Kasalukuyang kumakain sina Berina, Semir at Abella. Habang abala sa pagkain sa matapos na medyo mahabang kwentuhan, nakatingin na lang si Abella sa kasintahan ng kaniyang anak. Halatang nahihiya ito at tila natatakot sa kaniya. Maya-maya pa nang bulungan nito si Semir ngunit hindi niya ito naririnig. Tumugon naman ng pagbulong si Semir nang bigla namang sumingit si Abella. "I forgot to ask, anong trabaho mo?" tanong nito sa dalaga."Ahmm... Teacher po sa elementary school," tugon ni Berina. Tumango-tango na lang si Berina sa dalagita.
"Seryoso ka ba sa anak ko? Semir is my only son, hija, and I don't wanna see him crying for just a lady sa mga darating na araw," sabi pa ni Abella.
"Ma," tawag naman sa kaniya ni Semir dahil sa sinabi nito. "Hinding-hindi magagawa sa 'kin ni Berina ang bagay na 'yan. She loves me, and I love her very much." Ngunit napatingin na lang ang binata sa kaniyang kasintahan nang sumagot ito nang maayos.
"Opo. Seryoso ako kay Semir. H'wag po kayong mag-alala, hinding-hindi ko po siya sasaktan," pagtugon naman ni Berina.
Huminga nang malalim si Abella bago ito tumugon. "Nagsisigurado lang naman ako, Semir. Pumasok kayo sa relasyon, dapat, hindi niyo mabigo ang isa't isa."
Samantala, napailing na lang si Semir nang marahan dahil kaagad na pumasok sa isipan niya ang amang si Gregorio at ang kaniyang ina sa mga napagdaanan nila. "By the way, where's dad and ate Sonia?" tanong na lang nito bilang pag-iiba ng topic.
"Si ate Sonia mo, nasa dinner with friends. May pag-uusapan tungkol sa negosyo. Ang ama mo naman, may inasikaso lang," sagot ni Abella.
"Inasikaso? Ano namang inasikaso niya?" takang tanong ni Semir. Alam niyang wala silang transaksyon ngayon ng illegal drugs kaya laking pagtataka na lang niya. Samantala, napakibit-balikat na lang si Abella bilang pagtugon dahil hindi naman ipinaalam sa kaniya ng kaniyang asawa kung saan ito nagtungo.
NAGSISISIGAW at nagwawala sa galit si Armano dahil sa nangyari kanina sa kaniyang pangangampanya. "Putangina! Napakarami ninyong nagbabantay sa 'kin, pero ang bala ng baril, halos nasa tabi ko na! Anong mga pinaggagagawa ninyo sa buhay ninyo?! Ha?!" pasigaw nitong tanong sa kaniyang mga tauhan. Napahimas na lang siya sa kaniyang mukha kasabay ng malakas na pagsipa nito sa nakaharang sa daan.
Tahimik at wala halos umiimik sa mga tauhan ni Armano. Ngunit nang mapukaw sa kaniyang pansin si Bernard, seryoso niya itong tinignan at dahan-dahan din siyang lumapit dito. "Hmm!" daing na lang ni Bernard nang bigla siyang sinikmuraan ni Armano.
"Isa ka pa, Bernard. Hindi ko alam kung anong kaputanginahan ang ginawa mo kanina. Wala ka ring silbi! Dahil sa kamangmangan mo, muntikan pa akong mamatay!" bulyaw ng amo ni Bernard.
"P-Pasensya na po, boss. Pangako, hinding-hindi na po ito mauulit. Pag-iigihan ko pa po ang trabaho ko. Bigyan po ninyo ako ng pagkakataon," sambit naman ni Bernard. Muling napahimas sa mukha si Armano at mabilis na sinikuhan ang likod nito dahilan at bumagsak sa sahig si Bernard dahil sa lakas.
"Kapag may nangyari pang ganito sa 'kin sa mga susunod pang pagkakataon, mukhang kailangan ko nang magbawas ng mga tauhan ko. Hindi ko kailangan ng mga palpak," huling sabi ni Armano bago ito naglakad paalis kasama ng iba niyang mga tauhan. Ngunit nang papalabas pa lang sila sa kanilang kuta, bigla na lang napaatras at napaupo si Armano nang may biglang magpaputok ng baril sa kinaroroonan niya. Nagsipag-alerto ang lahat ng tauhan at hinawakan ang kani-kanilang mga baril. "Putangina! Libutin niyo 'tong buong base! May nakapasok na punyeta!" sigaw ni Armano sa mga tauhan na kaagad namang nagsipagkilos.
Dahil sa bilis ng taong nakapasok sa kanilang kinaroroonan, napapatay na lang nito ang mga nakakasalubong na tauhan ni Armano. Hindi siya nito nahahabol o natatamaan ng mga bala ng kanilang baril. Ni galos o daplis man lang. Ngunit sa kabilang banda, nang makita ni Bernard ang taong 'yon ay kaagad ngunit palihim niya itong sinundan. Panay ang pagtago niya sa bawat bagay na maaari niyang pagtaguan. At nang makakuha ng tyempo, kaagad niyang hinawakan ang kamay nito at siniko sa mukha. Napaatras na lang ang taong 'yon.
Tinignang maigi ni Bernard ang pigura ng nanloob sa kanila. Hindi ito isang lalaki kundi babae. Lahat ng kasuotan nito ay kulay itim at maging ang sa takip sa mukha nito. Nang balak niyang lumapit dito, kaagad siya nitong sinipa at mabilis na tumayo. Sinubukan din ni Bernard na makipaglaban ng pisikalan sa taong 'yon ngunit sadyang mabilis itong kumilos. Ilang sandali pa nang muli siya nitong binagsak sa sahig kaya't napadaing na lang ang binata.
Ngunit hindi nagpatalo si Bernard, nang muling makahanap ng tyempo ay kaagad niyang kinuha ang braso nito at mabilis siyang pumaikot. Ang taong 'yon ay kasalukuyan ng nakadapa sa sahig at nasa ibabaw nito si Bernard. Dahil hindi makagalaw ang nanloob sa kaniya dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Bernard, kaagad namang naisip ng binata na tanggalin ang takip sa mukha nito gamit ang isa niyang kamay. Hindi nagtagal, nang matanggal na niya ang buong pagkakatakip sa mukha ng taong 'yon, bigla na lang nanlaki ang mga mata niya dahil kilalang-kilala niya ang taong 'to. Tama siya, isa nga itong babae.
"M-Ma'am Sonia?" buong pagkabigla at pagtatakang tanong ni Bernard sa babae. Marahang nakalingon sa kaniya ang dalagita na seryoso ang mukha. "A-Ano pong ginagawa ninyo rito? B-Bakit po kayo nandito?" tanong pa ni Bernard.
"Umalis ka, Bernard. Hindi ikaw ang ipinunta ko rito. H'wag kang mangingialam sa kung anong plano ko," mahina ngunit mariin namang sambit ni Sonia kay Bernard.
"Papatayin niyo ang sarili ninyong ama?" tanong muli ni Bernard sa kaniya.
"What the fuck are you saying, Bernard? He's not my dad. He's a killer and a drug dealer. He killed my real dad. And this is the way how to avenge for my father's death," mariing sabi ni Sonia. "At kung pwede, umalis ka na kung ayaw mong pati ikaw, idamay ko," sabi pa niya sa binatilyo. Maya-maya pa nang makarinig si Bernard ng mga tunog ng sapatos na paparating sa kinaroroonan nila. Alam niyang ang mga kasamahan niya 'yon. Upang hindi mahuli, binitiwan niya si Sonia na kaagad namang tumayo at tumakbo paalis. Sakto nang mawala na ito sa kaniyang paningin, saka naman dumating ang mga kasamahan niya.
"Ang bilis niya. Hindi namin siya nahuli."
"Nakita mo ba siya, Bernard?" tanong naman ng isa nitong kasamahan. Umiling nang bahagya si Bernard bilang pagtugon dito. Dahan-dahan siyang tumayo at hinarap ang mga kasamahan.
"Kailangan na nating kumilos. Si boss," sabi nito sa kanila. Kaagad na silang umalis pagtapos upang puntahan ang kanilang amo. Samantala, hindi naman lubos maisip ni Bernard na si Sonia Imperial mismo ang gumawa no'n sa kaniyang amo. Ngunit iisa lang ang alam niyang gagawin, 'yon ay ang hindi dapat malaman ng kaniyang among si Armano ang tungkol dito. Batid niyang walang puso ang kaniyang amo, at maaari nitong patayin ang anak niya sakaling malaman ito.
HATINGGABI na nang biglang naalimpungatan si Dahlia dahil sa pagtunog ng ringtone ng kaniyang cellphone. Nang tignan niya ito, nakita niya ang isang unknown number ngunit sinagot niya pa rin ito. "Hello? Sino 'to?"
[Dahlia, si Bernard ito. Nand'yan ba sa 'yo si MetMet?] tanong ng binatilyo mula sa kabilang linya.
"Oo, nandito. Natutulog yung bata. Nasaan ka ba? Bakit palagi ka na lang nasa trabaho tuwing gabi? Kawawa naman yung pamangkin mo," sabi ni Dahlia sa binata.
[Pasensya ka na, Dahlia. E kailangan e. Babalik din naman ako kaagad,] tugon naman ni Bernard.
"Bakit ba kasi ganyan? Ngayon lang ako nakakita ng nagtatrabaho sa gabi nang pagkatindi-tindi. Bernard, naaawa ako sa pamangkin mo. Wala namang problema sa 'kin kung naririto siya e, pero alalahanin mo sana siya," sabi naman ni Dahlia.
[Pasensya ka na talaga, Dahlia. Hayaan mo, magpapaalam na ako sa amo ko para hindi ko na maiwan pa si MetMet. Pasensya na,] muling paghingi ng dispensa ni Bernard. Sandaling hindi tumugon si Dahlia dahil napahinga na lang siya nang malalim. Maya-maya pa, balak pa lang nitong magsalita nang mahinto na lang din siya dahil sa narinig na boses sa kabilang linya.
[Bernard, kailangan na tayo ni boss sa--] at bigla na lang itong natahimik. Takang napakinggan ni Dahlia ang sinabing 'yon ng tila kasamahan ni Bernard sa trabaho.
[Sige, Dahlia, mauuna na ako,] kaagad na sambit ni Bernard. At kahit wala pang pagtugon si Dahlia ay kaagad na nitong pinatay ang tawag.
Takang tinignan ng dalagita ang hawak niyang cellphone. Napaisip sa salitang narinig niya kanina. Ilang sandali lang nang huminga siya nang malalim at inilapag ang hawak niya sa ibabaw ng mesa bago muling nahiga at natulog.
BINABASA MO ANG
✔ | Titser Dahlia
Action"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." *** Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang titser Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniya...