KABANATA 26

4 1 0
                                    


"Ano ba?! Bakit niyo ba ako sinusundan? Pwede ba, lubayan ninyo ako!?" naiinis na tanong ni Dahlia nang tignan niya sina Sonia at Bernard na nasa likuran niya sa may 'di kalayuan. "Sinisira ninyo ang plano ko."

"Sa tingin mo ba, matatalo mo silang lahat, Dahlia? Kahit anong galit mo, kung marami sila, marami sila. Kailangan mo ng kasama. H'wag ka nang magmatigas," sabi naman ni Bernard.

"Bakit ba pinipilit ninyo ang gusto ninyo?! Tsk! Hindi ba, kaalyado kayo ng demonyong 'yon? Kaya siguro naging malapit kayo sa--"

"Maghunos-dili ka nga sa mga pinagsasasabi mo," biglang sambit ni Sonia saka ito tinapatan. "Hindi porket nakita mo sa mga mata mo na nakasama namin ang demonyong 'yon, ibig sabihin, kakampi niya kami. D'yan ka nagkakamali, Dahlia," sabi pa nito habang nakatitig nang seryoso. "Akala ko ba, guro ka? Hindi ba, bawal ang manghusga ng kapwa? Hindi ba, itinuturo mo rin 'yan sa mga kabataan? Pero bakit gano'n? Bakit parang ikaw, lubos-lubos kung gawin mo? Mga inosente kami, Dahlia. Sa maniwala ka't sa hindi, 'yon ang katotohanan. Ngayon, kung ayaw mong maniwala, nasa sa 'yo na 'yon."

Naiwan si Dahlia sa kinatatayuan niya nang maunang naglakad si Sonia habang pasunod naman dito si Semir. Sinamaan niya lang ang tingin nang lingunin niya ang mga ito. "T-Teka..." biglang bulong na lang nito sa sarili nang mapatitig siya. Lumingon naman sa kaniya ang dalawa at kaagad nanlaki ang kanilang mga mata sa gulat nang itutok ni Dahlia ang baril sa kanila. Kaagad silang umiwas nang paputukin ni Dahlia 'yon.

"Dahlia! Ano ba?! Gan'yan ba talaga kalaki ang galit mo sa 'min?!" naiinis na tanong ni Bernard nang matapos ang ginawa ng guro. Ngunit imbis na tugunan siya nito, lumingon na lang din si Bernard sa tinitignan ni Dahlia. Napaawang na lang ang bibig niya nang makita niya ang isang sasakyang bumangga sa poste habang duguan ang mga nakasakay rito.

"Bernard, ang mga tauhan ni Armano," sabing bigla ni Sonia at saka sila pumaroon sa mga ito. Ilang sandali pa nang marinig nila sa radyo ang pagtawag ng tauhan ni Armano. Hindi nila ito tinugunan, sa halip ay pinakinggan nila ito nang mabuti.

[Bilisan ninyong dalawang ugok. Suriin ninyo ang buong paligid. Nagpapahinga pa si boss at hinihintay ang update ninyo. Ayus-ayusin ninyo. Walang aanga-anga. Baka mamaya, nandito na pala sina ma'am Sonia't maunahan pa tayo. Bilis.]

Kaagad tinanggal ni Dahlia ang mga wala nang buhay na lalaking binaril niya. "Saan kaya sila dinala ni Armano? Hindi natin alam kung saan siya mahahanap," sabi ni Bernard. "Bakit kasi binaril mo kaagad?" tanong pa nito kay Dahlia.

"E 'di sana hinarangan mo," walang ganang tugon ng guro.

"Kunin na lang natin 'tong sasakyan. Maghanap tayo ng pwede nating magamit na phone para matawagan si Armano. Bago pa mahuli ang lahat," sabi naman ni Sonia. Kaagad nang sumakay ang tatlo sa sasakyan matapos nilang tanggalin ang dalawang patay na lalaki sa gilid ng kalsada. Mabilis 'yong pinaandar ni Bernard upang makahanap ng malapit na tindahan.

"Anak ng p*tcha naman 'yang demonyong 'yan. Pinahihirapan pa tayo. Kapag nakapunta talaga tayo kung nasa saan sila, tatadtarin ko ng bala yung buong katawan niya," naiinis na sabi ni Bernard habang abala sa pagmamaneho.










NAGTITINGIN-TINGIN si Bernard ng mga pagkain sa tindahan habang abala naman si Sonia sa pagtawag sa numero ni Armano. Naghihintay naman si Dahlia na masagot ang tawag at malaman kung nasa saan ang kanilang puntirya. "Bakit mo s-in-uggest 'to? May pambayad ka ba?" bulong ni Bernard kay Sonia habang nakatitig pa rin sa mga sitsirya't biscuit.

"Wala akong pera," pabulong namang sagot ni Dahlia nang tignan siya ni Sonia. Lumabas na lang sa hitsura sa mukha ni Sonia ang isang pakunot noong expression dahil maging siya ay wala ring pambayad.

"Kapag hindi natin 'to ginawa, mamamatay ang mga kasamahan natin," bulong ni Dahlia saka muling naupo.

Matapos ang ilang sandali, bigla na lang napatingin sina Sonia at Dahlia nang magsalita kaagad si Bernard. "Armano. Lintek ka. Nasa saan ang mga kasama namin? Sabihin mo sa 'kin ang lugar mo. H'wag mo kaming paglaruan," marahan na lang napakunot ang noo ng tindera dahil sa ginawang pagsigaw ng binata. Iniisip nito na baka nababaliw na siya dahil sa gutom. Ang akala niya'y isa itong pulubi sa karumihan nito.

Kaagad niyang inilapag ang telepono nang walang tumugon mula sa kabilang linya. Napahawak na lang sa buhok si Sonia sa inis. "Wala. Hindi sinasagot. Wala tayong choice kundi hanapin siya. Matatagalan nga lang," naiinis na sabi ni Sonia. Nainis din sina Dahlia at Bernard bago sila maglakad papalayo.

Naramdaman nilang bigla ang pangangalabit mula sa likod ni Sonia. Napukaw na lang sa kaniya ang tindera na tila hinabol pa sila bago pa sila makalayo. "Aba. Magbayad kayo. Bakit kayo umaalis kaagad? Akin na. Bilis," sabi nito sa kanila.

Kumalabit naman si Sonia kay Bernard ngunit kumalabit naman ito nang palihim kay Dahlia. Wala silang itinugon sa isa't isa. Kinalkal ni Bernard ang loob ng suot niyang leather jacket. Sinubukan niya sakaling meron ngunit wala siyang nakapa. Matapos nito, dahil nasa loob din naman ng kaniyang jacket ang kaniyang baril ay itinutok niya nang palihim sa tindera ang kaniyang baril. "Anong bayad?" tanong pa nito sa tindera. Dahil naman sa takot ng tindera dahilan at bumalik siya kaagad sa kaniyang tindahan.

"G*go ka talaga, Bernard. Why did you do that?" 'di makapaniwalang tanong ni Sonia sa kaniya.

"Nabubwiset na ako. Gutom at pagod na ako. Kung gusto niyang makipaglaro, pwes, bibigyan natin siya ng laro," sabi naman ni Bernard at pansin ng magkapatid ang bakas ng galit nito.

Muli, sumakay sila sa sasakyan at mabilis 'yong pinaharurot ni Bernard. Nagtataka ang dalawa kung saan niya ito ipupunta. Ngunit sai ilan pang minuto ng kanilang pagbyahe, nahinto sila sa tapat ng mansyon ni Armano. Kaagad bumaba si Bernard dala ang dalawang de kalibreng baril. Kaagad itong nagpaulan ng bala sa mga nakabantay sa labas. At dahil malapit sa kanila ang cctv sa may taas ng pinto, kaagad niya rin 'yong binaril. Dahil sa lakas ng ingay nito ay naalerto naman ang iba pang nakabantay sa loob. Dahil dito, wala nang nagawa pa ang dalawang dalaga at sumunod narin sila kay Bernard.

"Binubwiset niya ako, bubwisitin ko rin siya," sabi pa ni Bernard. Nakita na lang niya ang gas at kaagad niya itong kinuha. Binuhos niya ang mga ito mula sa labas ng bahay at iilan sa loob nito. Binasag niya ang lahat ng mga gamit. Ginulo ang buong bahay at kung ano-ano pa dahil sa galit niya. "Pwes, susunugin ko 'tong bahay niya."

Lumabas sila ng mansyon at binaril ang sahig na may gas dahilan at umapoy ito. Gumuhit ito hanggang sa makapunta sa malaking bahay. Nagsimulang masunog ang mansyon ni Armano Imperial. At habang nangyayari ito, naalala na lang ni Dahlia ang gabi noong sinunog ni Armano ang palibot ng mansyon ng kaniyang ama.

Hindi alam ni Dahlia kung matutuwa dahil sa nangyayari sa mansyon ni Armano o tititigan lang ito dahil sa ala-ala. Nawalang daglian ang iniisip niya nang magyaya na si Bernard para umalis.

"Ano bang ginawa ninyo? He will get so mad at us at baka mapatay pa niya ang mga kasama natin," kaagad namang tugon ni Sonia.

"Sigurado? Sige. Subukan niya, may plano na ako para sa kaniya," sabi naman ni Bernard at saka tinignan ang sarili sa rearview mirror.

✔ | Titser DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon