Part 32: Mutual Understanding

1 0 0
                                    

Magkahawak kamay kaming lumakad papuntang sasakyan nya na nasa parking lot ng university. Hindi karaniwan sa akin na maglabas ng emosyon lalo na sa isang lalaki, pero kanina, nang makita ko ulit si Alex, parang bumuhos lahat ng emosyong naipon ko sa mga panahong hindi ko sya nakita o nakausap, hindi ko napigilan ang sarili ko na ilabas ang nasa loob ko. Kahit bumubulong ang utak ko na mali ang ginawa ko pero sa pakiramdam ko everything seems right. Actually i love the feeling, parang may parte sa pagkatao ko na nabuhay.

Mayamaya nagring ang phone ko, si Raffy... Hindi ko malaman ang gagawin, sasagutin ko ba o hindi, nasa loob na kami ng sasakyan at ayoko sana masira ang masayang araw na ito kaya naioff ko na lang muna pero muli itong tumawag.

"Nagriring phone mo ah bakit hindi mo sagutin?" Baling nito sa akin.

"Ha ah ok excuse lng ha," at sinagot n nga ang tawag ni Raffy.

"Hello Raffy? Napatawag ka..." Biglang napawi ang ngiti ni Alex pagkabanggit ko sa pangalan ni Raffy.

"Hi Ellaine, namiss kasi kita e, pede ba kitang puntahan sa bahay nyo mamaya?" Paalam nito.

"Ha? Nako hindi pede e, may lakad ako",

"Talaga? Saan? Ihatid na kita," usisa nito.

"Nako huwag na,  hindi na kailangan kaya ko na," tanggi ko rito.

"No i insist baka gabihin ka delikado sa daan,"

"Hindi na nga Raffy, saglit rin lang yun hndi naman ako masyado gagabihin, tsaka marami akong assignments kaya gusto ko sana walang destructions sa pag-aaral ko," paliwanag ko dito. I felt guilty pero hindi ko na rin alam ang sasabihin kaya mas pinili kong magsinungaling.

"Ganun ba? Sige na nga sa susunod na araw na lang," pagsuko nito.

"Oo promise sa ibang araw na lang pag hindi na ako busy," sabi ko na mas lalong ikinalukot ng mukha ni Alex.

"O pano sige na Raffy may gagawin na ako,.bye," paalam ko dito.

"Lagi pa rin ba kayo nagkikita ni Raffy?" Tanong nito matapos kong ioff ang phone ko.

Tumango lang ako.  Lalo itong naging seryoso.
"May pag-asa ba sya sa'yo?" Tanong nito pero hindi makatingin sa akin parang hirap na hirap syang banggitin ang mga salitang yun.

Hindi ko alam pero bigla akong natawa.

"Ellaine, walang nakakatawa sa sinabi ko,"
Iling neto.

"Sorry Alex, natatawa lng ako sa itsura mo, masyado kang seryoso, parang bigla kang tumanda ng isang dekada.

"Ah ganun, so ang tingin mo na sa akin matanda," tampo nito na lalo kong ikinatawa.

"Haist!" Sabi nito sabay baba ng sasakyan at sumandal sa gilid ng sasakyan. Sinundan ko ito.

"Oy Alex wag ka ngang OA, anong drama na naman yan?" Biro ko dito pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Alex.

"OA na kung OA, e sa nagseselos ako e, masama ba?" Pagtatapat nito, na lalo kong ikinangiti.

"Bakit ka naman magseselos, tinanggihan ko na nga di ba?" 

"Tinanggihan pero magkikita pa rin naman, nangako pa," bulong nito pero rinig ko naman.

"Syempre kaibigan ko 'yung tao, ngguilty na nga ako kasi nagsinungaling ako ngayon para makasama ka tapos magtatampo ka pa, hmp," sabay talikod at bumalik na sa loob ng sasakyan.

"Teka, sorry na," habol nito. At pumasok na rin sa sasakyan.

"Pasensya na talaga, hndi ko kasi maiwasang hindi magselos, pero sige promise pipilitin ko..." Pinaningkitan ko sya ng mata...

"Sige na nga ahm kakayanin kong hindi ipakita yung pagseselos ko, pero hindi mo talaga maiaalis sa akin yun, pagdating sa'yo hindi ko maiwasang maging selfish," pagsusumamo nito.

Napabuntong hininga ako, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa naririnig ko o matakot dahil baka hindi ko kayanin at masakal lang ako kalaunan.

"Hay ano pa nga bang magagawa ko, basta lilinawin ko lang, pareho ko kayong kaibigan ni Raffy at ayokong maging kumplikado ang lahat, alam mo namang ayoko ng problema lalo na at malapit na akong magtapos ng pag-aaral, ayoko ng destructions,"

"Yes mam, pero hindi ba MU na tayo?"  Hirit pa nito.

"Anong MU ka dyan? Ano yan high school lang? Mag un? Hahaha" Pang-iinis ko dito.

"Tsk! Totoo naman ah may mutual understanding n tayo, namimiss mo ako di ba? You can't live without me, right? Ngayon kung ayaw mo naman MU, e di diretsuhin na natin let's make it official, i'm your boyfriend and you're my girlfriend" sabay kindat sa akin, na pinandilatan ko.

"Hoy Mr. Super conceited, namiss lang MU na, for your information, lahat kayong mga friends ko kapag hindi ko makikita at hindi ako kakausapin mamimiss ko, at anong let's make it official, Alex ah hndi pa nababago ang desisyon ko, no boyfriend habang nag-aaral, period!"

"Ha? Pero akala ko... iba kc naramdaman ko kanina e, tsaka malapit ka na naman grumadweyt ah, pero sige na nga MU na lng muna tayo," hirit pa neto na parang siguradong sigurado.

"Wag ka masyado assuming Alex, wala pa tayo sa ganung status," pilit ko dito kahit sa kaloob looban ko tumatanggi ito sa totoong nararamdaman ko "sana maniwala" bulong ng isip ko.

"Sigurado ka? E kanina lng umiiyak ka pa,"

"Hep tama na, wag na natin pag usapan, at dont you dare magpamiss ulit kakatayin kita," banta ko rito.

"Kung ikaw naman ang kakatay sa akin, ipagkakaloob ko buong katawan ko," inilapit pa nito ang katawan nya sa akin.

"Tumigil ka nga," saway ko rito, pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi nito.

"See, nagbblush ka! Ibig sabihin may feelings ka rin sa akin," pagpupumilit nito.

"Stop it Alex!, Kay Raffy na lang ako sasama pag hindi ka tumigil," banta ko na ikinatigil nito.

"Tara na nga," at bigla itong naging seryoso. So yun lng pala ang magic word, nangingiti tuloy ako.

Bago kami dumiretso sa bahay dumaan pa sya sa bilihan ng pagkain.

"Bakit parang andami naman ng binili mo?" Takang tanong ko.

"Actually celebration ko ngayon,"

"Celebration?"

"Yup, i closed an international deal kaya we will celebrate," paliwanag nito.

"Seriously? E bakit nandito ka, dapat sinecelebrate mo ito kasama sila tito at tita, ibaba mo na ako ditk para makauwi ka na rin.

" I said WE will celebrate," madiin nitong sabi.

"Tsaka we'll have our own celebration sa bahay baka nga magpaparty pa si mom sa bahay, so don't worry," dagdag nito.

"Ha? E, ano na lang sasabihin nila tita, nakakahiya dapat sa kanila ka unang nagsecelebrate, ano ka ba Alex, uwi ka na" Pamimilit ko dito.

"Alam nila na nandito ako kasama ka, at i'm telling you masaya sila na magkasama tayo,"

"Nakakahiya ano ka ba Alex!" Lalo tuloy akong nahiya sa nalaman ko.

"Hey i said don't worry, alam nila kasama ko ang ka MU ko," ngingisi ngisi pa nitong sabi.

"Anong sinabi mo?" Bulyaw ko rito.

"Joke lang, pero pag hindi ka tumigil pagpapauwi sa akin, sasabihin ko talaga na mag MU na tayo," tatawa tawa pang sabi nito.

"Stop it Alex! Hindi totoo yan!" At wala na nga akong nagawa kundi ang manahimik kahit gusto ko pang mangatwiran.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon