KABANATA 27

11 2 0
                                    


Sumapit ang gabi nang magsalo sina Armano at Abella sa romantikong hapunan nilang dalawa. Tahimik at tanging paghampas ng dagat sa dalampasigan ang kanilang naririnig. "I hope we can live like this. Walang gulo," sambit ni Abella nang tumingin sa mister.

"That can't be possible, my love. I entered in a chaotic and bloody world. Ano pa ang gagawin ko? I have no other focusing on aside for my businesses. Gusto kong maging makapangyarihan. You know all everything about me, right?"

Hindi na nakatugon pa si Abella kundi ang ngitian lang ito. Ipinagpatuloy nila ang pagkain nang bigla namang nag-ring ang cellphone ni Armano. Hininto niya ang pagkain at saka sinagot ang tawag. "Hello?"

[Boss, yung mansyon ninyo, nasusunog. Pati yung dalawa nating bata, nakita na lang namin sa daan. Mga patay na rin,] kaagad na ibinungad ng kaniyang tauhan dahilan at nahinto siya sa pagnguya ng kinakain. Napakuyom ang kamao ni Armano at inihampas 'yon sa mesa na naging dahilan naman ng pagkagulat ni Abella.

"What the hell are you doing?! Find and kill them!" bulyaw nito sa kausap.

"What's that?" taka namang tanong ni Abella dahil sa reaksyon at expression ng asawa.

[H'wag po kayong mag-alala, boss, inutusan ko na ang iba ko pang kasamahan para hanapin sila. Sakto, boss, alam na nila kung nasa saan nagtatago sina ma'am Sonia, Bernard at ang Dahlia Perez.]

"E ano pang ginagawa ninyo? Kumilos na kayo! Bilis," inis na sabi ni Armano bago patayin ang tawag. Napahimas na lang siya sa kaniyang mukha at bakas sa namumulang mukha nito ang galit.

"What happened? Tell me," kaagad namang tanong ni Abella sa asawa.

"Sinunog nila ang mansyon. Talagang nakikipag-g*guhan sila. E kung patayin ko na ang mga - "

"If you killed their loved ones, hindi mo na rin makukuha ang tape. Para mo na ring sinayang ang bawat araw at oras na ginugol mo para lang sa bagay na 'yon kapag ginawa mo 'yan. Think about that."

Hindi na nakaimik pa si Armano kundi ang suntukin ang mesa sa galit. Dahil dito, nasira ang kanilang tahimik at romantikong hapunan nang kaagad itong tumayo at pumasok sa loob.










NAKAUPO habang hindi alam nina Sonia, Bernard at Dahlia ang gagawin. Labis na ang gutom at pagod nila pero wala silang mahingian ng tulong. Sinubukan nila sa mga nakakasalubong nila pero wala ni isa ang tumugon.

"Ano? Ganito na lang ba? Teka nga, maghahanap lang ako. Dito muna kayo," biglang sabi ni Bernard at tumayo. Nagsimula na siyang maglakad upang makakuha ng pagkain. Samantala, naiwan naman sina Dahlia at Sonia. Inaantok na si Dahlia kaya't naisipan niyang humiga sa loob ng sasakyan. Ni hindi man lang nito kinausap ang kapatid.

Huminga nang malalim si Sonia at natulala sa kung saan. Hindi niya namamalayan ang pagtakbo ng minuto ng kaniyang pagkatulala hanggang sa tignan niya ang kapatid na natutulog sa loob ng sasakyan.

"Dahlia. Sa pangalan mo pa lang, kinaiinggitan na kita," bigla nitong sabi saka natawa nang mahina. "Alam mo ba kung gaano kagrabe ang inggit ko sa 'yo noon kay daddy? Sabagay, hindi ko rin naman masisisi ang daddy kung bakit mas malapit siya sa 'yo kaysa sa 'min ni Semir. You care and loved him. Unlike us," paliwanag pa nito. Samantala, gising na gising ang buong diwa ni Dahlia dahilan at idinilat niya ang kaniyang mga mata. Patuloy nitong pinakikinggan ang sinasabi ng kaniyang kapatid.

"At hindi rin kita masisisi kung isa ako sa mga kinamumuhian mo dahil sa pagkamatay ni dad. Ang tanga naman kasi namin ni Semir e. Sumama kami kay Armano. Ni hindi man lang namin nilapitan ang daddy hindi gaya ng ginawa mo. You're there trying to rescue our father. Sinamahan mo pa rin siya hanggang sa huli niyang hininga."

Ang malumanay na pagkukwento ni Sonia habang nakaharap sa kalangitan na punong-puno ng bituin ay napalitan ng sunod-sunod na pagluha. "At kung alam mo lang, hindi ako pinatutulog nang maayos ng konsensya ko dahil sa mga 'to. Palagi kong ikinukumpara ang sarili ko sa 'yo. Mas lamang ka sa 'kin, kung tutuusin. That's why, you deserve our father's full of love. And I wish, I could be like you."

Hindi napigilan ni Dahlia ang kaniyang sarili nang mapaluha na siya. Alam niya sa sarili na naging matigas siya dahil sa galit at poot na namuo sa kaniyang kalooban. Labis niyang sinisisi ang mga kapatid kahit na paulit-ulit na itong humingi ng tawad sa kaniya. Kung tutuusin ay nakokonsensya na rin siya sa sarili. Dahil sa labis na pagmamatigas, mas dumaragdag lang ang bigat ng puso niya.

Ngunit habang nasa kalagitnaan ng pagluha si Dahlia, nakarinig na lang siya ng animo'y tunog ng mga sasakyan. Kaagad napakunot ang kaniyang noo sa pagtataka at saka tinignan ang labas. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita ang mga sasakyan na nakaharap sa kinaroroonan nila. "Sonia! Pasok!" sigaw kaagad nito kaya't bumalik ang diwa ni Sonia. Kaagad itong pumasok sa loob ng sasakyan.

Samantala, pumunta naman sa driver's seat si Dahlia at pinagana nito kaagad ang sasakyan. Pinaharurot niya rin ito nang mabilis dahilan at hinabol sila ng mga 'yon.

"Dahlia, si Bernard?" nag-aalalang tanong ni Sonia.

"Kaya na niya ang sarili niya. Marami silang humahabol sa 'tin. Alangan namang magpakamatay tayo," tugon naman ni Dahlia habang nakatuon sa kaniyang minamaneho. Nakipagbarilan ang magkapatid sa mga sumusunod sa kanila. Hindi sila nito tinigilan hangga't hindi sila napapatay ng mga ito.

Samantala, nagkakamot ng ulo habang naglalakad pabalik si Bernard sa kinaroroonan ng kanilang sasakyan, ngunit bigla na lang siyang nahinto at nagtaka kung bakit wala na roon ang sasakyang ginamit nila. "Sumama ka na sa 'min, Bernard Neztaza, kung ayaw mong dumanak ang dugo mo rito," bigla namang sambit ng lalaki habang nakatutok ang baril nito sa kaniya. Gayundin ang lima pa nitonf kasamahan.

At sa kabilang banda, hindi naman pumapayag sina Dahlia at Sonia na mapatay ng mga tauhan ni Armano. Sumabay sila sa pakikioagbakbakan sa mga ito gamit ang kanilang mga armas. Hindi nila ininda ang panghihina kahit na ramdam na ramdam na nila 'yon.

Sa pagmamaneho naman ni Dahlia, unti-unting lumalabo ang kaniyang mga mata sa pagkahilo. Hindi niya hinahayaan ang sarili, ngunit padilim nang padilim na ang kaniyang nakikita. "Dahlia!" dinig na lang nitong sigaw ni Sonia na animo'y mahina at makulob nang tuluyan nang dumilim ang paligid. Ngunit bago 'yon mangyari, naramdaman na lang niya ang pagharang ni Sonia sa harap niya.

✔ | Titser DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon