KABANATA 6

15 2 0
                                    


Maaliwalas ang paligid at halos abala ang lahat ng tao sa kani-kaniyang mga gawain. Samantala, sa isang pampasaherong jeep ay may nakasakay na isang babae kung saan ay patungo ito sa eskwelahan na kaniyang lilipatan. Nakauniporme ito at maayos tignan. Nakangiti rin ang babae habang tinitignan ang paligid. Natutuwa dahil ito ang unang araw ng kaniyang pagtuturo sa mga kabataan. Matutupad na niya ang kaniyang pinapangarap noon.

Nang matapat sa gate ng eskwelahan, bumaba na ito at inayos muna ang sarili. Nagsimula na siyang maglakad papasok. Binabati siya ng mga nadaraanang mga estudyante. Bilang pagtugon, nginingitian at binabati niya rin ang mga ito. Kalaunan nang pumasok na siya sa loob ng building, hinanap niya ang office upang iparating na siya ang bagong magiging guro.

"Sasamahan kita sa magiging mga estudyante mo. Medyo makukulit sila pero mababait naman," tugon ng kapwa guro nito at saka sila nagsimulang maglakad. Sa may second floor sa room five, pumasok ang dalawang guro. Nagsipagtingin naman sa kanila ang mga estudyante at kaagad na tumayo. "Good morning visitors. Welcome to our section," sabay-sabay nilang pagbati.

"Sige, maupo na kayo. Class, ipakikilala ko sa inyo ang inyong bagong guro. Siya si Ms. Dahlia Perez. Dahil lumipat na si Gng. Santos, siya na ang papalit para maging bago ninyong teacher," sabi ng guro. Naglakad papunta sa gitna si Dahlia upang makita ng kaniyang magiging mga estudyante. Nakangiti siya nang napakalapad sa mga ito. "Respect and love your new teacher. Mabait si ma'am Perez. Basta, magpapakabait din kayo sa kaniya. Maliwanag ba?" tanong pa ulit ng guro.

"Opo, ma'am," sabay-sabay na tugon ng mga bata. Ilang sandali pa nang magpaalam na ang kapwa guro ni Dahlia kaya't siya na lang ang naiwan sa mga ito. Inilapag niya ang dala niyang bag at muling humarap sa buong klase.

Nakatali nang maayos ang kaniyang mga buhok. Nakasalamin dahil may kalabuan din ang kaniyang mga mata. Makinis ang balat at may maamong mukha. 'Yan ang pansin ng mga magiging estudyante ni Dahlia. Ang iba ay hindi siya gusto dahil naalala nila ang dati nilang guro na si Gng. Santos.

"Ahmm... Hello. Kung narinig ninyo kanina, ako si Dahlia Perez. Mas okay kung tatawagin ninyo akong teacher Dahlia. At ako ang magiging bagong guro ninyo. Sana, magkasundo tayo sa pagsasama natin hanggang sa matapos ang klase," sabi ni Dahlia. Bakas ang kaba sa kaniya dahil sa bago lang siyang guro. "Hmm... Nais ko sanang magpakilala kayo isa-isa para makilala ko kayo. Sisimulan natin dito sa linyang ito, pagano'n."

Nang maupos si Dahlia sa kaniyang upuan, saka naman isa-isang nagpakilala ang kaniyang mga bagong estudyante. Ilang minuto pa ang itinagal bago matapos 'yon bago siya nagsimulang magturo ng iniwang lesson sa kanila.









NANG sumapit ang lunch break. Naglalakad si Dahlia kasama ng mga kapwa niya guro papunta sa canteen. Natutuwa siya dahil sa pag-welcome nila sa kaniya. Habang naglalakad, tinatanong naman siya ng mga ito tungkol sa unang araw ng kaniyang pagtuturo.

"Kumusta ang mga bata? Makukulit ba sila?"

"Oo nga. Sabihin mo lang, ha? Minsan talaga, may mga matitigas ang ulo sa klase mo."

"Hay, naku, mukhang kayang-kaya ni Dahlia 'yan. Hindi talaga mapipigilan sa mga estudyante ang maging malikot at matigas ang ulo."

Natawa na lang si Dahlia sa kanila. Dahil sa kanilang mga itinanong, isa-isa niya naman itong sinagot. "Hindi naman sila makulit. Nakinig sila sa 'kin kanina nang tahimik. Tsaka, para din magkaroon ng thrill yung pagtuturo ko kung may batang makulit at matigas ang ulo. At least, makikita ko sa sarili ko kung paano ko sila iha-handle, 'di ba?" sabi naman niya sa mga ito.

"Oo nga naman."

"Korak naman siya."

"Hay, tara na lang sa canteen. Gutom na gutom na ako."

✔ | Titser DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon