Nagpaalam si Armano sa kaniyang asawa at mga anak-anakang sina Semir at Sonia upang mangampanya. Hinalikan niya sa noo si Abella bago ito tuluyang umalis. Naiwan naman ang mag-iina sa dining area at tinatapos ang kanilang almusal."Semir, don't forget to introduce your girlfriend to me. Kung mainam, mamaya mo na siya dalhin. Kung hindi, maaaring sa ibang araw na lang. Basta, dapat makilala ko kung sino siya. Malay ko baka kung sino-sino na lang ang pinatulan mo, hijo. Mommy doesn't want you to become miserable someday nang dahil lang sa babae," pagpapaalala ni Abella bago nito higupin ang kaniyang tsaa.
"Mom, don't worry, ipakikilala ko siya sa 'yo at sa family natin. And don't worry, hindi siya kung sino-sino lang. I assure you, magugustuhan niyo siya," nakangiti namang tugon ni Semir saka kinain ang kaniyang breakfast. Habang ngumunguya, may bigla na lang lumitaw sa isipan niya. Kaya't nang malunok na niya ang kinakain, saka siya muling nagsalita. "Mom, hindi ba, wala nang natira when dad's house burns?" tanong bigla ni Semir. Kaagad nailipat sa kaniya ang mga mata ng kaniyang ina at kapatid na si Sonia na tahimik lang sa pagkain.
"Ano naman ang tungkol doon?" seryosong tanong ng kaniyang ina.
"I'm just wondering. Noong gabing sumugod si tito Armano o daddy sa mansyon noon ni daddy Greg, naroroon si Dahlia, hindi ba? Yung kapatid namin sa labas. Tapos after that, sinunog ang mansyon. Nasaan siya when those things were happening during that night?" tanong ni Semir. Samantala, napaisip naman si Sonia nang maalala ang kanilang kapatid sa labas. Dahil noong gabi nga namang 'yon ay naroroon siya.
Napangisi na lang si Abella at napairap sa ere dahil sa tanong ng kaniyang anak. "Bakit ka pa nagtatanong? Baka napasama na 'yon kasama ng pagsunog ng mansyon o kaya iniwan niya yung minamahal niyang ama. Bahala siya sa buhay niya," seryosong tugon niyo sa unico hijo.
"And what if she's still alive?" bigla namang tanong ni Sonia ngunit seryoso pa rin ang mga mukha nito. Dahil sa tanong niya, nalipat sa kaniya ang tingin ng ina at ng kapatid. "E 'di makukuha na niya ang part niya sa ipinamana ni dad. Ang mga pera. Ang mga alahas. Pati bahay at lupa sa Baguio, mapapasakamay niya," sabi pa nito.
"Look, hija, I'm not stupid. We're not stupid. Hinding-hindi mapapasakanya ang mga 'yon. Kung buhay man siya at kung anong buhay meron siya ngayon, makuntento na siya ro'n. Hindi na kailangan pang mapunta sa kaniya ang galing kay Gregorio dahil inyo lang 'yon. Kayo ang mga tunay na anak," tugon muli ni Abella. Napatingin na lang ito sa isang direksyon habang si Sonia ay marahang sumusulyap-sulyap. Samantalang si Semir naman ay naghithit na lang ng sigarilyo.
NANG mag-lunch break, kaagad nang nagtipon sa pwesto nila sa may garden sina Berina, Dahlia at tatlo pa nilang kasamahan na guro. Isa-isang nagbigay ng tips ang mga ito sa dalagang si Berina, habang ito ay taimtim at seryosong-seryoso namang nakikinig sa kanila. "Dapat ganito, kapag tinitignan ka na ng family ng boyfriend mo, dapat confident ka pero may kaunting hiya naman kahit papaano. Yung tipong naninindigan ka. Yung may dating. At syempre, kapag kinausap ka na, umayos ka ng pagsagot mo with politeness," paliwanag ng kapwa guro nila.
"Tama. Gano'n. H'wag mong isiping masungit ang mommy ng bf mo. Kung ma-meet mo na siya at masungit nga ang aura, hayaan mo lang. Basta ikaw, dapat ipakita mong desidido ka," sabi naman ng isa.
"Ano? Naiintindihan mo ba?" tanong naman ng isa pa nilang kasamahan. Samantala, natatawa na lang si Dahlia sa kanila at kay Berina dahil tila isinasaulo pa nito ang mga sinabi nila.
"Basta h'wag mo lang kakalimutan ang mga 'to, Berina. Maging magalang, may tiwala sa sarili, at maging maayos sa harapan ng mga magulang ng boyfriend mo. Makisama ka dahil kailangan," sabi naman ni Dahlia.
"Hmm... Sige. Kahit medyo mahaba-haba, tatandaan ko ang mga sinabi ninyo. Sigurado, effective 'yan, ha? Kinakabahan talaga kasi ako e," halatang kabadong paninigurado ni Berina sa kanila. Tinapik naman ng mga ito ang balikat at braso niya.
BINABASA MO ANG
✔ | Titser Dahlia
Action"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." *** Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang titser Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniya...