KABANATA 20

9 1 0
                                    


Nagwawala sa galit si Armano nang sabihin ng kaniyang mga tauhan ang ginawa sa kanila ni Dahlia. "Boss, mabilis at maliksing kumilos yung teacher na 'yon. Hindi po namin kinaya. Mukhang bihasang-bihasa na sa pakikipagbakbakan e," sabi ng isang tauhan ni Armano. Nang tignan naman sila ng kanilang amo, nananalisik ang mga mata nito sabay sikmura sa kanila.

"Putangina ninyong lima! Kalalaki ninyong tao, natalo pa kayo ng isang babae lang?! Lintek! Sayang lang ang ibinabayad ko sa mga putanginang mangmang na kagaya ninyo!" bulyaw ni Armano sa mga inutusang tauhan.

"P-Pero, boss, biglang dumating si Bernard Neztaza. H-Hindi namin alam kung magkaano-ano ang dalawa pero tinulungan niya yung babae e," sabi naman ng isang tauhan. Marahang napakunot ang ulo ni Armano nang tuunan niya ito ng tingin. Napapaisip na lang siya tungkol sa binatilyong 'yon.

"Lintek na Bernard na 'yan," sabi na lang ni Armano sa sarili na may riin. Napahimas na lang din ito sa kaniyang mukha habang halata ang pagkapula nito sa galit.

Samantala, sakto naman nang pagpasok ng isa pang tauhan ni Armano dala ang isang laptop. "Sir, ito po ang video sa cctv natin noong gabing may balak pumatay sa inyo sa kuta," sabi ng tauhan sabay play ng video. Itinuon naman ni Armano ang pansin niya sa panonood.

Nakita nito ang isang nakaluhod na lalaki at nakadapang babae na hindi makita kung sino. Maya-maya pa, nanlaki ang mga mata ni Armano nang makitang hinayaan ng lalaking 'yon na makatakas ang babae nang makatayo ito. "Hindi po kaya si Dahlia Perez ang balak na pumatay sa inyo, boss?" tanong ng kaniyang tauhan.

"Teka," sabi naman ng isang tauhan. "Si Bernard 'tong lalaking 'to. Siya ang nadatnan namin. Kami 'tong mga 'to ang lumapit sa kaniya noong gabing 'yon. Tinanong ko kung nakita niya pero umiling siya. Boss, mukhang may nagtatraydor na sa 'yo," tugon naman ng isang tauhan. Mas lalo namang napaisip si Armano.

"Hulihin ninyo si Bernard at Dahlia. Kung kailanga niyo silang pahirapan, pahirapan ninyo. Ngunit dahil ninyo sila sa 'kin nang buhay. Ayoko ng tatanga-tanga sa pagkakataong 'to. Dahil din sa mga kapalpakan ninyo, palagi tayong naiisahan ng mga kalaban!" sigaw ni Armano.

"Sige po, boss, kami na ang bahala," tugon naman ng isang tauhan. Nagsama ito ng labing-limang kasamahan upang dakpin ang nasabing mga pangalan.

Samantala, hinarap naman ni Armano ang naiwan niyang tauhan. Ngumiti siya nang tipid dahil sa iniisip nito. "Kayo, magsipaghanda na rin kayo. May kailangan tayong bigyan ng maayos at tahimik na pamumuhay mamayang gabi," sabi nito sa kanila. Natawa na lang nang nakakaloko si Armano dahil sa mga iniisip.









NASA isang cafe sina Sonia at Bernard. Habang hindi umiimik ang binatilyo, napapansin na lang din nito na pinaglalaruan lang ni Sonia ang cake na order niya sa hawak niyang tinidor. "Bernard," malumanay at malamyang pagtawag ni Sonia kaya't kaagad napatingin sa kaniya ang binata. "Ano ang gagawin mo kung hindi ka mapatawad ng kapatid mo sa kasalanang hindi mo naman ginawa? Na wala ka namang kaalam-alam?" tanong na lang ng dalaga. Sandali namang umayos nang pagkakaupo si Bernard.

"Hmm... Anong klaseng pagkakasala po ba, ma'am? Kasi sa 'kin, siguro hahayaan ko muna yung kapatid ko na huminahon saka ko ipapaliwanag ang lahat ng katotohanan," tugon naman ng binatilyo. Unti-unti namang tumingin si Sonia sa kaniya at nagsalita.

"Paano kung hindi maniwala? Paano kung hindi huminahon? At paano kung tungkol sa pagkamatay ng inyong ama ang mismong isinisisi niya sa 'yo kahit wala ka naman talagang alam? At ano ang gagawin ko ngayong kailangang-kailangan ko ang tulong niya?" sunod-sunod namang tanong ng dalaga. Animo'y natigilan si Bernard at muling umayos nang pagkakaupo.

"Mukhang mahirap po 'yang ipaliwanag, ma'am. Lalo na kung natyempohan lang po kayo kahit hindi naman talaga kayo ang may gawa," tugon naman ni Bernard. Hindi naman nakaimik si Sonia dahil saktong-sakto ang sinabi ng binata sa kaniya. Ngunit sa sandali nilang hindi pagsasalita, may namuo naman sa isipan ni Bernard. "E, ma'am, paano po yung sinasabi ninyong pagkamatay ng ama? Hindi po ba't buhay pa naman ang ama ninyong si Armano? May nangyari na po ba sa taong 'yon at nagkagalit kayo ni sir Semir?" takang tanong ni Bernard.

✔ | Titser DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon