KABANATA 28

10 1 0
                                    


Halos humaglapak ng tawa si Armano nang makarating sa kaniya ang noo'y kaniyang tauhan na si Bernard. Matalim ang tingin ng binatilyo sa kaniya habang nakaluhod ito. Sa pagdating pa lang ni Bernard sa resort, samut-saring bugbog na ang kaniyang natanggap.

"Ano? Ano, Bernard? G*guhan? Parang hindi ka binabayaran, ah?" tanong ni Armano habang naglalakad sa palibot nito. "Trinaydor mo ako dahil lang sa babaeng 'yon? Alam mo ba na ang mga lahi ni Armano ay kaaway ko? Ha? Alam mo ba 'yon?"

"Wala akong pakialam sa mga kaaway mo. Mahal ko si Dahlia kaya't gagawin ko ang lahat para sa kaniya," sabi ni Bernard na siyang naging dahilan kaya't tumawa nang nakakaloko ang kaniyang dating amo.

"Aba? Bakit hindi mo sinabi, Bernard? Pumapag-ibig ka na pala?" Natatawang tanong nito ngunit wala namang itinugon ang binata sa kaniya kundi ang isang pagngisi. "At dahil sinunog niyo ang bahay ko, may susunugin din ako sa 'yo," Nakangiti pang sabi ni Armano.

Pumunta sa kaniya ang kaniyang tauhan dala ang isang mahabang bakal na may pabilog sa dulo. Animo'y ihawan ang hitsura ng bilog dahil nagbabaga pa ito. Samantala, nagsuot naman ng telang gloves si Armano bago niya hawakan ang bakal. Dahil pagkakakadena ni Bernard sa kaniyang mga kamay, hindi na siya makakapalag pa.

Ilang sandali pa lang nang mapasigaw sa sakit si Bernard nang idikit sa kaniyang leeg ang nagbabagang metal. Ang kaniyang mga kamay ay gustong magwala sa sobrang sakit. Umuusok 'yon habang ilang segundo itong nakadikit sa kaniyang balat hanggang sa tanggalin na ito ni Armano.

"Ano? E 'di ngayon, naramdaman mo na kung gaano kasakit yung ginawa ninyo sa mansyon ko?" tanong ni Armano saka tumawa.

"D-Dapat lang 'yon s-sayo dahil d-demonyo k-ka!" nauutal ngunit mariin namang tugon ni Bernard dahil sa sobrang galit. Muli na lang siyang napasigaw nang muli namang idinikit ni Armano ang nagbabagang metal sa kaniyang balat. Ngunit sa pagkakataong 'to, sa kanang mata na niya ito ipinunto. Halos magwala na ang buong katawan ni Bernard sa sobrang sakit. Ni hindi na niya maidilat ang kaniyang kanang mata.

"Demonyo pala? Ganito ang dapat ginagawa sa mga walang kwentang kaluluwa. Sige, pahirapan niyo 'yang g*gong 'yan. Hangga't hindi pa dumarating si Dahlia at ang tape, h'wag kayong hihinto," utos pa ni Armano sa kaniyang mga tauhan bago ito umalis. Sinimulan na nilang itayo ang nanghihinang si Bernard at ikinadena ang mga kamay nito sa itaas. Kumuha naman ng isang latigo ang tauhan at sinimulang latiguhin ang binata. Napapapilipit na lang sa sakit si ang binatilyo sa bawat paglapat no'n sa kaniyang katawan.

Samantala, sa paglabas ni Armano, bumungad sa kaniya ang mga iba pa niyang tauhan. "Ano? Nasaan sina Dahlia at Sonia?" takang tanong nito sa kanila.

"Boss, wala na silang dalawa. Naipit sila sa mga rebar. Ch-in-eck namin, boss. Positive. Wala na sila," tugon naman ng isa. Napapalakpak na lang nang dahan-dahan si Armano at tinapik ang balikat ng tauhan.

"Mainam kung gano'n. Dahil kung hindi, mangyayari sa 'yo ang nangyari kay Neztaza. Mas mainam kung dalhin ninyo sa 'kin ang mga bangkay nila. Dodoblehin o titriplehin ko ang bayad sa inyo kapag nagawa ninyo 'to."

Nagtinginan naman ang mga tauhan sa isa't isa sa tuwa sa kanilang narinig mula sa kanilang amo. Kaagad din silang nagsipagkilos.










BIGLA na lang dumilat ang mga mata ni Dahlia at nakita ang isang napakaliwanag na ilaw. Mabilis niyang tinignan ang paligid. Puro puti at nasa isang kwarto siya. "Nasaan ako?" takang tanong nito sa sarili saka naupo mula sa pagkakahiga. Nakita na lang niyang naka-dextrose siya at wala ring katao-tao sa loob. "Sonia? Sonia? Nasaan ka? Sonia?" tawag pa nito sa kapatid ngunit hindi walang tumutugon sa kaniya. Akmang tatayo pa lang ito nang bigla namang pumasok ang isang nurse.

"Ma'am, hindi pa po kayo pwedeng tumayo. Mahina pa po kayo," sabi nito sa kaniya.

"Si Sonia? Yung kapatid ko? Nasaan siya?" sunod-sunod nitong tanong sa nurse.

"Yung babae na kasama po ninyo, nasa operating room. Kasalukuyan pong tinatanggal ang bumaong metal sa bewang niya. Mabuti nga po't hindi kayo naabot no'n. Kung sakali, baka parehas po kayong nag-aagaw buhay ngayon," paliwanag ng nurse.

"Anong ibig mong sabihin? Nag-aagaw buhay ang kapatid ko?" buong pag-aalalang tanong ni Dahlia ngunit dalawang beses na tipid na pagkakatango lang ang itinugon ng nurse. "Nasaan siya? Pupuntahan ko siya," sabi pa ni Dahlia at balak na tumayo nang pigilan naman siya nito.

"Hindi po pupwede, ma'am. Ma'am," pagpipilit naman ng nurse na pigilan si Dahlia. Muli, may pumasok na isa pang nurse at tinulungan ang kasamahan nito sa pagpapatahan kay Dahlia. Unti-unti na lang itong tumahan nang turukan ito nang pampakalma.

"S-Sonia," tanging sambit ni Dahlia at napaluha na lang ng kusa ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayo't nag-aagaw buhay si Sonia, wala rin si Bernard sa kanila. Napakuyom na lang ang mga kamao ni Dahlia at nanginig pa ito sa tindi ng kaniyang galit. Hangga't hindi niya napapatay si Armano Imperial, hindi matatapos ang sunod-sunod na balakid sa kanilang buhay.

"Babawi ako. Babawi ako," mariin pang sabi ni Dahlia sa sarili. Wala siyang pakialam kung narinig man siya ng nurse o hindi. Ang mas namumuo sa sarili niya ay ang ipaghiganti ang mga mahal niya sa buhay.










KAAGAD pumunta ang mga tauhan ni Armano sa hospital kung saan dinala sina Sonia at Dahlia. Pumasok sila sa loob at kaagad tinanong sa front desk kung nasa saan ang room ni Dahlia Perez at Sonia Imperial. "Kaano-ano po nila kayo, sir? Bawal na po kasi ang dumalaw e. Tapos na po ang oras ng dalaw," tugon naman ng nurse.

"E ito. Gusto mo bang dalawin ka nito? Ha?" mariin namang tanong ng tauhan ni Armano nang ipakita nito ang kaniyang baril. Samantala, nakita naman ng kasama nito ang kwarto kung nasa saan ang kwarto ni Dahlia.

"Ito yung kwarto ni Dahlia. Puntahan na natin," tugon naman ng isang lalaki. " Naku, mukhang buhay pa ang teacher na 'yon," sabi pa nito. Bago pa man sila maglakad, binaril na nila ang nurse dahilan at nagkaroon ng ingay sa hospital. May mga nagsisipagsigawang mga tao sa takot at mabilis na tumatakbo paalis.

"Pupuntahan namin yung kwarto ni Dahlia Perez. Kayo na ang bahalang maghanap kung nasa saan si ma'am Sonia. Bilis." Kaagad nang nagsipagkilos ang mga tauhan ni Armano dala ang kanilang mga baril. Sa bawat madaraanan nilang hallway, may nakakasalubong silang mga taong tumatakbo sa takot.

Samantala, bigla na lang nagising si Dahlia mula sa kaniyang pagpapahinga nang makarinig siya ng ingay. "Bilis." Dinig pa niyang sabi ng mga tao sa labas. Dahil wala naman siyang kasamang nurse, kaagad siyang tumayo at tinanggal ang dextrose sa kaniyang katawan. Kinuha na lang din niya ang baril niya nang makita ito. Dahan-dahan siyang pumaroon sa pinto at sumilip. Nagkakagulo nga sa labas.

Nanlaki na lang ang mga mata niya nang matapat sa labas ng silid niya ang mga lalaki. Napaatras siya mula sa pinto at saka hinanda ang sarili. Pagkasipa pa lang ng pinto ng kaniyang kwarto, mabilis niyang pinindot ang gatilyo ng kaniyang baril at pinaputukan ng tig-isang beses ang mga lalaking balak siyang patayin. Lahat ay nagsipaghandusay sa sahig dahil mismong ulo o 'di kaya'y sa dibdib ang kanilang tama.

Mabilis na ring kumilos si Dahlia upang hanapin naman ang kaniyang kapatid na si Sonia. Ipinupunto niya sa bawat madaanang hallway at kwarto ang kaniyang baril sakaling may sumalubong na kalaban. Ngunit sa kaniya pa lang pagliko sa hallway, kaagad siyang nagtago nang makita ang mga iba pang tauhan na akmang babarilin siya ng mga ito. Mabilis naman niya 'yong pinaulanan ng bala bago pumaroon. At sa kaniyang paghinto sa tapat ng silid, napansin niya ang nakasulat sa taas na Operating Room. Kaagad siya pumasok dito at kaagad ding nanlaki ang mga mata niya sa bigla nang makita ang surgeon na nakahandusay at wala nang buhay. At sa kabilang gilid, may isa namang tauhan at nakatutok ang baril nito sa mukha ni Sonia.

"H'wag!" malakas at buong pwersang sigaw ni Dahlia ngunit huli na nang paputukan 'yon ng tauhan ni Armano. Nanlaki ang mga mata ni Dahlia sa ginawang 'yon ng lalaki. Dahil sa panginginig sa galit, tinutukan niya ito ng kaniyang baril at sunod-sunod itong pinaputukan, diretso sa kaniyang dibdib. Napapaatras na lang ang lalaki habang umaabante naman si Dahlia. Sa bawat pagpindot nito sa gatilyo ay siya rin namang pagtulo ng kaniyang mga luha.

Kaagad siyang lumapit sa kapatid at nakita ang tagos ng bala sa mukha nito. Nakita na lang din niya sa ekg monitor ang diretsong pagguhit ng heartbeat niya. Napailing nang dahan-dahan si Dahlia at sunod-sunod ang naging pagluha niya dahil nabawasan na naman siya ng mahal niya sa buhay. "Sonia!" sigaw nito na may labis na paghihinagpis.

✔ | Titser DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon