has to handle. And she said that because of your help kaya nagawa niya ang trabaho niya nang mabuti. I'm so much thankful, Abella. Hindi mo pinababayaan ang mga batang 'to," pagsisinungaling ni Armano. Ngumiti si Abella ngunit bakas na pilit lang 'yon. "Excuse me, may kailangan pa akong asikasuhin. Goodnight," huling sabi ni Armano saka naglakad paalis ng kwarto ni Sonia. Matapos nito, tinignan ni Abella ang kaniyang dalagitang anak na hindi naman makatingin ng diretso sa kaniya. Kalaunan nang mapagdesisyunan ni Abella na umalis na kaya't naiwang mag-isa sa kaniyang silid si Sonia. Huminga ito nang malalim at napaisip. Hindi talaga siya titigilan ng kaniyang ama-amahan, at baka mabuko rin ng kaniyang ina ang ginagawang kabalbalan nito sa kaniya.

Samantala, dumiretso sa kaniyang opisina sa kwarto si Armano upang kumustahin ang kaniyang mga tauhan sa gabing-gabi na transaksyon na kanilang ginagawa. "Oh, ano? Ano ng nangyari sa negosyo natin?" tanong nito sa sumagot niyang tauhan.

[Boss, nagkaroon lang po ng kaunting problema. Kulang po ang perang idinala nila kaya pinabalik yung tauhan nila para kumuha ng karagdagan. 'Yon lang naman po, boss,] sabi ng kaniyang tauhan. Napahimas sa mukha si Armano dahil kaagad itong nakaramdam ng inis.

"Punyeta naman! Bakit kailangan pang magkaroon ang lintek na transaksyon na 'yan ng kaunting problema? Hindi ba dapat inaasikaso 'yan ni Semir?! Nasaan ba si Semir?!" mahina ngunit mariing tanong ni Armano sa tauhan.

[E boss, hindi po namin siya kasama e. Ang paalam niya po sa 'min, may date sila ng girlfriend niya. Babalikan niya rin po kami agad,] tugon muli ng tauhan.

✔ | Titser DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon