KABANATA 30

13 1 0
                                    


Balak tumakas ni Armano kasama ng kaniyang asawa habang ang kaniyang mga tauhan ay nakikipagbakbakan kina Dahlia, Semir at Bernard. Ngunit hindi sila hinayaan ni Dahlia. Kasama nito si Bernard habang hinahabol niya si Armano Imperial.

"Sige na, Dahlia. Habulin mo na sila," sigaw ni Bernard habang patuloy ito sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ni Armano. Mabilis na tumakbo ang guro patungo sa mag-asawang Imperial habang hinahabol niya rin ito ng pagpapaulan ng bala.

"Armano! H'wag kang duwag! Harapin mo 'ko!" halos mapaos na sa pagsigaw si Dahlia sa pagod. Pilit niya pa ring hinabol si Armano hanggang sa mahinto na lang ito nang magkasalubong sila ni Semir.

"Ate Dahlia," tawag nito sa kaniya bago sila sabay na lumingon sa kinaroroonan nina Abella at Armano. Matatalim na pagtingin at nag-uusok ang kanilang buong mukha sa galit para sa isa't isa.

"Wala na kayong mapupuntahan pa," sambit ni Dahlia sa kanila. Hindi na makaalis nang tuluyan ang mag-asawang Imperial dahil halos napatay na nila ang mga natitirang tauhan nito.

"Ano, Semir? Kakampi ka pa sa kapatid mo sa labas kaysa sa 'min? After all these years na inalagaan at pinalaki ka namin ng daddy Armano mo, magagawa mo pa sa 'min 'to?" tanong ni Abella sa kaniyang anak na lalaki.

"Ate ko pa rin si ate Dahlia. Kahit hindi man kami galing sa iisang ina, galing naman kami sa nag-iisa at tunay naming ama. Hindi katulad niyang Armano na 'yan na pinasilaw lang kami ni ate Sonia sa yaman at kapangyarihan niya. Imbis na alalayan kami para sa kinabukasan namin, nilagay lang niya sa peligro ang mga buhay namin!" bulyaw ni Semir sa galit. "Ikaw, ma? Tuluyan ka na bang nasilaw ng kadiliman niyang hayop na 'yan?"

"Wala ka talagang utang na loob! Mga p*t*ng*na ninyo! Parehas kayo ng ate Sonia mo. Kinamumuhian ko kayo!" bulyaw pa ni Abella habang pinipigilang maluha sa harapan nina Dahlia at sa anak niyang si Semir.

"Bakit mo kinamumuhian ang mga anak mo? Dahil hindi sila sumunod sa g*go mong asawa? Bakit hindi mo kamuhian ang asawa mo na pinatay ang ama't kapatid ko?" tanong naman ni Dahlia na nag-iwan ng isang tanong sa kanila kung sino ang tinutukoy niyang kapatid.

"Dapat lang mangyari 'yon kay Gregorio dahil wala siyang silbi! Hindi ko siya mahal at si Armano ang mahal ko!" bulyaw muli ni Abella.

"Kahit na si Sonia?" halos sabay ang paglingon ni Semir kay Dahlia at ang paghinto ni Abella sa kinaroroonan na animo'y nabuhusan ng malamig na tubig. "Patay na si Sonia. At dahil 'yon sa kagagawan ng demonyo mong asawa!"

"A-Anong sinabi mo?" mahina ngunit hindi makapaniwalang tanong ni Semir. "Ate Dahlia, hindi totoo 'yan totoo."

Wala nang sumunod pang nagsalita dahil hindi kinaya ni Dahlia ang lumuha. Napapailing na lang siya habang nananatili pa ring nakatutok ang baril niya sa mag-asawang Imperial.

Samantala, dahil napapansin ni Armano na animo'y naniniwala si Abella sa sinabi ni Dahlia, inunahan niya ang mga ito. Mabilis niyang hinablot ang asawa at inipit ang leeg nito sa braso niya. Kaagad namang naalerto sina Semir at Dahlia kaya't mas itinutok pa nila kay Armano ang kanilang mga baril.

"Sige! Subukan ninyo at papasabugin ko ang ulo nito!" halos mag-usok na sa galit si Armano habang ang hawak niyang baril ay nakatutok sa ulo ng kaniyang asawa.

"M-My love. W-What are you - "

"Shut up, Abella! Manahimik ka o mamatay ka?! Talagang hindi ako magdadalawang-isip na isunod ka sa anak mo!" bulyaw naman ni Armano rito. "H'wag kayong susunod! Mamamatay 'to!" pagbabanta niya kina Semir at Dahlia habang unti-unti silang umaatras.

"Ate Dahlia," sambit ni Semir kay Dahlia ngunit hindi ito tumugon dahil abala ito sa pag-iisip ng paraan paano nila ito maisasalba. Maya-maya pa, sinenyasan niya si Semir na sa may gilid ito dumaan. Susundan naman niya si Armano nang unti-unti para maisalba si Abella.

Samantala, hindi naman makapalag si Abella sa asawa. "Talagang tutuluyan kita kapag hindi ka nagtigil!" mariin pang sabi ng kaniyag asawa sa kaniya. Hindi nila pansin na nagtatago si Bernard sa may sulok at hinihintay na matapatan nila ito. Ilang segundo pang naghintay si Bernard hanggang sa bigla na lang itong nanlaban kay Armano. Hinawakan niya ang kamay nito na may hawak na baril at pinatakas si Abella.

Nag-aagawan ng lakas habang pinag-aagawan nina Bernard at Armano ang baril. Dahil ramdam pa rin ng binata ang kaniyang panghihina, napapaatras na lang siya at nabababa ang kaniyang kamay ngunit nagpipilit pa rin siyang lumaban. Ilang sandali lang nang mabilis na tinadyakan ni Armano ang binatilyo sa tiyan nito kaya't tuluyan na niyang nakuha ang kaniyang baril. Mabilis niya 'yong itinutok kay Bernard na dinadaing ang katawan dahil sa sakit.

"Pinahirapan mo pa akong g*go ka. Wala kang laban sa 'kin!" sigaw nito kay Bernard saka inipit ang ulo nito sa pader gamit ang paa niya.

"D-Dahlia, umalis ka na," sambit ni Bernard nang masilayan niya kahit sa malabong pigura si Dahlia. Samantala, mariing kinagat ng dalaga ang kaniyang labi sa labis na poot kay Armano.

"H'wag ka nang mandamay, Armano. Ako ang kailangan mo, hindi ba? Ako ang patayin mo," sabi nito habang animo'y nauutal-utal na dahil napapaluha na ito sa kalagayan ni Bernard. Mabilis na lang siyang sumenyas nang maramdaman niyang papalapit si Semir sa kaniya. Kaagad namang nahinto si Semir sa may kalayuan mula sa likuran ni Dahlia. "Itigil mo na 'to. Wala ka nang makakampihan. Wala ka ng mga tauhan. Wala na ang lahat sa 'yo. Buhay mo na lang ang dapat mawala rito."

Mabilis na kinuha ni Armano ang baril ni Bernard at 'yon ang itinutok niya sa kanila. "Bakit ikaw lang? Bakit ako lang? Kung pwede naman tayong sabay-sabay," nakangising sambit nito.

Animo'y bumagal ang paligid nang makita ni Dahlia ang pagngiti ni Bernard sa kaniya at ang pagsasalita nito ng Salamat kahit wala man itong tinig. Kahit pa punong-puno ito nang dugo sa kaniyang mukha at katawan. Kaagad namang iginalaw ng dalaga ang gatilyo at tuloy-tuloy na pinaulanan ng bala si Armano. Ngunit bago pa man 'yon tumama sa katawan ng politiko, mas nauna naman ang pagputok ng baril nito diretso sa pinasong mata ni Bernard. Samantala, napadaing si Dahlia nang matamaan naman siya nito sa kaniyang balikat. Dito, kaagad na ring lumaban si Semir.

Ang pilit na panlalaban ni Bernard sa kaniyang lakas ay dagliang nawala. Bumagsak ang ulo nito sa kaniyang balikat gayundin ang kaniyang kamay sa sahig. Tuluyan nang namaalam ang isa sa malalapit sa buhay ni Dahlia.

Sa bawat sunod-sunod namang pagkalabit sa gatilyo ni Dahlia, nakikisabay maging ang kaniyang mga luha at pintig ng kaniyang puso. Ang lahat ng 'to ay nagkakaisa dahil sa nararamdaman niya. Wala na si Bernard.

Hindi itinigil ni Dahlia ang pagpatay kay Armano Imperial hanggang sa maubusan na ito ng bala. Bawat katawan ng politiko ay may tama ng baril at kumalat din sa sahig ang dugo nito.

At nang tuluyan nang tinapos ng guro ang laban, nanlumo siya at kaagad siyang napaupo sa sahig. Ngayon niya lang naramdaman ang labis na panghihina dahil sa buong araw na kaguluhang nangyari sa kanila.

Paggapang siyang lumapit sa kinaroroonan ni Bernard at halos ayaw niyang hawakan ang wala nitong buhay na katawan. Ibinuhos ni Dahlia ang luha't pagdaing habang nakatingin sa mukha ng binatilyo.

Hindi na nagawa pang maglakad ni Semir dahil maging siya ay naluha sa nangyari. Hindi niya rin lubos maisip na sobra-sobra ang paghihinagpis ng kaniyang ate Dahlia sa mga taong nawala sa buhay nito.

Ilang sandali pa nang magsipagdatingan na ang mga pulisya at nilibot ang buong resort. Kasama sina Berina, ang kaibigan nito at si MetMet na ngayo'y bumalik ang sigla at nais makita ang kanilang mga mahal sa buhay. Kaagad niyakap ni Berina si Semir habang si MetMet ay napahinto na lang nang makitang umiiyak nang napakatindi ang gurong si Dahlia. Nagtataka ang bata kung bakit nakalapat ang mga kamay nito sa mukha ng kaniyang tiyuhin.

Hindi pa man nakakalapit ang bata, kusa nang tumulo ang mga luha nito dahil sa nararamramang bigat sa kaniyang dibdib. "Tito," sambit nito habang patuloy sa pagtangis. Nilingunan siya ni Dahlia at inilingan lang siya nito bilang tugon. Dahil dito, mas lumakas ang pag-iyak ni MetMet kaya't nilapitan siya nina Semir, Berina maging ang kaibigan nitong guro. Batid nila ang labis na paghihinagpis ng bata. Lalo na si Dahlia. Alam nitong wala nang natirang pamilya si MetMet lalo't wala na ngayon ang kaniyang tiyuhing si Bernard.

✔ | Titser DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon