Pagsapit na pagsapit ng umaga, sa paggising ni Sonia, kaagad na niyang pinuntahan ang kaniyang ina. Taka naman siya nitong tinignan ngunit mabilis niyang ipinunta ang inang si Abella sa isang silid upang silang dalawa lang ang magkausap. "Sonia, what's wrong?" takang tanong ni Abella sa anak."Mom, I can't take this anymore," paninimula ng dalagita saka napahimas sa mukha. "Mom, your husband tried to rape me last night. Hindi ko alam kung bakit siya--" hindi na naituloy pa ni Sonia ang pagsasalita nang mapahinto na lang siya at nanlaki ang mga mata. Naramdaman na lang niua ang isang malakas na sampal sa kaniyang pisngi.
"Kilala mo ba kung sino ang binabastos mo, Sonia?" tanong ni Abella sa anak. Napatingin naman ang dalagita sa kaniyang ina na may buong pagtataka dahil sa ginawa nito sa kaniya. "He's your father. Siya ang tumayong ama sa inyo for almost two decades. Tapos ito ang igaganti mo sa kaniya? How could you, Sonia? Wala kang utang na loob," tanong pa ni Abella.
"So what do you mean? Hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?" maluha-luha namang tanong ni Sonia sa ina. Napangisi at napailing na lang si Abella sa anak. "Bakit ba ipinagtatanggol mo siya lagi? I remember when I also tried to tell you about what he's doing to me noong bata pa lang ako. Tapos hindi mo na ako pinaniniwalaan. I tried to tell you at so many times hanggang ngayon pero hindi mo talaga ako pinaniniwalaan. Why, mom? Anak mo ako," sabi pa ni Sonia sa ina. Samantala, dahan-dahan namang lumapit si Abella sa anak habang nakatitig sa mga mata nito.
"He's my husband. I care for him. I love him, Sonia. These are the reasons why I'm protecting him than you and Semir," sagot ni Abella na halos ikinagulat ng dalaga. Hindi makapaniwala si Sonia sa sinabi ng ina dahilan at naglakad ito paalis. Sakto pa lang sa paglabas nito, nakasalubong naman niya ang kaniyang ama-amahan na nakangiti sa kaniya. Matalim lang ang tingin ni Sonia rito hanggang sa dumiretso na ito papunta sa kaniyang silid.
"Anong nangyari sa anak mo?" tanong ni Armano sa asawang si Abella matapos nitong makalapit at mahalikan ito sa pisngi. "May problema ba?"
"Sa work. Masyado siyang namroblema sa mga maliliit na bagay. Hayaan mo siya," pagsisinungalin naman ni Abella. Tumango na lang dahan-dahan si Armano ngunit alam niyang hindi 'yon ang dahilan. "Tara sa baba. Nakahanda na ang mga almusal," pag-aanyaya na lang ni Abella at sabay na silang mag-asawa papunta sa dining area.
KANINA pa hindi malaman ni Semir kung saan siya huhugot ng lakas ng loob para masabi ang kaniyang balak na sasabihin sa ama-amahan. Ngunit bigla na lang itong napatingin sa kapatid nang makita niyang nakabihis ito at naglalakad. "Saan ka pupunta?" takang tanong niya sa ateng si Sonia. Imbis na sagutin siya nito ay tuloy-tuloy lang ang kaniyang kapatid palabas. Napansin niya na lang na lumuluha ito at nagtaka kung bakit gano'n ang hitsura niya.
Ilang sandali lang nang umayos na siya nang pagkakaupo. Balak niya sanang tanungin sa mga magulang kung napaano ang kaniyang nakatatandang kapatid, ngunit hindi ito natuloy dahil kaagad ding pumasok sa isipan niya ang isasagawang pagpapaalam sa paggawa ng mga ilegal na gawain.
Samantala, pinupunasan ni Sonia ang mga mata niya hanggang sa makasakay na ito ng kaniyang sasakyan. Matapos paganahin, kaagad niya itong pinaandar upang puntahan ang kaniyang kapatid sa labas na si Dahlia at makipagtulungan dito. Ngunit sa kabilang banda, hindi alam ng pamilya Imperial na nakamasid si Dahlia na nakasakay sa isang taxi. Nakaparada ito sa may 'di kalayuan. Sinabi ni Dahlia sa driver na ipunta nito ang sasakyan kung saan nakatira si Armano Imperial. Napangiti na lang nang marahan si Dahlia dahil makakapagsimula na itong makpaghiganti sa mga pumatay sa kaniyang ama.
"Madam, ano po ba ang ginagawa natin dito?" takang tanong na lang bigla ng driver ng taxi sa kaniya.
"Ahmm... Balak ko po sanang interview-hin si Armano Imperial para sa pagtakbo niya e. Kaso h'wag na. Saka na lang siguro," pagdadahilan naman ni Dahlia. Tumango-tango naman ang driver na kaagad namang naniwala sa sinabi nito. "Tara na, manong," sabi pa ni Dahlia. Sinimulan nang imaneho ng driver ang sasakyan upang pumunta sa eskwelahan.
BINABASA MO ANG
✔ | Titser Dahlia
Action"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." *** Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang titser Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniya...